Friday, May 30, 2008

Celeb Mania

I just can't get enough with celebrities. Haha, call it an addiction, but talagang may something entertaining about them, kaya they are called entertainers eh. Well, kahit na minsan naiinis sa akin kapatid ko kasi hindi mo makikita yong nanonood ng mga entertainment news, masyadong patriotic 'yon. Well, I can't blame him, 'yon talaga ang character niya. But, anyway, nandito lang ako para ilist down some of my favorite celebrities from sina-unang panahon up to now: 1. First to top the list ay ang style-icon up until now.... Guess who? None other than.... Audrey Hepburn. I already watched almost all of her movies, at maganda siya sa lahat. First impression ko sa kanya, well, naging hollywood star lang kasi maganda pero, there more to that, I recently read that she is a war survivor at isa siyang ballet dancer, kaya pala napaka-skinny nung bodyframe niya. Tapos naging UNICEF advocate siya for children, so hindi lang siya maganda may good heart pa. Tapos nabasa ko rin na ang kanyang personal stylist ay si Hubert Givenchy (pronounced like Yoober Zibunchi) French name kasi eh...haha. Here are some of her gorgeous pictures:


ang kanyang beauty sa Pirates of the Carribean, mas nakita ko ang true beauty niya sa Pride and Prejudice. Hanga ako sa kanya kasi kahit my dyslexia siya, she can still do outstanding performances in acting. Dyslexia pala is a disease, yung meron kang difficulty in reading. Ang galing niya talaga sa Pride and Prejudice kaya naman na-nominate siya for Academy Awards for Best Actress, but napunta kay Reese Witherspoon 'yon for the movie "Walk the Line". Pictures:


3. Then, Emmy Rossum, napanood niyo na ba yung Phantom of the Opera? Ako many times na...haha. Galing niya kasi doon, galing pa kumanta, fast facts na nabasa ko ay allergic siya sa gluten, so hindi siya kumakain ng rice or bread... di ba? Sana allergic din ako sa gluten para no carbs...haha. Meron na nga siyang album ngayon at infernes maganda naman ang reviews dito. Pics:

4. Natalie Portman, full-package 'tong si Natalie, maganda na, matalino pa. A Harvard Graduate in Psychology, true role-model. Makikita mo naman sa mga roles na pinoportray niya ang lalim ng kanyang pag-iisip like V for Vendetta which like more on politics, tapos yung latest movie niya na Other Boleyn Girl, ang galing niya doon, outstanding! May bansag nga sa kanyang "Modern Audrey Hepburn". Pics:

5. Supermodel Tyra Banks. Haha...Chessy? Pero I think ang ganda niya. Black American Beauty, siguro nagustuhan ko siya America's Next top Model tapos maganda pa yung show niya na Tyra Banks Show.
Bukod sa top 5 ko, eto yung iba pa sa mga gusto ko: ---Lee Da Hae, korean actress
---Caridee English, ANTM winner cycle 6
---Ingrid Bergman, actress "Casablanca"
---Nicole Kidman
---Gwyneth Paltrow

'Yan, adik ba? Well, ang saya lang magsearch tungkol sa kanila. Hay naku, ang sumakit nanaman tiyan ko kanina. Anyways, nawala naman buti na lang. Sige until next time ulit.

Wednesday, May 28, 2008

The Medical Benefits of Blogging

Yep, akala niyo blogging is only a means of communicating with friends and loved ones at akala niyo blogging is the only means of stripping off yourself publicly pero nabasa ko, yah-- nagbabasa na ako ng mga articles na blogging has therapeutic benefits. Sabi yan ng mga experts-- when I say experts yung mga professors at doctors the galing Harvard o kung ano pa man. I got this from this site:

" But besides serving as a stress-coping mechanism, expressive writing produces many physiological benefits. Research shows that it improves memory and sleep, boosts immune cell activity and reduces viral load in AIDS patients, and even speeds healing after surgery. A study in the February issue of the Oncologist reports that cancer patients who engaged in expressive writing just before treatment felt markedly better, mentally and physically, as compared with patients who did not."

Yeah, I agree with the stress-coping mechanism because proven fact 'yon. Kahit na ako minsan galing school tapos ang dami pang schoolworks I still find myself blogging parang pantanggal stress na lang kasi napo-pour out mo yung mga experiences mo through writing.

It is also said the blogging releasese "dopamine". Eto yung hormone na narerelease na nagii-stimulate sa 'tin like for example pag nakikinig tayo sa music, or looking at an art. So, we can classify blogging as an entertainment and a stimulant--- so parang drugs nakaka-high..hehe. Pero seriously blogging is analogous to drugs but not in a harmful way, like drugs it is very addictive, yes for sure, like drugs parang maganda yung feelings mo pag you release all your thoughts, pero like drugs minsan it harms us kasi there are times na hindi tayo nagiging conscious sa mga sinusulate natin that we forgot that there are people who read our blog leading sa pagkasira ng reputation natin, so kung talagang galit na galit na kayo sa isang tao o sa isang bagay make sure to use metaphors malay ba nila kung sila 'yon.

May nabasa ako sa April 2, 2008 issue ng Philippine Daily Inquirer na may title:"Yes, blogs can ruin your life"tapos may tag line pa na-- You could suffer blog backfire. What you post online could be used against you. One story na nakasulat doon may isang girl na tumawag sa office niya saying that she is sick so hindi siya makakapasok pero the truth is she was planning to start the weekend by going to the beach with friends. Tapos nag-post siya ng mga pictures sa blog, then may ka-officemate siyang nakita yung link tapos nireport niya sa boss nila, so 'yun buti na lang hindi siya nasisante. Wala lang, marami na kasing nagboblog as in super dami na, hindi na nga uso sa 'tin yung "diary" eh, well, siguro yung iba, pero I can see no harm in blogging unless you cross the limit and offend many people, that's the time the blogging do cause harm.

Well, at least we feel good whenever we blog due to its medicinal benefits.

Monday, May 26, 2008

Alone

Naku, mag-isa nanaman ako sa bahay ngayon. Sumama ang kapatid ko sa tatay ko sa office kasi bukas enrollment niya sa Pisay eh half-day lang enrollment tapos tatay ko panghapon meaning bukas pa siya uuwi so, sinama na niya si kokoy para doon na lang daw matulog sa office. At the first place medyo malungkot kasi wala akong kasama dito sa bahay pero ok naman kasi aking-aking yung computer pero sadly hindi ko naman nasulit kasi nakatulog ako. Well, tumawag si mader sa akin sabi niya dumaan daw si Ate Lydia dito sa bahay tapos may napansin siyan umaali-aligid na lalaki, so akala ko naman tropa lang ng kapatid ko yon, then tumawag ulit mader ko sabi ni Ate Lydia maputi daw tapos may itsura, ewan, hindi ko sure kung my itsura o "medyo" may itsura, hay sana gising ako para kahit hindi ko siya ma-eentertain at least di ba?

Pero medyo nakakatakot rin, mag-isa lang ako dito sa bahay so kung anu-anong kabalbalan ang naiisip ko, tapos may issue pang ganon, nakakatakot haha. Pero sanay na rin ako minsan kasi kami lang dalawa ni mommy sa bahay lalo pag si daddy nasa office tapos kapatid ko nasa dorm, tapos ako nandito pa sa sala kung minalas-malas aabutin ako ng mga 2 am. Ok nanaman, nasanay na rin ako. haha, Parang horror 'tong entry ko ha? haha.

Hayy... bakit ganon? Nung malapit na yung bakasyon ang dami kong gustong gawin, ngayong mag-isa na ako ni wala akong matandaan sa mga gusto kong gawin, nagawa ko na ba lahat? Natulog na ako ng matagal... Nakapagbasa na ako ng I think apat na libro... Nagkita na kami ng bestfriend ko... Nakapanood na ako ng movies at koreanovela... Nakalinis na ako ng bahay at kwarto ko especially at hindi lang once... Nakapag-piano na ako... hay.... meron pa ba? Alam ko meron pa eh pero parang wala na... hay... eto ba ang dulot ng walang kasama?

Di bale, bukas naman ok na, may kasama na ulit ako.

Sunday, May 25, 2008

Dysmenorrhea

So I started this day as usual-- early. Sunday, araw na rest day sa karamihan pero sa akin hindi. I always go to church, para sa praktis sa choir and organ sa kabataan, pero I am getting used to it by now. Tapos naging organista pa ako sa katandaan so double the work for me... haha. Ang hirap pa naman mag-aral ng nota sa katandaan kailangan double the effort talaga, pero overwhelming naman masarap sa feeling kahit mali-mali tugtog ko..haha.

So, nagkaroon kami ng mini family dinner kanina, punta kami sm. Muntik na ngang nasira araw ko eh, kasi naman kapatid ko naka-order na kami gusto niya pang lumipat ng resto, eh ayoko ng ganon. Yun, pero nagkabati naman kami kasi masarap naman yung mga pagkain. Tapos kaya pala ako medyo masungit ngayo eh, you know, the girl thing, tapos sinabayan pa ng dysmenorrhea. Grabe, ngunit ko lang ulit na feel itong pain na ito, tinulog ko na nga lang eh pero still medyo masakit pa rin.

Hay, feeling bitter pa rin ako for UP. Ayoko nang masyadong ipahalata ito sa aking mga parents kasi lalo lang nila maalala yon. Ewan ko ba, I shouldn't be thinking this anymore kasi may school na ako and I should focus on this. Hindi ko na ma-aafford na madisappoint parents ko ulit sa akin. Hayyy.... Nakakaiyak. Pero I am still hoping that one day... Alam ko namang may nakalaan pa sa akin.

Well, kadramahan ko nanaman. Basta masaya ako dahil buo ang pamilya ko at nandyang ang mga friends ko. Haha

Thursday, May 15, 2008

Taga-Masci ka ba? Sagutan mo to

I got this survey from Julie on her multiply. Thanks. First time kong isusurvey ang sarili ko. Wish that I could honestly answer the questions. :D

taga masci ka ba?
student/alumni

*Well...I am a proud graduate of Masci... kaya alumni na ko!!!

student number?
*Uumm... di uso sa Masci yan...We're a community there, kaya medyo magkakakilala kami...medyo lang :D


do you really like it here?
*dapat ang tanong "do you really like it THERE". Well, I can say na I like it there becoz I gained so many experience saka friends.


is this your first choice of campus?
*Well, actually...yes.


why or why not?
*Honestly, ang tatay ko ang originally mas gusto for me to enter Masci... so ako isang masunuring bata, I said yes and took up the entrance exam and pass...haha


colleges/universities?
*De La Salle University


dumadalaw ka pa ba sa masci or dadalaw ka pa ba khit grad ka na?
*I will surely visit Masci, siguro pag may mga important events like Foundation. Marami akong dapat ireminesce sa Masci... at may dapat pa akong balikan!!! haha.


The best things about masci?
*Uum... Doon ko natutunan lahat ng kalokohan...haha...yung P6, chem at iba't ibang subjects and teachers na walang inisip kundi pahirapan kami.


what do you miss or youre going to miss?
*Actually...lahat.


fave place mo dito? bakit yun?
*Wala akong favorite place sa Masci....haha... Siguro yung UCB saka Comp.Sci building na lang... kasi sa UCB kami palaging nagstay pag walang teacher and sa Comp.Sci room...well, malamig..haha


fave day mo?
*Friday? Gala sa Rob? haha


least fave day? why?
*Monday to Thursday.... Palagi akong nagmamadali...


fave building?
*Bordner...maraming moomoo!!!


least fave building? why?
*Main? Ewan ko basta ayoko don.


memorize mo ba yung masci hymn?
*Of Course gusto mo yung alto part pa eh..haha


paborito mong teacher/s?
*1st year--- umm...Ma'am Alejandro? haha.. seriously. 2nd year---Mrs. Jarabese. 3rd year-- MRs. vidal? haha... 4th year--- Dami eh, Mr. Bautista, Mrs. D, Mrs. Diaz, MRs. Correa and syempre Ma'am Faylogna.


bakit siya/sila?
*Kasi bukod sa pinahirapan nila ako. Well, marami akong natutunan sa kanila


pinaka-ayaw mong prof?
*Secret... public 'tong blog ko baka huntingin ako non...haha

bakit siya?
*kasi....pag sinabi ko.... basta secret


things youve learned here?
*Learned.... How to cram and make a on-the-spot project. Yeba!


naglalakad ka ba lagi papuntang school?
*Kaw kaya try mo maglakad from Cavite to Manila.


madalas ka ba sa lib pag vacant mo?
*Uum...GC?


anong masasabi mo sa madalas na pag-ra rally dito?
*Sa tingin ko ay isang masayang paraan yon para macancel ang pasok


if you werent in masci, nasaan ka?
*Nasa Cavite Science High School.

sa tingin mo malaki ang naitulong/maitutulong ng MASCI sayo?
*SOBRANG LAKI!!!! as in MAAALLLAAKKII!!!!!

Wednesday, May 14, 2008

Pinoy Pride

I just have the chance to watch Charice Pempengco on Oprah at You Tube and I will tell you, man! she's so good. Saan niya kaya hinuhugot yung super powerful force ng boses niya? Hm.... Wondering. Standing Ovation pa yung performance niya. Ang galing niya talaga. Filipinos are really well-known sa galing kumanta, lahat tayo kumakanta. Walang pinipiling lugar o pagkakataon ang ating pagkanta, mapa-banyo kakanta tayo. Kaya namam, it's really the time to recognize Filipinos for their talents in the field of singing.

Check out Charice in Oprah:



Enjoy!

Tuesday, May 13, 2008

Wake Up Call

Music: Awakening- Switchfoot

Last night, I was struck by the most devastating news so far. Earthquake in China which Death Tolls rises from 10,000!

10,000! That's a lot of people. The 7.9 magnitude toppled building and concrete walls on the street of central China. News reported that 1,000 teachers and students were buried and worst of all feared dead.

Not only China is suffering from destruction. Myanmar is in the state of calamity also.


It's scary. Sobrang nakakatakot na ang panahon. Well, I think it serves as a wake up call for all of us, including me, in the US word. Hearing steaming hot political and economical news, who will just picture the world as getting worse as possible. I mean, dito pa lang sa Pinas you will already see a sneak preview on what's happening di ba? Meralco and Napocor, fighting who's in fault of the seemingly high electric payments when in fact both of them should stop blaming each other and help EACH OTHER for solving this problem. Oil Price Hike, which in turn makes jeepney drivers declare transport strikes. Pagtaas ng bilihin, the Rice Controversy.

While all of us suffers, no-- not all, while the burgeoise and the lower class of Filipinos are suffering, high society and those "some" political scoundrels are enjoying eating dozens of rice and touring around the world, with a pocket money which they stole mula sa kaban ng bansa. Well, though this post is not mainly about revealing political upheavals, well, it's part of this wake up call thing no...haha.

Hay...Isang malalim na buntong hininga na lang ang maibubuga ko. I am still in the process of "reconstructing myself", kaya hindi ko muna iisipin ang mga problemang nangyayari sa mundo. Start from myself muna.

Thursday, May 08, 2008

Twilight and Let's just keep it simple

All the Twilight fanatics out there, including me of course, here is the much anticipated Twilight the Movie Trailer.... haha, I can't wait for the movie. I promise, I will be first in the row!!! I hope the movie is not disappointing.



I have to buy New Moon and Eclipse, I already read Twilight way back as far as I can remember and I don't have the "datung" to buy the other sequels. Siguro kung may malapit lang na Powerbooks naku kulang na lang I pack pillows and a blanket and I will sleep there and hit New Moon and Eclipse in just one sitting.

Anyways, I decided that I will keep my blogskin as simple as possible. I am just getting tired browsing through tons of blogskins and I just can't seem to find the right one for me. Though I want to learn CSS, parang hindi ko rin feel...haha. Saka pag ako gumawa, baka ano pa ang kalabasa--messy. So, let's just keep it simple as possible. I choose green, kasi Lasalista na ako so, green to the max na!!!! Au Revoir..

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Same Mistake

I'm not calling for a second chance,
I'm screaming at the top of my voice,
Give me reason, but don't give me choice,
Cos I'll just make the same mistake again...---Same Mistake, James Blunt


Ever felt guilty for doing the same mistake all over again? Broken promises to others and especially to yourself, telling that you will not commit the same mistake anymore? I do.

I disappoint people and most of all I disappoint myself. Hmm....When will I ever learn?

Tuesday, May 06, 2008

Sa Pag-indak ng aking mga Daliri

Currently Reading: Simple Genius by David Baldacci

Sa mahigit-kumulang 12 taon ng pag-indak ng aking mga kamay, masasabi kong hindi pa ako lubos na nasisiyahan. Maraming-marami pa ako as in marami pa akong nais matugtog. Minsan nga ay naiingit ako sa mga batang ika nga- "gifted" kasi parang sobrang dali lang sa kanila na basahin ang mga nota at iexecute ito sa mga tiklado ng piano. Ika nga sabi ni Mr. National Geographic, "playing piano is not an easy thing to do." At tama si Mr. NatGeo doon, mahirap bigyan ng buhay ang bawat nota na iyong tutugtugin. Sige, simulan muna natin sa pagbasa ng mga nota. Mahirap ang trabahong ito, pero sa akin hindi ko ito itinuturing na isang trabaho dahil ito'y gusto ko. Sa pagbasa ng Do-Re-Mi-Fa-So-La-Ti-Do maraming pwedeng kaeek-ekan ang mangyari dian pwedeng maging sharp at pwede ring maging flat, pwede ring maging double flat or double sharp, pwede rin syang maging natural. After you learn reading notes, eto na ang beat or yung tempo mo kung pano mo tutugtugin ang mga nota. Then, natututugtog mo na, ano pa ang kulang? Walang kabuluhan lahat ng mga ginawa mo kung hindi mo ito lalagyan ng feelings. Feelings ang nagpapaganda ng isang tugtugin. Hindi ito pinaghirapang i-compose ng isang composer kung i-eexecute lang ito ng walang puso't damdamin. Kaya naman talagang constant practice, focus at lost of patience ang kailangan sa pagpapraktis ng piano. Well, minsan siguro dahil hindi ko rin maachieve ang gusto ko dahil I have no patience. I want to do things in a snap. Well, narealize kong mali yon and I will really try to change that.

LIEBESTRAUM by Franz Liszt. Well, eto sa ngayon ang inaabot kong matugtog. Grabe, pag ito talaga natugtog kong BUO!!!! naku, ewan ko nalang ang magagawa ko. Sana naging isang gifted child or kahit child prodigy na lang ako. Yun tipong tumutugtog sa CCP or mas ambosyosa sa Carnegie??? (eto ata spelling non) sa London. O di ba? Ibang klase ako mangarap...haha. WEll, it's far from being true. Feeling ko hindi ko naman magagawa yon.

Pero at least, I am so greatful that God give me these hands, because these hands give me a chance to serve Him more. I got to use my talent to sing praise to Him, kaya naman sobrang grateful ako. Hay... Ok na yung hindi ako makatugtog sa CCP or maging world-renowed pianist, at least di ba? I am playing for the the Almighty! Saan pa kayo? Talo ko si Cecil Licad, Maksim, Marc Yu at Lang Lang sa pagtugtog ng piano! haha..... Well, enough of this pag-iinarte.

Share ko lang mga thoughts sa mind ko. Next time ulit.

Friday, May 02, 2008

What's up with me now...♥

Ang gwapo ng boses ni David Cook. I am so in love with his "Always be my Baby"... it leaves me still wanting more. Well, I can't say na boring ako this summer. Actually, I always liked being at home, waking up everytime I want except pag may pagtupad, and eating alot, watching T.V., surfing the net and playing piano everytime I want. I own my time. I own everything. My sarili akong mundo dito sa bahay namin. I also have time to reflect and reminisce things. At least nakakausap ko ang sarili ko at sinasariwa ko ang mga nangyari at possible happenings pa sa buhay ko.

Sa totoo lang, I'm scared. I'm scared because the future seems to be very unknown. Maraning opportunities na dumadating pero natatakot akong i-accept yon dahil baka hindi ko magawa ng maayos. Ewan ko, hindi pa malinaw ang mga bagay-bagay.

I have to reconstruct myself first.

Yun lang...hehe.. just for the sake of posting.

Au Revoir!