Wednesday, May 24, 2006

My Hands are Tortured!

Manhid na ang kamay ko!!! Walang awang pinaslang ang mga kamay ko ng mga tikladong ng piano at ng organ. Napaikot-ikot na ang mga buto ng kamay sa kakatugtog para sa recital at pagpaparktis para sa organ sa kapilya... Talagang manhid na ang kamay ko. Ang hirap kasi ng tutugtugin ko eh... and take note and dami pa, sa recital ako tutugtog ng 'Lupang Hinirang' tapos "climb every mountain" tapos "A Comme Amour" tapos "Flight of the Bumblebee" siguro ito flight of the bumblebee na ang pinakamadugong piyesa na matutugtog ko. Sapagkat sa pagtutugtog ko nito halos nagkakanda buhul-buhol na ang mga ugat ko sa kamay... Masyado bang exaggerated? Eh totoo naman eh. Sana makaya pa ng aking kaawa-awang kamay. Kahapon pala sinamahan ko si Lyka sa UP, magtetest kasi siya, binigyan siya ng form at nakita ko yung mga courses. Balak ko sana Bio eh meron naman pala lahat ng branch ng Up and nakita ko sa UP Diliman course sa Music. Feel ko ring magtake... Anyway... naaawa talaga ako sa kamay ko.... huhuhu... kaawa-awang kamay... Tortured na!

No comments: