Thursday, December 28, 2006

Start of Something New

Ang aga ng "Start of Something New" ko, magnew-new year na at panibagong taon nanaman ang tatahakin natin, kaya eto nanaman ako bagong skin, simplicity nanaman ang umiiral at mood ko kaya tada...sana magustuhan niyo. Tapos, well, tinatamad ako magtype, pupunta kasi ako piano lesson ngayon eh...ang sipag ko naman, ako lang ata ang magpipiano doon eh. Neweiyz, kagabi after panata pumunta kami sa patay, namatay yung lola ko, kapatid ng lolo ko, well, napakabilis nga ng pagkamatay niya eh...Condolence talaga at naaawa ako sa mga anak niyang naiwan kay ate lois, kuya jojo at mga kapatid niya, ang hirap mawalan ng ina no.

Sa ngayon, wala pang goal ang mind ko para sa 2007 na paparating, ewan ko parang nakakatamad pa mag-isip at nakakatamad pa mag-aral. Ang ikli ba? bitin? sa susunod na lang pag high na ang energy ko...Ciao!

Tuesday, December 26, 2006

Lake House

Nagpunta kami kanina mama sa divisoria at namili kung anu-ano..Bili din ako ng mga bagong DvD xempre kelangan may panoorin akong bago...bumili ako ng dvd ni hilary duff "Material Girl", yung pinoy movie na "You are the onE" hehe...ganda kasi eh...tapos yung "Lake house" Grabe na-inlove nanaman ako sa story na etech...ganda grabe, parang napaka-complicated ng kanilang relationship kasi different times sila nagkakau-sap si guy noong 2004 pa tapos tong is girl noong 2006 na, pero dahil sa lake house na parehas nilang natirhan nagcommunicate sila...ang ganda talaga, may part na nakakalito pero magegets rin ng mga nononood...Grabe sana may ganyan din akong love story pero napaka-imposible no? hehe...talagang ganyan ako, madalas mangarap ako ng mga lovestory na imposible mangyari...wehehe...tapos na-iimagine ko then, wala na eto nanaman ako ng daday dreaming...

Stepping out from my imposible fantasies and going back to reality, well eto ako nagpapakabondat at nanonood ng lahat ng pwedeng panoorin, grabe meron nanaman akong na-accomplish, tulad ng project sa tle. Well actually yun pa lang ang na-aacomplish ko at medyo nagreview na ako sa long test sa social....at least di ba? hehe...niloloko ko nanaman sarili ko, actually madami pa akong gagawin at wala pa ako halfway ng mga task na dapat kong tapusin...

Ngayon, kung sino man makabasa nito, pwede ba tag kayo tapos suggest kayo ng mga cool love story na magandang panoorin.

Kasi pag nanonood ako ng movie, parang gumagaan talaga ang loob ko feeling ko nandon ako sa situation na yon, naku pag talagang kinareer ko yung panonood kahit mababaw, tapos nakakaiyak pa, naku yung mga kasama ko hindi umiiyak pero ako talagang feel na feel ko yung movie tapos maiiyak na lang ako...hehe...ganon ako kasenti.Hay! Kelan kaya ako maiinlove? wehehe...magtanong ba daw? wala lang parang hindi ko pa kasi nafee-feel eh, oo nagkacrush, pero inlove? parang wala pa eh...hay naku...sabi ko na nga ba eh, iba nagagawa ng mga love story movies sa takbo ng isipan ko eh...di bale bukas medyo balik normal na muli itong utak ko.

Yun lang, try niyo panoorin...at ma-iinlove din kayo.

Monday, December 25, 2006

Grabe, buti na lang nakarecover na ako... Umatake nanamn kasi abg ulcer ko at this time eto na ata ang pinakamalala sa lahat, in the history of my ulcers. Kasi kaninag umaga 5:30 am nagising na ako, ang sakit na ng tiyan ko, pero hindi naman ako napoopoo nagweewee na lang ako tapos balik na ako para matulog, pero hindi ako makatulog, grabe parang tinutusok yung tiyan ko tapos ang sakit sakit talga, namimilipit na ako. Tapos tinawag ko na si Mama sinabi ko ngang nasakit tiyan ko, nilagyan ito ng oil grabe walang effect ang sakit sakit pa rin, tapos hindi ko na nakaya nasuka na ako, grabe feeling ko nga naubos ang tubig ko sa katawan dahil sa sobrang pag-vovomit at idagdag mo pa diyan ang lbm...madedehydrate na ata ako eh... tapos pumunta si mamy sa palengke para bumili ng gamot na nireseta sa akin pag may ulcer ako...kasi na-ospital na ako dahil siyan sa bwisit na ulcer na yan eh...tapos yon ininom ko, pero pinapakain muna ako, hindi ako makakaain kasi feeling ko isusuka ko lang at ganon nga ang nangyari, sinuka ko nanamna tapos pinainom na ako ng gamot, natulog ako, nawawala pero bumabalik at talagang parang tinutusok ako, tapos nawawala ulit tapos babalik, grabe sobrang sakit namimilipit na talaga ako. Tapos buti na lang 12:30pm ako nagising wala na, buti na lang talaga, ngayon status ko ay nanghihina, tinatamad gumalaw ang katawan ko at kailangan ko pa ng maraming tubig!

Friday, December 22, 2006

Ang dami kong ikukwento...

Hay naku...ngayon lang ako nagkatime na mag-update kasi busy ako this past few days... yes! busy ako, kahit malapit na ang pasko it seems to be na hindi ko maamoy na christmas sa hangin kasi nga bago pa kami magbakasyon ay sandamak mak na requirements ang dapat ipasa. Simulan natin noong tuesday, wala naman masyadong nangyari major highlights lang ay nung kami ay pumunta noong hapon sa robinsons para mamili ng damit nila for christmas party, dapat bibili rin ako pero nawalan na ng budget kasi masyadong mahal mga christmas gift ko sa kanila, naging fashion consultant nila ako! wahaha...pede pala akong maging fashion guru...wahaha...
Tapos noong wednesday, ang buong Darwin ay busy at nagcacramming para sa ipapasang scrapbook sa English, tapos eto pa, panira ng araw ng Physics, talagang bwisit na bwisit ko nung period na yon eh last pa naman...talagang ang sama na ng mga pinag-iisp ko. Ang bilis nga naman ng balik ng karma yan tuloy nawala yung mga burloloy na ginagamit namin sa pagdedesign sa scrapbuk...hate it! inis ka na nga, makikisama pa ang nature sa inis mo...kainis talaga, pero buti na lang sa christmas party na daw namin ipasa, sabi ni mam soriano.
Then, christmas party na, medyo late na kaming dumating ni Kath kasi tumupad kami, sympre tungkulin muna bago ang lahat tapos non, tinext ako ni Majo, wag daw muna akong pumasok sa school para ako ang makabili ng pizza namin. E di payag naman ako, tapos noon punta ako TImes Plaza para pumunta sa greenwhich, 8:30 am nandon na ako tapos 9:00 pa magbubukas, edi wala akong magagawa kundi maghintay...grabe namuti mata ko sa paghihintay buti na lang hindi ako nakatulog ang lamig pa naman, tapos yun na order order na...Ang tagal iserve parang buong Greenwhich na ang inorder ko tapos yun na...Kita ko yung crush ko...pagpasok sa school...katabi pa na room namin yung christmas party nila....wahahaa.... Tapos yun ang saya ng christmas party kasi pumunta si Maam Coco at nakiparty samin, naglaro kami ng mga wierd na laro hehe...pero pinakamasaya yung Marco Polo, na-taya nga ako eh...weheheh...
Tapos punta kami Rob, gala, inom ng jiuce bili ako sa quicky at yun ng coffe3 para buhay pa rin ang energy, upo kami sa may foodcourt at I'll tell you 3 cute na guy ang nakita ko...yung pinakacute yung huli kong nakita Fil-Am ata yon! grabe as in! Gwapo! Wala na akong masasabi, speechless pero my anak na ata, ewan namin kung anak o kapatid, pero cute yung anak or kapatid niya...tapos non binabyan namin yung anak or kapatid niya kasi pinicturan namin, mabait naman eh...nung binabayan namin, ngumiti si Cutie! at pamatay ang ngiti! Lalo syang gumawapo! Grabe! kilig na kilig kami lalo na ako, napasigaw ata ako ng moment na yon! As in, hanggang ngayon kasi na-iimagine ko pa yung kagwapuhan niya, grabe buo na araw ko as in buong-buong! gwapo! hehehe...
Tapos uwi na, gabi na nga ako nakauwi eh...napagsabihan tuloy ako ng kapatid kong panget na lakwatsera ako....
Tapos ngayon, pumunta sina lyka at joselle dito sa hauz, pero una punta muna kami sa palengke, tapos non, luto at kain na dito sa bahay, kasi may ginawa kaming exchange gifts..wahah.lagot kami kay Ka Jojo... ang saya nga eh...nagblow pa kami ng candle...wahaha...Tapos bigyan na ng mga gifts,si JOselle nabunot ko, at si Lyka ang nakabunot sa akin, pero binigyan ko sila perhas ng gift at ganon din sila sa akin... ang ganda nung mga binigay nila, from JOselle t-shirt na dinisegnan niya ng letter K, ang cute tapos kay lyks, yung pillow na taz...wahaha...Ang saya...

Yun lang namana ang mga nangyari sa buhay ko...Kahit may panget may maganda rin naman, wala kaming pasko pero masaya ako ngayon...
Sana sa darating na panibagong taon, maging makulay at maligaya ang buhay ng sambayanang pilipino!

Sunday, December 17, 2006

Relax muna...

Hinga...Hinga...at isa pang hinga, relax muna ako, ang dami ko pang tatapusin pero kelangan ko munang huminga, baka makalimutan kong huminga, nakaw degok ang aabutin ko...Mula kahapon, hindi pa nakakapagpahinga itong aking body...kahapon December 16, 2006, pasalamat sa aming lokal 3:00 am gising na ako, straight akong tumupad kaya wala nang oras para makatulog, pag natulog naman ako baka 11 am na ako magising...buti n lang...tapos non punta school sa shooting sa English, konti lang kami, hindi lahat nakaatend sa mga grupmates ko buti na lang nandon sina Kristin, Dana and Michael...wahaha...ang saya...Punta kami Intramuros, picture picture....Ang saya, tapos may kasal pa ata, pumunta kami pero hindi nakakain wahaha...Tapos birthday pala ni Ralph kahapon kaya nung pumunta siya sa practice my dala siyang merienda, kala niya kasi buong darwin pupunta...gulat nga kami eh! Pero hindi dapat magsayang ng biyaya mula kay God kaya inupakan namin yung pizza burger and sprite niya, actually hindi pa nagsisimula ang pictorial lamon na kami... ay! sa masci pala kami nagkita at family day pala ng 1st and 2nd year. nakita ko siya! wahaha! Pero na-turn off na ata ako eh... wahaha! Joke lang! Yun na nga wala lang, lakad kami sa intramuros, masaya din...wahaha...nakakabaliw pero pagdating sa bahay sobrang exhausted na ako...Mga pics from Intramuros...




Noh yung nasa taas?



Stolen Shot...From a wedding


Open up the dirty window


Reaching for Something in the Distance


Tapos ngayon ay ang aming exam sa piano ok lang naman, tapos bili-bili ng mga pang-exchange gifts, medyo naging magastos ako...wahaha....yun lang...busy bee ako no? Baliw na nga ako eh...pero sana magtagumpay lahat...See you next time na lang...Ciao!

Thursday, December 14, 2006

Isang pahabol na update, ganda pala nung book na "Veronika Decides to Die" by Paulo Coelho, feel na feel ko yung book kasi nakakarelate ako, grabe nagpakamatay si Veronika tapos hindi siya namatay cause pagkagising niya ay nasa mental siya pero ang mystery ay hindi alam kung bakit napunta siya sa mental...ang saya, medyo mangagalahati na ako, wait for the interesting ending....Yun lang, ang arte ko no? wahaha...nababaliw naman ako, ang dami kasing pag-aaralan, feeling ko periodic test nanaman bukas, at balita ko may intrams daw sa masci..OMG! Is this for real? ngayon lang magkaka-intrams sa masci ah!wahaha...cge bye...I'm leaving you with this illustration...

Not going to School

I didn't go to school today, and I'm a bit guilty because today is our unit test in Chemistry and Technical Writing. It's a bit not comfortable because, I'm not used in not going to school, even once. But it's ok para naman sa tungkulin eh. Buti pa si Kath nakaabot....buti na lang.

So ang tanong, ano ang ginawa ko ngayon? Medyo boring ang araw kasi puro libro at computer ang nakapalibot sa akin, tapos nakatulog ako...
1. Tupad ako... 3:30 am my mind and soul is already working.
2. After my tupad, medyo read book about Biotechnology then Technical writing, due to lack of sleep, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
3. Gising ng 1 pm tapos kain na ako, tapos aral ulit...
4. Practice for my exam in piano on Sunday...*nervous mode*, medyo kinabahan nga rin ako kasi akala ko hindi pwedeng hindi kabisado pero tinext ko si teacher ok lang daw..Whew! Piano piece ko Nocturne and Spanish Dance, as usual classical nanaman.
5. Punta ng sm, buying frame for our porject in Math.
6. Nandito ngayon nagboblog.

At ang mga susunod pang mga pangyayari ay itext ang mga kaklase ko kung ano ang latest mga assignments at test. Tapos aral ulit tapos yun na! ang saya di ba?

Sino nakakaalam sa 'The Legend of 1900'? Well napanood ko na siya nung bata pa ako at fortunately natatandaan ko ba itong palabas na ito, ngayon ko lang naapreciate ang kagandahan ng palabas na ito at meron akong mga clip na tiyak namang kawiwindangan, Hindi pang tao ang tinugtog niya, siguro kung ako ang gagawa nito, patay na ako bago ko pa matapos.



Noh say nio?
Eto siya noong bata pa siya...galing din...



So, hanggang dito muna...babayuh!

Wednesday, December 13, 2006

Happy Teacher's Day

Teacher's day ngayon sa Masci at masaya naman kung inyong masasaksihan, pero sad to say hindi ko masyadong na-enjoy kasi gumawa kami ng project namin sa math, kelangan na naming tapusin kasi late na kami pero masaya naman, kala ko nga hindi makakasayaw yung Darwin kasi kulang sa preparation pero at least nakapagperform sila. Wala naman, feeling ko nga ang dami kong ginawa ngayong araw na ito eh. kasi naman sa English eh, kelangan tapusin yung practice lesson na yon.

syangapala, hindi me papasok bukas kasi....tinatamad ako...wahaha...hindi joke lang...kasi kelangan ko tumupad, ayoko nang maulit yung pagkakataong sobrang maga ng mata ko kasi napasobra ang iyak ko noong mga nakaraang araw ng buhay ko, mababasa niyo ang pangyayaring yon sa mga past entries ko. Kaya i've learned a lesson, kaya lang 2 subject pa naman ang summative namin...hayaan mo na nga... excuse letter na lang...

Kain kami sa mcdo kanina, at naging masama akong bata kanina kasi may pinag-usapan kaming tao...ang sama ko talaga... magpapasalamat pa naman tapos gagawa ako ng kasalanan...sori Po! Tapos non... yun na...cge bye na...tupad pa ako bukas eh....Nytie...

Eto nga pala, isang nakakainspire na video clip...

Happy Teacher's Day

Teacher's day ngayon sa Masci at masaya naman kung inyong masasaksihan, pero sad to say hindi ko masyadong na-enjoy kasi gumawa kami ng project namin sa math, kelangan na naming tapusin kasi late na kami pero masaya naman, kala ko nga hindi makakasayaw yung Darwin kasi kulang sa preparation pero at least nakapagperform sila. Wala naman, feeling ko nga ang dami kong ginawa ngayong araw na ito eh. kasi naman sa English eh, kelangan tapusin yung practice lesson na yon.

syangapala, hindi me papasok bukas kasi....tinatamad ako...wahaha...hindi joke lang...kasi kelangan ko tumupad, ayoko nang maulit yung pagkakataong sobrang maga ng mata ko kasi napasobra ang iyak ko noong mga nakaraang araw ng buhay ko, mababasa niyo ang pangyayaring yon sa mga past entries ko. Kaya i've learned a lesson, kaya lang 2 subject pa naman ang summative namin...hayaan mo na nga... excuse letter na lang...

Kain kami sa mcdo kanina, at naging masama akong bata kanina kasi may pinag-usapan kaming tao...ang sama ko talaga... magpapasalamat pa naman tapos gagawa ako ng kasalanan...sori Po! Tapos non... yun na...cge bye na...tupad pa ako bukas eh....Nytie...

A new skin...

Muli nanaman akong nagpalit ng skin at ngayon iba na ang kulay....black na....wala lang...feel ko lang...sana final na itong aking skin...grabe 12 am na! Still working pa rin ang mga nerves at mga cells ko sa katawan... Natutuwa lang ako at nagpapasalamat sa Tito ko kasi he help me to work with my electric motor. Talagang career to the max yung electric motor ko, pero kainis kasi absent si sir kung kelan ako magpapasa, unfair diba? hehehe...ganyan talaga ang life...so unfair...ansaya bukas kasi walang klase...program lang para sa mga teachers...teacher's day kasi eh...

Wala namang masyadong major highlights sa buhay ko except sa bwisit na test sa Trigonometry, grabe ok lang naman yung test "kung" we have enough time to answer it...eh grabe di ba bale kung given na eh...problema tan alpha= -1/5 tapos kelangan mo pang ichange sa sin alpha and cosine alpha para masolve tapos mahahaba din yung proving pero at least may nasagutan ako...kainis talaga, sana naman may consideration... para masaya...iba na kasi teacher namin eh...mis ko na si sir rafols... tapos wala nang masyadong nangyari...general practice nga pala namin ! yehey! Gudnight!!!!

Saturday, December 09, 2006

In my life

Right at this moment, it seems that dad, has spread his disease...being a beatles fanatic! I am so into the song "in my life" cause it is so good....
In my life


The Beatles


There are places I'll remember
All my life though some have changed
Some forever not for better
Some have gone and some remain
All these places have their moments
With lovers and friends I still can recall
Some are dead and some are living
In my life I've loved them all

But of all these friends and lovers
There is no one compares with you
And these memories lose their meaning
When I think of love as something new
Though I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them
In my life I love you more

Though I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them
In my life I love you more
In my life I love you more

A Stressful Weekend

3 days ng pabalikbalik ang lagnat ko, at nung thursday, i was at the school's clinic kasi bigla akong nahilo and ang sakit talaga ng ulo ko, nung si ate nurse ay ginamitan na ako ng thermometer, medyo may sinat ako, at ngayon medyo ok nanaman ang pakiramdam ko, siguro dahil na rin sa sobra kong pagpupuyat at stress sa schoolworks... Ewan ko ba, palaging masama ang pakiramdam ko. ang tagal na ng last update ko, sorry cause I can't find time to update my blog due to hectic schedule, i wish na stress free na ako, pero I know that that will not happen especially if you wished to stay at a not stress-free school...hahaha.... from 1st year to 3rd year, stress na ako dian sa school na yan..

Yesterday was the charole fest, ok lang naman, medyo maganda na rin ang kinalabasan pero feeling ko hindi kami mananalo, actually mas gusto kong hindi na kami manalo, ok lang na nakapagpresent kami kasi feeling ko hindi nanamin kaya "Kung" manalo man kami ng isang linggong presentation, at baka maconfine na ako sa hospital pag ganon nga ang nangyari at I need to complete the panatas sa kapilya dapat tumupad na ako sa Thursday para hindi ulit mangyari ang nangyari sa sakin noon. God knows what is best not only for me but for the whole section.

Family day sa school ngayon pero hindi ako pumunta kasi wala naman akong pamilyang pupunta, busy silang lahat at nakakatamad din namang puntahan ang ganong mga events, papagurin ko lang sarili ko, matutulog na lang ako sa bahay kesa pumunta don. Hahaha...

Wala namang major highlights sa buhay ko ngayon...PEro kahapon nainis talaga ako sa guard ng Robinson's ayaw kaming papasukin feeling nila nagcutting kami pati nga yung 2 fourth year ayaw eh.. Pero at last pinapasok na kami nung napagplanuhan naming dala-dalawa lang ang dapat pumasok...

Ang boring no? Talagang ganyan, nastress at nahighblood lang naman ako ng week na to and at last babalik na sa normal na takbo ang buhay ko kasi hindi ko na tuturuan ang mga boys ng III-DArwin...Bakit kaya hindi sila nabiyayaan ng magandang boses?

Thursday, November 30, 2006

helo again!

Walang pasok ngayon at ang saya dahil tulog at basa ng libro lang ang inatupad ko...Well ang tagal ko nang hindi masyadong nakapag-update due to schoolwork reasons... Para sa mga fans ko, sisihin niyo ang walang kamatayang mga assignments, test na sandamakmak na feeling ng III-Darwin eh periodic test araw-araw (daig pa nga actually) at ang paparating na "charol fest"...DI ba? hectic sched ko, eh medyo ako pa yung nagtuturo sa section ko....kaya lagi akong high blood at natutuyuan na nga ako ng dugo sa sobrang kunsomisyon.

My ikukuwento ako, grabe kahapon sa school ay mass ako at si elaine ay nagdecide na hindi umatend kasi gagawa sana kami ng mga assignment, tutal naman parehas kaming hindi Catholic, tapos non nagstay kami don sa mga hindi Catholic, ang hindi namin alam may worship services na ginagawa din don kaya hindi rin ako masyadong nakapag-aral...wahaha....pero ok lang naman maganda at encouraging naman yung topic, at eto ang talagang nakaktuwa, nakita ko don si ****** hehehe....bata pa yan! child abuse nga eh! Topic kasi namin na yung generation daw ng mga kabataan ngayon eh generation of losers, tayo yung madalas mastress, dahil yung may mga emotional distress... tapos yung nagtuturo bigla akong tinanong kung anong oras ako gumising pag school days, eh di sinabi ko mga 5:20-5:30 which is true naman tapos tinanong niya ako kung san pa ako nakatira, di sinabi ko sa Cavite! E di shock siya, tinanong niya naman itong isang Mascian, 4:00am daw siya nagigisng tapos taga-Maynila LANG siya, e di nagtaka itong nagtuturo pano ko daw namamake yung 7:45 na eto, grabe tinanong niya pa ang pangalan ko at wonderwoman daw ako, ngayon ko lang nalaman na late na pala ako magising sa lagay na yon at take note taga-Cavite pa ako! wahaha....ang nakakahiya don, tinawanan nila ako at sobrang nahihiya ako sa mga oras na yon at nandon pa si ******....grabe naiiyak na nga ako ng mga oras na yon eh...pero masaya may picture taking pa, siyempre nakijoin kami ni Elaine! Tapos non medyo badtrip sa p6 kasi...ay don't mention na lang, then sabay kami uwi ni Dawn, grabe sa may bintana my tumapat na bus na San Agustin, tinuro ko sa kanya yung isang Mascian na nakita ko, kasi 3rd year din, sabi ko kay Dawn, wag masyadong tingnan kasi baka sabihin ng mga guys na nandon na medyo may itsura naman eh sila ang tinitingnan namin eh ang kulit ni Dawn, yan tuloy napagtripan kami ng isang kasama ng mga guys na yon at feeling ko siya lang ang pinakapanget kasi walang siya modo at SOBRANG HINDI GENTLEMAN!!!! grabe sobrang kung anu-ano yung ginagawa niya sa may bintana, talagang ang lakas mang-asar! do the highest level, at siyempre my kaunting dugong dumadaloy si Gabriela Silang sa akin kaya dinilain ko siya! sobrang inis ko talaga non, feeling niya gwapo siya, "pero yung mga kasama niya gwapo" siya lang ang panget! Nakakainis, gusto ko tuloy bumababa nang bus ng mga oras na yon at umakyat ng San agustin at suntukin yung lalaki pero sayang yung bayad kaya nagtimpi na lang ako! Hay naku walang-wala siya sa kalingkingan ni Mr.Darcy ang aking ideal guy! At sakto pa binabasa ko ang Darcy's Story, thanks to Carlota....Grabe inlove na inlove na ako sa "gentleman" na ito....

Yun lang, may darating daw na malakas na bagyo, at malakas pa kay MILENYO!!!! Sana hindi naman, para masya ang buhay, ingat na lang ang sambayanang PILIPINO!!! at gudluck sa amin sa Charol feST!!!!!

Tuesday, November 21, 2006

Just one "Click" of my life... (Linger by the Cranberries)

Goal ko ngayon gumising ng maaga, actually nakagising naman ako ng maaga 6:15 am ata yon, pero unfortunately talagang malakas ang higit ng kama sa akin kaya natempt nanaman ako matulog, hay naku...my worst enemy was sleeping talaga, masyado akong matakaw matulog, no wonder ganito ako kalaki! wahaha.... well maraming assignments na gagawin, actually dapat kasama ako sa mtap...at dapat may session ngayon pero, helo? pahinga? kaya I've na hindi na ako pumunta....hehehe...bad girl.... Nanood ako ng "click", believe it or not, naiyak ako sa movie na ito....peksman! Pramis! Cross my heart! Hope to die! naiyak talaga ako, kasi parehas kami na gusto na lang ifast forward, ireplay at ipause ang buhay para maskip ko lahat ng mga bad things that happening and will happen to me, pero hindi mo pala matatakasan ang buhay pag ganon ka, you will miss you entire life and it will ended like a WASTE! ayoko mangyari yon kaya tatanggapin ko n lang anumang mangyari sa buhay ko...wahaha... well nanood din ako ng "America's Next Top Model" hindi naman ako avid watcher non pero natitimingan ko tuwing gabi ng monday, kaya napapanood ko na lang, at napanood ko ang finals...Grabe pati ako kinabahan...Wala lang....

Tapos nakita ko na ang latest trailer ng Harry Potter and the other of the Phoenix, grabe my kissing scene, how dare Daniel Radcliffe do that to me, binusted ko lang siya eh magtataksil na siya sa akin....hehehe...joke lang... Infernes ang aga ng trailer eh sa 2007 pa ipapalabas, pero ansya dahil tiyak na hindi ko malilimutan yung movie kasi premiere siya sa Birthday ko! yehey! Wala lang... Mag-isa lang kasi ako sa bhay kasi fun!

Linger by the Cranberries
Hmm...Hmm...Hmm
If you, if you could return
Don't let it burn
Don't let it fade
I'm sure I'm not that rude
But it's just your attitude
It's tearing me apart
It's ruining everything
I swore, I swore I would be true
And honey, so did you
So why were you holding her hand ?
Is that the way we stand ?
We're lying all the time
Was it just a game to you ?
But I'm in too deep
You know I'm such a fool for you
You've got me wrapped around your finger...
Do you have to let it linger ?
Do you have to...do you have to...do have to let it linger ?

Oh I thought the world of you
I thought nothing could go wrong
But I was wrong, I was wrong
If you, if you could get by
Trying not to lie
Things wouldn't be so confused
And I wouldn't feel so used
But you always really knew
I just want to be with you
And I mean it so deep
You know I'm such a fool for you
You've got me wrapped around your finger
Do have to let it linger ?
Do you have to...do you have to...do have to let it linger ?

And I mean it so deep
You know I'm such a fool for you
You've got me wrapped around your finger
Do have to let it linger ?
Do you have to...do you have to...do have to let it linger ?

You know I'm such a fool for you
You've got me wrapped around your finger
Do have to let it linger ?
Do you have to...do you have to...do have to let it linger ?


Have a Happy DAy!

Tuesday, November 14, 2006

Trying to be Strong...

I want to be strong...in all times of my life, even in tough and hard times, i don't want people to notice that I am weak. But everyday, at night, i always feel that i am so weak and helpless. Battling through my surroundings and people around me, like surviving through the fittest. I hate this feeling, being helpless and weak... I want to be strong...but there are times that I just want to be quiet and irritated because, I don't have the power to make a difference, in myself and in my surroundings... I feel useless and I hate this feeling. I want to go to school, to learn new things, but everytime I go to school i just felt bad... and I don't know why.... i really hate this feeling. maybe because of the pressure of teachers and studies and I want peace of mind. I cannot thoroughly explain my sentiments at this moment because my mind was so complicated at this moment, i don't know where to begin and end everything.... i really feel helpless... i am so weak... pretending to be strong... i want to be strong... but still i felt so useless.... i hate this feeling

Sunday, November 12, 2006

An Article for my Life

Sino ba ako? Actually hindi ko rin kilala ang sarili ko...Feeling ko nga kulang na lang na maging doctor, magkaboyfriend, makapunta ng paris ay pwede na akong madegok sa rami ng naranasan ko. Pero I know that hindi pa ako nangagalahati sa journey of my life ko at marami pa ako bumps and bruises na mararanasan, pero as of now, na reminisce ko ang childhood days ko, hindi ko na-imagine na magiging ganito ako, what i am now...Sobrang daming blessings that God has given me, hindi man lahat napagkaloob Niya sa akin, I am still so thankful dahil hindi "kulang" at "sobra" pa ang lahat ng ibinigay niya. Parang kailan lang na sinabi sa akin ng dad ko na ipapasok niya ako sa Masci at eto ako nagcacramming at hindi alam kung papasa, e 3rd year na sa science highschool na pinangarap ng dady ko at eto ako di alam ko mapapasa ko ang pamatay na p6 at compsci...wahaha...pero still trying to study hard. Naalala ko rin nung bata ako, ayoko talagang magpiano...hate ko sobra, naisip ko bat ba nila ako pinipilit sa ayaw ko, everytime na pupunta ako sa teacher ko umiiyak ako kasi talagang hindi ko makuha pero ngayon, believe me or not, gusto ko talagang maging pianist...I've finally realized that everything that my parents have done and doing to me is for my own good, kaya nga lang minsan stubborn ako at medyo masungit sa kanila, hindi ako showy sa feelings ko towards them ,unlike my brother na sobrang sweet at puro I Love You ang bukang bibig, ako naman "i hate u" ang sinsabi ko pero opposite naman yon, love ko sila, sobra, maybe kung hindi dahil sa kanila hindi ko alam kung ano na ang takbo ng utak ko, kung ngayon kumplikado siguro baliw na ako! wahaha! luv u!

Minsan sa buhay hindi palaging tawa at ngiti, siguro nga palagi akong nakikita ng mga taong nasa paligid ko na nakangiti dahil ayoko na nawawala ang ngiti sa aking mukha, kailangan palaging maganda! hahaha... pero minsan naman isa akong taong nagkukulong sa kwarto at umiiyak, talagang nabebreak down ako pag sobrang pressure na ang aking nafifeel.... hahaha... Mahilig ako sa payapang bagay, payapang musika at kung ano-ano pang kapayapaan...

Ewan ko kung kelan ako mawawalan ng buhay pero I will try to live my life to fullest, searching for more knowledge, meeting new people... meeting nice guys...wahaha... 15 years old pa lang ako, bata pa ako at sobrang dami pa akong mararanasan, makikitang mga bagong mukha, marami pa akong iluluha pero mas matimbang ang itatawa at ihahalakhak... Siguro maraming beses rin ako magfifeeling na crush ako ni ganito o kung sino mang tao ang nakikita ko, pero natural lang sa akin yon...Sorry kung mukha ako stalker..wahaha....!

Sa pamamagitan ng blog na ito, nagpapasalamat ako dahil naisisigaw ko ang aking mga saloobin, marami mang beses na heartbroken life should go on... pero hindi ako nagsusulat ng update na ito dahil heartbroken ako...hay naku isang lalaki lang naman ang talaga sobrang naging crush ko eh...wahaha...pero ilang years na ang nakakaraan at lumipas na rin yon....drama to the max....hanggang ngayon siguro manaka-naka ko na lang siya nakikita kaya hindi na intense, pero salamat sa kanya dahil nagising ako sa katotohan at salamat din sa mga memories! sakin n lang yun!

Pero hindi natin maiiwasan na sadyang may mga bwisit na susulpot sa ating buhay, mga teachers na pasaway at mga taong epal... sila ay "twist" sa buhay upang mas maging colorful ang buhay, believe mafifeel niyo yan pag tapos na ang problema niyo, pero kung gusto niyo ng tumalon sa building don't hesitate to inform me at sasabayan ko kayo, pero ikaw ang mauna dahil hindi ko pa kaya magpakamatay kahil feel na feel ko na dahil, hindi ko pa nakikita ang lalaki sa buhay ko, hindi pa ako nagiging isang ganap na doktor at piyanista at kelangan ko pang pumunta sa Paris! Kaya kung talagang gusto mo nang mamatay, ieencourage lang kita pero hindi kita sasamahan...

Hindi ko alam kung ano ang pwede mangyari bukas basta I am always ready! to fight for what I believe and to fight for the people I love....


I love God, Mommy, Daddy, Kokoy, Arnie, my friends sa school at sa kapilya, mga crush ko! wahaha! mga pets ko! at lahat ng tao sa mundo... sana maintindihan niyo ang mga sinasabi ko at sana matuto kayo sa buhay na katulad ko, ang bait ko ngayon pero feeling babalik ako sa same old me bukas! haha...pero I will try to me a "better" girl, kasi mabait na ako kaya kelangan pa ng konting bait....


Sana na-inspire kayo, pero kung sa tingin niyo isang basura tong entry na 'to... pangit kayo! dahil ang hirap itype nito at nag-effort akong magsenti para rito....

Saturday, November 11, 2006

A week full of Surprises!

haha...Grabe ngayon lang ako nakapag-update, wala kasi akong makuhang time para mag-update nitong blog na 'to sobrang busy, sobrang puyat at sobrang stress na ako...wahaha...pero nakabawi naman dahil sa tulog ko...

Mga highlights ng aking week ngayon ay ang Pagdating ng mga candidates for Miss Earth sa school,Shooting an episode for Yspeak in our school and Celebrating Patricia's b-day.

Well, I don't care naman whether Miss Earth comes to our school, so what di ba? What I've care ay yung kahihiyang nangyari sa amin ni Elaine nung mga oras na yon, well dumaan kami sa dinadaanan nung Miss earth kasi hinihintay ata ng mga students sa quadrangle, sympre excited sila, e di napagtripan at kami non na lahat ng dadaan ay papalakpakan nila, e di ganon na nga, nagulat na lang ako bigla ng bigla nila kaming palakpakan without any reasons, kainis nga eh.

Kahapon nagshoot ang yspeak sa aming school, luckily kasama ako sa mga audience kasi 6 of the class officers ay kasama doon, well mga gwapo ang mga naging kasama ko at talagang ang cute nila...haha...sayang wala akong picture sa cellphone. Tapos non b-day ni chuchay at pinakakain niya kami!

Pero ito tlaga ang isa sa mga heart-popping na nangyari sa week ko :Drum roll please: I PASS PHYSICS!!!!Sobrang kabado talaga ako as in, magkakaroon ata ako ng asthma, heart-attack at kung anu-ano pang mga sakit dahil sa sobrang kaba, kasi yung mga below 85 magtatake ng remedial test buti na lang ako 89! Whew! that's a relief....Ok naman.... hanggang ngayon windang parin ako...Thank you po Lord! Luv u~

Saturday, November 04, 2006

Pride and Prejudice

I am so into Pride and Prejudice, sobrang nakakakilig ang story ni Jane Austen, I have watched its movie a dozen times at sobrang ganda. It seems that as you watch it so many times naiinlove ka. Grabe ang ganda ganda, no words can describe such love story. Ka-touch, napaka-free-sprited ni Elizabeth at gentleman at caring si Mr. Darcy naku, nakaka-inlove. Sana maging ganon yung love story ko...hehehe... Mangarap naman ako, feeling ko rare na ang gentleman sa mundo at "deep" kung mag-isip, my malayong pananaw sa buhay at nakikita ang mga bagay beyond what ordinary man sees. Those are the qualities I want from a guy. I want him to have confidence, siguro to protect me...drama ko.. tapos I want him to be true to his words. Ideal man si Mr. Darcy... Perfect! But there's no such thing, sana makahanap ako when the right time comes.And I also think na yung mga composition and music sa Pride and Prejudice movie is the most beautiful music I've ever heard. Love it! Sobrang ganda! Ganda talaga! I love pride and prejudice because I ganda ng ambience ng movie, wish ko nga sana nabuhay ako ng mga era na yon eh. Ang ganda talaga! I think my one and only favorite movie would be Pride and Prejudice not only because of the story but also because Keira knightley and Matthew Macfayden really acy well...Ganda! Grabe! Well iba na ulit background music ko... Theme song sa "A Beautiful Mind". All Love can Be by Charlotte Church. It simply says that...All Love Can Be
Download songs from Pride and Prejudice and see how enchanting it is at My Multiply. Enjoy

Wednesday, November 01, 2006

Life is Beautiful

Waha...I've finally said that... Life is Beautiful... at xempre dahil sinabi ko yan dahil i feel good because of the bad and good things that i have done. The bad things because from those things, i've learned a fruitful lessons in life and adventures! and from those good things, it feels so good inside because I was able to help people. Well mga bad things that I have done, i've got so low grade in Computer Science and dapat ipa-sign sa parent yung score ko, fortunately my daddy says that I should study harder and do great again, naku pangalawang beses ko na to sa Computer Science, hindi ko talaga masyadong gusto kasi yang subject na yan kaya hindi ko pinag-aaralan...hahaha... tapos natutuwa naman ako kasi 2 people ang nagawan ko ng isang make-over sa kanilang blog.. una kong ginawan ay si arnie, my bestfriend... visit niyo blog niya, naku mis na mis ko na tong bestfriend kong to... my partner in crime. Kasama ko sa iyakan at lahat lahat, walang iwanan ha ? Pupunta pa tayo ng Paris!

sI majo ang second kong minake-over yung blog...Sana magustuhan mo yung background music niyan... hirap hanapin niyan ha?

Well araw ng mga dead ngayon, at feeling ko hindi holiday kasi kulang ang isang araw sa mga assignments na ibinigay sa amin, wah!
Tapos natutuwa rin ako kasi friends na kami ni Carlota, hehehe...kasi kala ko talaga masungit tong girl na to, pero hindi pala we share everything under the sun, from music to books, grabe parehas kami ng taste! Mahilig siya sa classics at alternative rock and me to! go Sonata Pathetique! hehehe....Thanks Carlota, pinahiram niya ako ng book na "Jane Eyre" at tapos na ako tapos pinahiram niya rin ako ng book na "The Time Traveller's Wife"... hehehe...kakatuwa siya...At eto ang nakita ko sa mp3 niya, at dinowload ko rin xempre kasi ang cute.

Raindrops Keep Falling On My Head

Raindrops are falling on my head
I'm just like a guy whose feet are too big for his bed
Nothin´ seems to fit
Those raindrops are falling on my head, they keep falling

So I just did me some talking to the sun
And I said I didn´t like the way he got things done
Sleeping on the job
Those raindrops are falling on my head, they keep falling

But there´s one thi-i-ing I know
The blues they send to meet me won´t defeat me
It won´t be long till happiness steps up to gree-ee-eet me

'Cau-au-ause raindrops keep falling on my head
Hahh, but that doesn´t mean my eyes will soon be turning red
Cryin´s not for me
´Cause I´m never gonna stop the rain by complaining
Because I´m free-ee-ee-ee-ee
Nothings worrying me-ee-ee

Raindrops keep falling on my head
Hahh, but that doesn´t mean my eyes will soon be turning red
Cryin´s not for me
´Cause I´m never gonna stop the rain by complaining
Because I´m free-ee-ee-ee-ee-ee
Nothin´s worrying me-ee-ee



at eto...bagay siguro pag nainlove ako "accidentally"...
Accidentally in Love

The Counting Crows

So she said what's the problem baby
What's the problem I don't know
Well maybe I'm in love (love)
Think about it every time
I think about it
Can't stop thinking 'bout it

How much longer will it take to cure this
Just to cure it cause I can't ignore it if it's love (love)
Makes me wanna turn around and face me but I don't know nothing 'bout love

Come on, come on
Turn a little faster
Come on, come on
The world will follow after
Come on, come on
Cause everybody's after love

So I said I'm a snowball running
Running down into the spring that's coming all this love
Melting under blue skies
Belting out sunlight
Shimmering love

Well baby I surrender
To the strawberry ice cream
Never ever end of all this love
Well I didn't mean to do it
But there's no escaping your love

These lines of lightning
Mean we're never alone,
Never alone, no, no

Come on, Come on
Move a little closer
Come on, Come on
I want to hear you whisper
Come on, Come on
Settle down inside my love

Come on, come on
Jump a little higher
Come on, come on
If you feel a little lighter
Come on, come on
We were once
Upon a time in love

We're accidentally in love
Accidentally in love (x7)

Accidentally

I'm In Love, I'm in Love,
I'm in Love, I'm in Love,
I'm in Love, I'm in Love,
Accidentally (X 2)

Come on, come on
Spin a little tighter
Come on, come on
And the world's a little brighter
Come on, come on
Just get yourself inside her

Love ...I'm in love


Want to download those musics? Download at My Multiply....Have a happy day!

Monday, October 30, 2006

Ang pag-aaral

Ang pag-aaral...bow...well, medyo masaya ang aking kalooban ngayon dahil unang-una ay nakikisama na ang blogger sa akin ,hindi na siya pasaway pangalawa ay masaya ako dahil pumasok ako ngayong araw na ito, kahit na sobrang konti namin, kalahati lang ata ng mga kaklase ko ang pumasok well naging makabuluhan naman ang araw na ito dahil marami kaming plus grade na nakuha ang sipag daw kasi namin... Imagin out of 34, 19 lang ang pumasok ang sipag ng Darwin no? hehehe... Ewan ko nga ba baliktad talaga ang Masci kung kelan sembreak ng ibang school saka naman kami nagkapasok, feeling ko nga isususpend na yung klase kanina kasi malakas ang ulan, pero talagang matigas ang Masci...Gusto sigurong sabihin ng mga tao sa Masci na ang sipag naman mag-aral ng mga student diyan, babangon na ang mga patay sa mga libingan nag-aaral pa rin sila...hehehe... ewan ko ba dapat talaga wala na pa kaming pasok eh...kasi naman ay masyadong nagpapakamartir ang Masci.

Nung umaga nakakatamad pa mag-aral kasi hindi ko pa talaga feel mag-aral ng mga oras na iyon. Ewan ko ba... Tapos kinut yung klase ng 4 pm hahaha....Talagang nagpapatawa ang Masci 4pm? haler? e halos uwian na non eh...Tanong ko sa sarili ko ano ang purpose nung pagcucut ng klase para wala lang? hay naku, talaga nga naman ewan ko ba ang napasukan kong eskwela... ang wierd talaga pero at least na cut. Si majo medyo nagkaroon kami ng adventure kanina hehe...nawala kasi yung sim card niya tapos bumili kami...

At ngayon sa aking pagkakaupo ay hindi ko pa rin maisip kung saang lupalop ng mundo ko nailagay ang Student Time ko...Wahh! Kung kelan nagkaroon na ako ng chance na makapag-aral saka naman nagtatago ang magandang pagkakataon sa akin...Lord help me! Hay naku! Bahala na....kahit naman mag-aral ako sa Social, pagdating ng test eh parang feeling ko wala akong binasa... Social and me? Never been friends!

Sana tuloy-tuloy na ang blogger sa magandang pakikitungo sa akin...

Friday, October 27, 2006

Nonsense!

Isang walang kakwenta-kwentang entry alay para sa isang walang kakwenta-kwentang araw na nagdaan sa buhay ko, katulad ng nakaugaliang life cycle ko...gigising, kakain, bukas computer, surf the net, nood ng tv at the rest is history...Pero infernes, nakatapos ako ng 2 koreanovela, addict? hehe..di naman masyado... Natutuwa lang ako sa mga koreanovela dahil hook na hook talaga ako, na-aamaze lang ako sa mga class na story na ginagawa nila kasi kakaiba tapos kakaiba pa yung mga expression nila sa mukha at sa pananalita, kaaliw! Kaya niyo yon? 2 koreanovela? hehe... puro fast forward naman eh. Neweiyz... Nakita ko friendster ni Majo and I was so envy kasi nagreunion yung Thales tapos wala ako don tapos nagswimming sila... Kainis kung hindi dahil sa incident na nangyari sa akin eh di, I'm living my life outside! Hindi ako napigilan pumunta sa reunion, pero hindi rin naman sila ganong kakumpleto eh... Grabe talaga ka! Pasukan na, parang isang buhawing sobrang lakas na dumaan lang yung sembreak pero I consider lucky because I still have the chance to taste semestral break, while my brother is suffering from his school because no sembreak has been declared. wawa namn!

Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blanko ang isip ko, wala na akong maisip sige.

Tuesday, October 24, 2006

Puro na lang Gala!...Kapagod!

Well after the tragic event na nangyari sa akin siguro mas naging aware na ako sa paligid ko at natutunan kong ang mundo ay hindi isang heaven na puro mababait ang tao... Well message ko sa panget na babaeng yon...actually wala siyang style at walang itsura! Kung pagkatapos niyang nakawin ang cellphone na sobrang precious sa akin ay mahulog sa kung saan o kaya naman ay mahagip siya ng rumaragasang bus! I think she deserves that... why? Not because she stole my cellphone, it is because she used my religion's name "Iglesia ni Cristo" para gawan ako ng masama...Hay! Bahala na si God sa kanya...

Anyways after that diresto pa rin naman ang ikot ng buhay ko, nung Monday we went to Cosmetics Asia para gumawa ng lotion don sa papansing research namin, malayo kasi sa Bulacan pa pero bilis lang ng biyahe pagdating don ,wala pa yung boss na kakausap sa amin pero pinapasok kami sa office at sa katagalan ng paghihintay ay nakatulog kami... Nakakahiya nga sobra eh...Maaga kami kasi sumabay na kaming ihatid ang brother ko sa school niya ang aga grabe at antok na antok pa ako so yun na nga... Mabait naman at well entertained kami at successfully naming nagawa ang aming lotion ang saya. Kakatuwa...tapos yun na nga... libot libot sa Sm North Edsa kasi inintay namin kapatid ko.

Ngayon naman punta kami sa divisoria, grabe ang daming tao hindi mahulugang karayom. Bili kung anu-ano hehe...Gala din naman mama ko eh, kaya may pinagmanahan lang ako! hehe.. tapos bili kami dvd, at last nakabili din ako ng "the devil wears prada" ganda siya! nood din kayo... Kapagod nga lang ang paglalakwatsa pero para sa akin that's a way to relief my depression! Hay buhay.. napaka-unpredictable but still very exciting! Ciao!

Saturday, October 21, 2006

A Lesson in my Life that will Change my Attitude


Grabe sobrang panget at miserable ng araw ko kahapon, nanakawan ako ng cellphone!!!!!!!!!!!!! Wahh.... at ang proseso ay hindi ko na ikukwnto dahil napakapangit at sa ngayon ayoko talagang maalala pa ito... Masama siya, gusto ko siyang patayin! Ginamit niya pa ang pangalan ng Iglesia para manggamit!!!!!!!! Bwisit siya! Wala na nga akong cellphone kaya nagpasundo ako dahil buti at hindi nanakaw ang wallet ko! tumawag ako sa payphone... nung dumating na mama at dadi ko...grabe sermon sa kotse...iiyak ako at hindi na pala iyak as in hagulgol na... Don lang talaga nagalit si Daddy, don niya lang sinabi lahat ng mali at nakikita niyang mga mali kong ginagawa... Kasi si Daddy hindi masyadong masalita hindi katulad ni mama, kaya ngayon kong lang talaga narealize na sobrang mali na pala ng mga pinagagawa ko... Madalas kaming mag-away ni mama kasi sensitive ako at feeling ko mali si mama... Si daddy ang palagi kong tinatawag pag nag-aaway kami, pero this time talagang inispeak out niya na mali ang attitude ko dahil masyado akong sensitive, manipis at hindi marunong tumanggap ng payo... dahil daw siguro masyado akong nababy at gusto ko daw na palaging gusto ko ang masusunod. Grabe talaga ang lakas ng impact sa akin non...Umiiyak talaga ako.. Kung maaga daw ako umuwi at hindi nagpunta kung saan-saan sigurado daw hindi ako magkakaganon, pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na cellphone lang kinuha sa akin, buti na lang hindi ako kinidnap! Kainis talaga sobrang bad experience, pero alam kong parusa sa akin ito ni God dahil hindi na nga gumaganda ang ugali ko...

Message ko lang doon sa bwisit na sakim na taong yon! Makarma sana sya, besides anong gagawin niya sa cellphone na walang battery! Buti na lang at tinaggal ko coincentendally yung battery... Bwisit talaga siya... At nasikmura niyang gamitin ang pangalan ng Iglesia para gumawa ng masama!

Lesson: Napaka-basic ika nga sabi ng dadi ko, ng lesson na dapat matutunan ko... DON'T TALK WITH STRANGERS!

Sunday, October 15, 2006

Ang ika-43 Pagkakatatag ng Manila Science...


Masaya naman ang foundation day namin ngayon kesa nung mga past 2 years, at least umasenso ang foundation namin ngayon, my booth na...ehemm..speaking of booths..ang mga first year no idea ako kung anong booth ang ipinakilala nila sa amin sa second year yun ata yung my mga stuff toys...sa third year, medyo malaki ang kita dahil marami ang nagpamarriage booth...don ko din nasaksihan at don din nagkabukingan kung sino na talaga ang mag-couples...hehe...Kinasal n rin ang aking pamangkin na si Dawnavie sa kanyang Anthony...Ang saya ng kasal nila kasi binasa sila ng tubig! Tapos sa fourth year medyo marami, nandyan ang jail booth, ang alipin booth at ang paparazzi booth...Well sa jail booth ako naging suki, 3 beses akong kinulong yung isa tinakasan ko pa kaya dapat 4 na beses grabe lahat at ng kalabagan at katiwalian nagawa ko at di sinasadyang ginawa...Grabe wala na akong pera...ubos na at my utang pa ako sa kaklase ko dahil pinapyansahan nila ako...sa katunayan ayokong lumbas sa jail booth dahil nandon ang crush kong first year...Child abuse? hehe...crush lang naman eh..."Age doesn't matter" right? hehe...Baka mapabantay bata ako.. Well yon, cute kasi niya. Actually kung hindi ako najail booth ng maraming beses magiging boring ang buhay ko, kasi ineexpect ko na pupunta si Kuya Mark...(sana hindi niya makita itong blog ko!waha!) actually pumunta siya kaya lang wala akong salamin non, infernes dumaan pa siya sa room namin pero dahil nga impaired ang mga mata ko hindi ko tuloy nakita ang kagwapuhan niya...wahahaha! Yun kaya medyo hindi naging buo ang araw ko nung foundation day...Anyways yung sayaw naman namin ok naman except nung nahulog ang veil ni Mary Joy na siyang taong nasa harapan ko grabe to the highest level ang paglalagay ko...Pansin kaya ang ginawa ko? Neweiyz...after the foundation...pumunta kami rob...kain muna pero nagtipid ako kasi wala na akong pera at baka hindi na ako makauwi...Kain,kain, kain...Then headed to G-box well naglaro ako sa arcade! Gusto ko don yung para kang nagjejetski! Ang saya at infernes first time kong kumanta don sa maraming tao yung hindi tago. Pero ayoko ng ako lang ang kakanta kaya may ka-duet ako...Ewan ko kung nagtaka ang mga tao nung kinanta ko yung "first Love" by Utada Hikaru! hehehe...Grabe first ko talagang gawin yon. Then habang bumalik akong naglalaro sa arcade bigla akong sinigawan ng mga frendz ko na nandon yung crush ko first year! Grabe kinareer nila talaga na gusto kong first year na yon ah! Nagbabasketball siya..infernes galing niya! 3 points shooter! Ayokong banggitin ang pangalan niya dahil magiging masyadong obvious na...hindi ko na lang alam isang araw ipatawag ako sa guidance office dahil sa pagkakaroon ko ng kasong "child abuse".

Nakakapagod ang foundation pero masaya! At ngayon isang panibagong yugto sa buhay ni Kim ang darating 3rd grading na! Ano kayang subject nanaman ang ibabagsak ko? Physics? yoko na.. mag-aaral na "siguro" ako ng mabuti don! Gudluck sa ating lahat!

Wednesday, October 11, 2006

Interview with God...


I dreamed I had an interview with God.

"So you would like to interview me?" God asked.

"If you have the time" I said.

God smiled. "My time is eternity."
"What questions do you have in mind for me?"

"What surprises you most about humankind?"

God answered...
"That they get bored with childhood,
they rush to grow up, and then
long to be children again."

"That they lose their health to make money...
and then lose their money to restore their health."

"That by thinking anxiously about the future,
they forget the present,
such that they live in neither
the present nor the future."

"That they live as if they will never die,
and die as though they had never lived."

God's hand took mine
and we were silent for a while.

And then I asked...
"As a parent, what are some of life's lessons
you want your children to learn?"

"To learn they cannot make anyone
love them. All they can do
is let themselves be loved."

"To learn that it is not good
to compare themselves to others."

"To learn to forgive
by practicing forgiveness."

"To learn that it only takes a few seconds
to open profound wounds in those they love,
and it can take many years to heal them."

"To learn that a rich person
is not one who has the most,
but is one who needs the least."

"To learn that there are people
who love them dearly,
but simply have not yet learned
how to express or show their feelings."

"To learn that two people can
look at the same thing
and see it differently."

"To learn that it is not enough that they
forgive one another, but they must also forgive themselves."

"Thank you for your time," I said humbly.

"Is there anything else
you would like your children to know?"

God smiled and said,
"Just know that I am here... always."

Monday, October 09, 2006

A Special Article for Physics


Ako ay nasa kalagitnaan ng aking pagrereview para sa periodic namin, ngunit bigla akong nagkamood sa pag-uupdate ng blog na to...Ewan ko nga ba, pamatay ang mga test, puro math... Masyado nilang pinapahirapa ang buhay, actually simple lang ang life, ewan ko ba...Hindi ko na talaga maintindihan, kinakabahan actually ako sa Comp.Sci tomorrow kasi baka mahirap yung test and ang baba ko pa naman noong 1st grading don. Hindi lang naman yon ang inaalala ko pati yung Physics, trigo at research sa wednesday.

Gusto kong ifocus yung attention ko sa P6 pero sadyang hindi talaga kami magkasundo, kinamumuhian ko yang subject na yan! Ewan ko...talagang hindi talaga maabsorb ng utak ko kahit anong aral ang gawin ko, talaga never... Call it quits pero talaga naiinis talaga ako sa P6, madami nang araw na nabadtrip ako dahil lang diyan sa subject na yan, mantakin mo, yung mga problems ni sir ang hihirap pero pag sinolve niya na parang ang dali lang kasi simple addition and subtraction lang! Pero talagang wala akong magagawa kung talagang hindi kami pwede ng Physics. Ewan ko kung sa turo ni sir yon o talagang nashock lang ang mga nerves at ang utak ko sa mga pinag-aaralan namin. Pang-electrical engineer ata yun eh, pero buti na lang daddy ko alam lahat yon, pero hindi pa rin sapat... Ewan ko! nakakabaliw na! Ang hirap talaga, masyadong demanding ang mga pinag-aaralan namin, out of this world... Nawawala tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko na alam gagawin ko, depesperada na ako na matutunan yong subject na yon...Hay naku! Help me Lord...Kung pwede may gawin pa akong mga ritwal, gagawin ko para matutunan lang ang physics...Di ba obvious na, i need help? hehe...Buhay talaga!☺

Saturday, September 30, 2006

Bagyo nanaman!


Wednesday night nang nalaman kong walang pasok...But before that during my way home mula sa pagsamba wish ko na talagang walang pasok kasi feeling ko pagod na pagod ako non...Pero my wish did came true and pagdating ko sa bahay wala ngang pasok kaya lang nagdouble samba tuloy ako...Ang bait ko na tuloy! Haha! Well nakakapagtaka kung bakit hindi pa dumadating ang bagyo ay pinospone na yung class, yun pala naman parang end of the world na nung sumulpot yung bagyo...Total mass destruction...feeling ko nga nagkaroon ng "Dark Ages" dito sa Salinas...Hehe wala kasing ilaw eh...tapos ang dumi pa... Kainis tuloy akala ko makakapanood ako ng T.V. saka magkakapag-internet ako nang walang pasok...sus! Puro linis pala ang gagawin...

Actually second time na muntik na abutin ng baha yung bahay namin. Kasi naman yung likod namin, ilog eh syempre pag umapaw yun...babaha...sa may garahe namin bumaha talaga buti na lang medyo mataas bahay namin kaya hindi naabot, kung sakaling naabot man eh...baka mabaliw na ako...Ewan ko kung bakit tulog ako nang tulog nung bagyo, siguro dahil nakakaantok yung malakas na ihip ng hangin...Ewan ko siguro wala na kaming bubong tulog pa rin ako...Hindi kasi ako "light-Sleeper" eh..

Anyways...first time ko ngayon tumupad sa bautismo..and magandang din naman pala ang feeling...At least na-experience ko...Dapat ngayon ang play na "romeo and Juliet" pero as usual hindi natuloy dahil sa delubyong ginawa ng bagyong "Milenyo". Sabi ni mama madami daw na billboards ang bumagsak sa Edsa na tinamaan ang mga bus..nakakatakot tuloy...saka kawawa naman yung mga nawalan ng bahay at walang bahay habang may bagyo...

Gudluck na lang sa kanila...Ako? Well pinoproblema ko currently ang research namin...ang pamatay na test sa Physics at ang upcoming 2nd periodic test...! Yoko na! Puro na lang problema...wahaha

Sunday, September 17, 2006

Desiderata


It's been a long time since I have my update, sorry guys...Lately I was so busy, in research, and in other school stuffs... So many projects and tests. I wish that Advance Biology will come, I hate doing the research... By the way we have our oratorical last week and our piece is the poem "Desiderata". Wondering what that word means, I surf at the net. I've found out that the word Desiderata came from the Latin word "desired things" and a poem about attaining happiness about life. Written by Max Erhmann.
"Desiderata"



Go placidly amid the noise and the haste,
and remember what peace there may be in silence.



As far as possible, without surrender,
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even to the dull and the ignorant;
they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons;
they are vexatious to the spirit.



If you compare yourself with others,
you may become vain or bitter,
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.



Exercise caution in your business affairs,
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself. Especially do not feign affection.
Neither be cynical about love,
for in the face of all aridity and disenchantment,
it is as perennial as the grass.



Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.



Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.
You are a child of the universe
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.



Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be.
And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
keep peace in your soul.



With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful. Strive to be happy.

If you compare yourself with others, you may become vain or bitter. This line caught my eyes...Wala lang nakakarelate lang..Enjoy reading...Hope you will be inspired as I do...

Friday, September 01, 2006

Death of a Mother



Ang tagal ko nang walang update, well eto ang latest sa week ko...Kawawa talaga yung classmate ko, his mother died last saturday evening... And we decided na pumunta sa burol nung nanay niya, well taga-cavite pa naman si Edgar... Actually ako yung unang nakaalam na namatay na nanay niya...Tinext ko xa na kelangan niya paring sumama sa play kahit hindi pa siya bayad kasi, my test don...Then he replied na...namatay na yung nanay niya kaya hindi siya makakasama sa play...Na shock ako...grabe...at take note naiyak pa ako...napakadrama ko talaga...Madali lang kasi ako maiyak..

At yun na nga, nalaman na ng buong darwin...Actually kami-kami lang pumunta sa burol kasi my pasok non...At least makita manlang ni Edgar na supportive kami....Then kinuwento niya sa burol yung talagang nangyari sa mama niya...Sobrang hypertension pala tapos na coma...Ang sakit non...Sabi pa nga niya nakita niyang ng flat na yung life line nung mama niya...yung pagpatay na...nagfaflat na siya..kawawa talaga...Naiyak din ako nung kinukwento niya sa amin yon..What if sakin nangyari yon? Hindi ko ata carry kasi kung wala mama ko,ewan ko kung saan ako pupulutin....hehehe exaggerated naman ako...

Well condolence na lang talaga sa kanya... =(

Monday, August 21, 2006

Mga Nanligaw sa Akin...ehemm!



Warning: Medyo wala sa tamang pag-iisip ang nagsulat nito kaya pagpasenyahan niyo na siya kung nagdeday-dreaming nanaman siya...Libreng mangarap, at yan na lang ang tanging libre sa mundo. Sa mga taong maiinggit, talagang pasensya na. Talagang maykanya-kanyang biyayang natamo mula sa itaas kaya accept na lang...hahaha

Haba talaga hair ko...Dami kong suitors pero "I dumped" them all...Sabi ko sa kanila career ko muna, maghintay na lang sila..hahaha...

Broken Relationship....


Hindi ko na feel eh...marhar


We need more spaces...ehemmm...Tingnan niyo ang lungkot niya.


Uhm...currently courting me, pero pag-iisipan ko pa! hahaha!

Alam kong nakakainggit pero talagang ganyan ang buhay, iba na talaga pag pinagkakaguluhan...

Saturday, August 19, 2006

Makakahinga na rin...hay! Salamat


I hate last week..ang daming dapat intindihin sa buhay na ito, una yang sabayang yan...hay naku, bakit kasi may ganyan ganyan pa tapos we were not allowed to practice outside school, e hello? 6 pm kaya uwian namin...so there expecting us to practice during vacant, e wala ngang vacant ang darwin ang sisipag ng mga teachers. Hindi rin naman kami makapagpraktis sa lunch kasi sandamak mak na assignment ang binibigay samin ng mga teachers...ang abnormal no? pero ok lang kasi natapos na ang hell week ko...I really hate last week.

Nakakainis, may kinaiinisan akong teacher,she's not supportive, not encouraging us to do our best and an annoyance...Nakakainis talaga...Baka makilala kaya yan muna na mga adjectives ang idedescribe ko sa kanya...

Tapos ang lungkot lungkot ko pa palagi kasi naman hindi na ako nakakapunta panata hindi pa ako nakasamba dahil diyan sa bwisit na sabayan na yan...Pero at least nakaabot ako sa prktis sa choir...nakakainis talaga...Bakit kasi sobrang conflict ng mga schedule eh...Hindi marunong ang Masci kung pano mag-organize ng mga schedule...Magdadate sila ng kung anu-anong kaek-ekan eh hindi nila naiisip na wala na kaming time...Kawawa naman ang third mga haggard looking people na...especially ako...hahaha...

I think iiidarwin lacks cooperation ang unity...nakakainis yung mga boys...sobrang nakakainis...gusto ko silang paghahagisan ng mga bomba!!!!hay naku...makarma sana sila...pinagsamasama ang mga panget na boys sa iiidarwin.. ang KJ nila (kill joy)....naku nanggagalaiti talaga ako...sarap nilang pagpapatayin!

Sana maging ok na ang iiidarwin para sa akin...Miss ko na Thales...sana thales ulit kami...hay naku...Pero lam ko as time goes by makaksundo ko rin ang darwin....

Saturday, August 12, 2006

The Impressionist


Here are some beautiful paintings... I like paintings, as I do like art...But I am never been good on arts... Although I'm good criticizing them..hahaha...

La Promenade


Coquelicots


Fishing Boats Leaving the Harbor, Le Havre


Arts allows you to express who you really are...


I do dream about art, and images come to me in dreams. I am definitely hoping to be in touch with my subconscious. I expect a call any minute.
::: Julian Schnabel :::

Thursday, August 10, 2006

Untitled


Bakit kamo untitled? Kasi wala na akong maisip na title sa article na ito...puro na lang pag-iisip... Pwede bang makaisip ka ng isang bagay ng hindi ko nag-iisip? Mula noong monday...Wala ng tigil ang utak ko sa kakaisip...Actually pagod na siya...Dumadaing na... binubulong sa akin na... "Kim matulog ka na...Kim please lang...matulog ka na"... Nabingi ako... Mababaliw na ako... Talaga bang ganito ang pag-aaral...nakakabaliw... Last day na ng test bukas at...langhiya...babagsak ata ako sa Physics...pano ba naman...si sir mendoza kasi eh.... Mis ko na si sir Bau...hehehe... Tapos sa Trigo isa pa yung bwisit na yon! Wala naman kaming nadiscuss eh.... Tapos my mga masamang elemento pa sa klasrum na walng ginawa kundi bwistin ako...Sana makarma yon!!!! Naku-- napopossess na ata ako...Ipapabless ko nga rum namin para matanggal ang mga masasamang elemento.

Grabe...SOBRANG STress na ako!!! Pwede ba akong tumalon sa building? Joke lang... Dapat nga sa mga oras na ito nag-aaral ako... ng P6, trigo at T.W. pero tamad na ako... Hindi ko na ata carry...!

Anyways, nakita ko ang blog na dati kong crush...aaminin ko sa mundo na naging crush ko si Kuya Mark Lim...hehe.. sana hindi niya madiscover ang blog ko =). Bakit crush lang naman eh... nung first year kasi ako medyo nacutan ako sa kanya, eh cute pa naman para sa akin yung mga chinito, and matatalino... Syempre...major turn-on yon... Gwapo na matalino pa... yun lang...Baka pagnabasa ni Kuya Mark to... sabihin niya obsess ako...hehehe....

Wala na akong maisip...gusto ko nang matulog pero hindi pwede...at infernes na-adik na ako sa kape...! Baliw ka na KIM!

Saturday, July 29, 2006

Starstruck


Kakadating ko lang from watching the play Oedipus Rex sa CCP complex, grabe ang gwapo ni AJ Dee na gumanap bilang Oedipus, sa totoo lang boring yung arte nila kung hindi lang gwapo si AJ, di ako manonood saka kung hindi lang project yon. Grabe best part don nung bigla niyang tinanggal yung damit niya at natira na lang yung alam mo na yung underwear niya. Grabe medyo nagising ako non! hehehe... at namangha.. tapos pagkatapos ng play my autogrpah signing, hindi ako nagpa-autograph pero my remebrance akong picture sa kanya at isa pang Oedipus na actor, bale 2 sila... ang gwapo nila promise parang hindi sila mga tao! Gwapo talaga, para nga kaming mga baliw kanina sobrang kilig! Kasi soooper doooper cute ngumiti and to the highest level ang kagwapuhan!

yun lang...Dapat magpaprktis kami Sabayan pero umulan eh...kainis, feeling ko ang dami naming practice pero wala naman kaming nagagawa. Sana maging ok na yung sabayan, saka ang dami nang upcoming projects, tapos mga long test, tapos periodic. Hell nanaman ang buhay ko!!!!!!! Idagdag pa ang Practical Tests sa iba't ibang subjects, mga ka-ek-ekan talaga.

Feeling ko nga pwede na akong maging commercial endorser ng stresstabs, ako yung babaeng sobrang stress na mukhang "haggard looking mammal na"! hehe...Kulang lang sa tulog.

Nxt tym ulit piles of work pa eh... Ciao!

Thursday, July 27, 2006

Celebrating 92 years of Triumph, with God's Guide and Unmeasurable Love! Happy Annivesary: Iglesia ni Cristo!


Tutal nagpuyat na ako at July 27 na, I just to shout to the world that today is the anniversary of Iglesia ni Cristo. Yep! My religion, and I'm proud of it! It's been 92 years since INC first established on July 27, 1914! It's progressing and still spreading around the corners of the world. Wala lang, masaya lang ako kasi tumagal ang aming religion in such time... Ang dami na palang nangyari, time flies really fast. Di ko man nasimulan ang pagbangon ng Iglesia ni Cristo, I want people to know that being an Iglesia ni Cristo is something that I can only be proud of. Hindi naman ako matalino, maganda? hehe...xempre maganda ako, indi naman ako sooper dooper yaman, hindi rin ako out of this world kung mag-isip, I'm just an ordinary girl, may mga pangarap din, pero I think the greatest gift that God has endowed me is being an Iglesia ni Cristo.

Being a servant of the Lord and following his orders makes me feel relief. From everyday stress and hardships in school, I think my only relaxation is serving God. Para kasing ang lungkot pag indi ka nakakapag-serve kay God. Naisip niyo na ba yun, what's the purpose of this life? Pag namatay ka ba madadala mo lahat ng mga napag-aralan mo sa Trigo at Chem sa heaven or hell? I think people should focus more on spiritual value, dahil yan ang ultimate entrance exam natin pag the end of the world comes. In order to enter the kingdom of the Lord, hindi ka tatanungin don ,kung ano ang distance formula, what is chemistry?, Perform an experiment at ang mga ka-eek-ekan na nalalaman ng mga tao sa mundong ito. We will be judge by our deeds. Simple lang naman kung gusto mong i-enjoy life without thinking kung tama o mali ang gingawa mo, medyo hindi ka papasa sa entrance test, pero kung if you are willing to sacrifice everything just to serve God and do His will, siguro you will get a PERFECT SCORE! in the entrance exam to heaven!. Exaggerated ba ako masyado... Ganyan lang naman ang opinion ko. Besides we are in a democratic country kaya ok lang yang mga ganyan, abnormal talaga ang pag-iisip ng tao lalo sa mga oras na ganito..

Anyways, Happy Anniversary sa Iglesia! I proud of being an INC! Kung gusto nio malaman ang history ng Iglesia or curious lang kayo, click this: Unofficial Site of Iglesia ni Cristo

Sunday, July 23, 2006

The Thing I regretted the Most...


Bakit kasi hindi ako tumupad noong thursday eh...kasalan ko eh...Naiinis talaga ako...Feeling ko nasayang lahat, pero at least nakatupad ako. Medyo nagdadamdam ng konti kasi nga nabigla ako sa mga pangyayari, hindi ko napigilang umiyak kasi emosyonal na tao ako, sabi ko nga sa sarili ko, huwag ako umiyak kasi mamamaga ang mata ko kinabukasan pero hindi ko talaga napigilan eh...

Kung my ability lang ako na pagsabayin ang pag-aaral at tupad, naku promise, gagawin ko... Akala kasi nung iba ayaw ko tumupad at puro aral na lang ang gusto kong gawin pero hindi nila alam na kung pwede na lang huwag na mag-aral at puro tupad na lang gagawin ko. Alam kong ako rin naman ang may kasalan kasi mahalagang event yon at hindi ako nakatugon sa mga dapat kong gawin. Kaya ok na ako. At least nga pinatupad pa rin ako eh...

Hay naku! Hindi ko na alam...Pambihira naman kasi schedule namin eh...!

Friday, July 21, 2006

What an Adventurous Day!


It's 1:05 am in the morning at malapit ng malow bat ang mga cells ko sa katawan ko, ang dami kasing assignment parang bang isang truck! Hehe....at nakakastress pa no, dahil hindi lang assignments ang pinoproblema namin kundi pati na rin yung Sabayang Pagbigkas...hay buhay!

Grabe kanina nung pauwi na ako tapos hinahabol ko pa oras para sa pagsamba, sobrang madali ako, naiirita na nga ako kasi ang tagal nung bus eh, nung sasakay na ako sa bus, buti na lang talaga indi ako medyo tumakbo kundi! Bang! masasagasaan ako, nung pinara ko kasi yung bus, my isa pang bus na kasunod eh ang bilis, yun nabangga yung side mirror nung bus na dapat sasakyan ko...Grabe na-shock rin ako eh, pero buti na lang talaga indi ako kaagad umakyat, kundi indi ko na muli matitikman ang mga pagkaing gusto ko pang namanamin! Bangag na ako! wahahaha...! Buti na lang may nagpaupo sa akin sa bus...! Pangalawang beses na! Dumadami na ang mga gentlemen...
Grabe na late ako sa pagsamba gusto ko sanang paliparin yung bus eh, ang trafic kasi kung pwede ko lang kontrolin yung oras hay naku! Lahat ng dapat gawin gagawin ko na!!!! Kainis talaga, nakakahiya pa kanina kasi sarado na kapilya buti pinapasok pa ako!!!! Gusto ko nang tumalon ng building!! Pero at least adventure! hehehe...

Kanina pala sa English period namin ganda nung topic namin, ganda kasi nung poem ni Sara Teasdale eh... "Barter"... tungkol sa wonders about life:
Life has loveliness to sell,

All beautiful and splendid things,

Blue waves whitened on a cliff,

Soaring fire that sways and sings,

And children's faces looking up

Holding wonder like a cup.


Life has loveliness to sell,

Music like a curve of gold,

Scent of pine trees in the rain,

Eyes that love you, arms that hold,

And for your spirit's still delight,

Holy thoughts that star the night.


Spend all you have for loveliness,

Buy it and never count the cost;

For one white singing hour of peace

Count many a year of strife well lost,

And for a breath of ecstasy

Give all you have been, or could be.


Meaning niyan, kahit gaano kapanget ang buhay mo, my good side pa rin naman, sabi ni Mam Soriano, naks naman my moral lessons na akong natutunan sa PINAKAMABAIT ko teacher! sabi ni mam soriano, pag lonely daw, just think of your favorite things... hehehe pang-sound of music! Topic kasi namin Figures of Speech eh.. pero ganda ng explanation ni mam, first time akong naantig sa teaching strategy nia, palagi kasi akong natatakot eh... hehehe...

Neweiyz, dapat indi na ako magsusulat, eh sayang naman kung mamimis ko ang day na to na indi nananarate sa buong world ang mga adventures sa life ko!!!! God Bless You All!

Friday, July 14, 2006

Ang aking Muling Pagtanda


Kahapon lamang ay muli nanamang nadadagdagan ang aking katandaan,15 taong gulang na ako! Tanda ko na... este yung age ko lang pala ang matanda pero still young looking! Hehehe... Walang aangal! Masaya naman ang aking nagdaang araw ng kapanganakan, maraming tao ang bumati sa akin, kahit na hindi ko aakalaing maaalala pa rin nila na bee day ko na! Isang magandang halimbawa si Ara na kamag-aral ko na noong kami'y nasa prep pa lang, mantaking niong nasa Singapore na siya, tinext pa rin nia ako para batiin ako... At ganon din si Angela, hindi ako makapaniwalang alam pa rin nila ang bee day ko... Medyo muntik na nga akong magtampo sa bestfriend ko si Arnie kahapon kasi kala ko makakalimutan niya yung bee day ko... Pero tumawag siya at binati ako, kala ko talaga nakalimutan na niya, syempre 8 years na kaming bestfriend, sana kami ang longest running bestfriend sa buong mundo! Hehehe...

Hindi ko inaasahan na may regalo sa akin ang kapatid ko pag-uwi niya mula sa dorm, helo? wAla kaya sa mukha nia ang nagreregalo sa ate niyang walang ginawa kundi awayin at banasin siya... Pero sweet naman ang kapatid ko.. Tinawagan niya pa nga ako sa cellphone para lang batiin ng happy bee-day....

Sabi nila tumatanda na ang mga tao sa tuwing sila'y nagdadaos ng kanilang kaarawan, ngunit sa aking pananaw, ang pagdagdag ng taon sa buhay mo ang siyang nagpapatunay na nalagpasan mo ang mga pagsubok sa iyo ni God sa buong buhay mo. Tulad ko 15 years akong namamalagi mundong ito, it means I have able to survive life's obstacles... Drama ba? Kaya be proud na nadadagdagan ang edad niyo. Baby face pa rin naman kayo ah? hehehe....

Maliban sa aking isingawang bee-day, muli nang nagpaalam at lumisan ang pinakamamahal naming punong guro? Tama ba yon? Pinakamamahal? Kanina ay may program, ngunit umuulan, ang panget nga eh, pero ok lang naman din, maraming nagpresentation, iba't ibang section. Ewan ko nga ba? Pag may kumakanta bigla na lang uulan... Senyales na yon na dpat tumigil na siya! hehehe... Anyway, medyo mamimis ko rin si Mam herson, kasi kahit hindi siya naging close sa mga 3rd year peepz, hindi siya masyadong naging mahigpit sa amin...

Sana mas ok yung pumalit, at hindi terror!

Hanggang dito na lang muna... Belated 15th Birthday to me!!!

Wednesday, July 12, 2006

Ang mga delubyong nangyari sa aking buhay....hay!


Akala ko paggising ko kaninang umaga, walang pasok kasi di pa ako ginigising ng nanay ko, and ang lakas ng ulan, ewan ko ba ang Pag-Asa, kung kelan hindi umuulan saka nag-aanounce na walang pasok. Nafifeel ko na walang pasok eh,... base on my instinct at tama si Kath, dahil nagkatotoo ang kanyang instinct na macucut ang klase. Ewan ko kung ginawa ni Mam herson yon dahil farewell na sa kanya o dahil sadyang napilitan lang siya... Anyways, nakakamis din si Mam herson, kahit hindi siya masyadong naging close sa batch 08... Sana mas ok yung pumalit...

So back to the topic, yun na nga, nacut yung klase tapos nag lakas ng ulan, samba kami ni kath sa habay, at pamatay ang ulan, feeling ko kami lang ang inulanan ng ulan dahil sa mga kasalanang nagawa ko... hehehe... Grabe habol namin yung panata tapos basng-basa kami ni kath, parang umihi kami sa skirts namin!!!! hehehe.... yun lang!

Thursday, July 06, 2006

My Epitaph


epitaph (literally: "on the gravestone" in ancient Greek) is text honoring the deceased, most commonly inscribed on a tombstone or plaque.
Yes you're right, epitaph as in a message for the dead, our teacher in English instruct to create an epitaph, of course for us, so when we died, our epitaph is already ready... hehehe...

Anyways here's my epitaph...
Here lies a lad in the coffin of love,
Smile and laughter she will now be apart,
Slumbering deeply, mournings from above,
Farewell to you! Farewell! God's work of art.


Panget no? wala lang, gusto ko lang ilagay...

Wednesday, July 05, 2006

Getting Worse


Right after school, I hurriedly went out of the school to go to church, I thought that the hours of pagsamba ni Pandacan was 7:45, luckily I called kath and asked what time is the pagsamba, when I already knew that it was 6:45, me and my dad, hurriedly rushed to the taxi cabs. One taxi driver drive us thru the church, then I never really expected that that taxi driver, didn't even know where he was going. Kainis talaga, parang hindi siya taga doon, I got irritated even more when he asked us, Nasaan na tayo? Hello, who knows, ewan ba namin eh hindi naman kami taga-Maynila and take note driver siya saka dapat alam nia, my dad is losing his temper already, and before argument start to rise, I asked my dad that we should get out of the taxi and look for another one, tapos yung taxi driver nakuhan pa dady ko ng 40 pesos. Tingnan mo ba naman ang kawalanghiyaan ng tao sa mundo, siya na ngang parang baliw, siya pa ang may ganang maningil eh muntik na nga kaming malate , well actually late na kami, muntik na nga kaming indi papasukin sa kapilya eh... Then, we really find taxis everywhere, then there was this taxi that actually alam niya kung saan yung kapilya, what went wrong was that when we are about to step out of the taxi, the driver of that stupid taxi didn't turn on his meter... Yung metro kung saan nakalagay kung magkano yung babayaran ng passenger, so my dad, a little bit loose his temper, pano ka nga ba naman makakapagtrabaho ng disente kung hindi mo alam kung magkano ang babayaran ng pasahero mo, that's illegal, ano yon manghuhula ka lang kung magkano ang babayaran namin, ididictate mo lang sa amin na 100 ang dapat ibayad sayo? Hello? Mahiya ka naman...!

I really hate what kind of people I have encountered today, gusto ko silang awayin lahat. Sana matapang lang talaga ako! People in the world is getting worse and even worst, bilang na lang sa daliri ang mga taong may magandang ugali, they will trick other people just to gain money, in a wrong way. Di ba nila alam na lalo silang walang makikita kung nandadaya sila ng kapwa nila? The devil has taken their hearts and mind, hindi na nila alam kung tama ba o mali ang mga pinaggagagawa nila. Tapos nainis rin pala ako dahil bago kami sumakay don sa taxing walang metro, may taxi na kaming nakita na alam kung saan yung church, inis din ako doon sa taxi driver kasi alam niya nga tapos pinakiusapan kong ihatid kami, ayaw niya pa? My gosh!!!!! Nag-taxi driver pa sila, eh nakatunganga lang sila doon eh, pano sila kikita ng pera? Wala na talaga!!!! Baligtad na ang tao ngayon, kung hindi sobrang manggantso, sobra naman ang pagkatamad. Lahat ng bagay Sobra! At masama ang sobra!!!! Nakakainis... Sana makarma silang lahat...

Uunlad pa ba ang Pilipinas kung ganyan ang mga taong makikita mo? Mga walang kwenta, na kapwa Pilipino nila ninanakawan nila... Kainis, eto namang si PGMA, wala lang, ano ba nagawa niya? Wala lang! Punta kung saan-saang panig ng mundo, tapos matit.v. tapos non, speech tapos non, project na hindi naman lahat nakikinabang... tapos noon wala lang... Nakakainis na talaga... Ano na ba ang nangyayari...? Kainis...

Monday, July 03, 2006

Lost Mind


Kainis...Kainis talaga, ang panget ng araw ko, pinapanget kasi ng Englsish subject. My teacher in English is too harsh, she is like a dog that will suddenly bite you if you are not his master. I starting to hate her. I know that we are the one who has to be blamed because of the report but saying harsh words to us, is not right. Don't the teachers know that if they pressured students rather than encouraging them, students will have a trauma, like not reciting to classes and will not be active anymore in class activities. She says some words that are not suitable for the students to hear especially at classrooms. I really hate it!!! I already miss Mrs. Abadilla, she is better than her. One thing I hate about her is that she is always comparing us to other section, I really hate teachers, comparing different sections. we are different from each other, with different abilities and state of mind so please stop comparing us with other sections. I she wants to teach other sections and not anymore to teach Darwin, then ok! Go on. It's better. It's not our lost.

Maybe tomorrow, this hatred will hopefully fade away. Hopefully... May God bless me! Hay! Naku! Teachers talaga mga pasaway!!!!

Saturday, July 01, 2006

Feeling ko Ganito ako


I saw this clip at another's blog... hehe... stealer!

Siguro nga ganito na ako? Baliw...

Lam nio, lumalaganap na ang mga baliw sa mundo, tulad ng batang ito, nahawaan na ng lumalaganap na epidemya ng pagkabaliw. Marhar!

Saturday, June 24, 2006

Unseen Paradise


I was looking for some tourist destination in Europe for my report in Social Studies... But even if i don't surf at the internet, I know many of them, because I want to go to Europe. I name some of them: Eiffel Tower, that's my first stop when I will luckily go to Europe-someday.
Venice,City on the Sea,so romantic.
Colosseum, so historical-Gladiator!
Leaning Tower of Pisa- Where Galileo do his experiment!hehe

Name them all, gotta go! I really want to go to that places, looks like my adventerous side of me is gradually revealing it's secret identity, many people don't know that I love to travel, di ba mukha?
Back in the past, my bestfried and I says that we will go to Paris together. And I want that thing to happen...! so see you there! Ciao!

I imagine myself, biking at the roads of Eiffel Tower... oohhhhlalala.


Passing thru that tunnels makes me cry


London Bridge is falling down, falling down, falling down, London Bridge is falligng down, my fair lady!

Sunday, June 18, 2006

My Girl


Hay naku pamatay tong series na 'to. Laughtrip nakakawala ng pagod!!! Nood kayo, at ABS-CBN!!! Di ako kapamilya kung di lang dahil sa My Girl!!! Ganda gwapo ni Julian and sympre ganda ni Jasmine!!!! Basyha!!!

Ganda ng music!!!

My Sassy Girl


There are 1 of my most favorite korean movie and drama series. Watch it!

My Sassy Girl- I love the song Canon!!!!

Saturday, June 17, 2006

New Look

New Look


Hindi talaga ako masatisfied sa mga blogskin na pinaglalalagay ko pero sana this time kuntento na ako, I just have a new layout, hope everyone like it, pero ok lang kung ayaw niyo. Wala lang, ganon pa rin naman ang mga happenings sa life ko. Gawa asignments and kain and tulog-ay wala na palang tulog. Gudluck to me.

Tuesday, June 13, 2006

My Brother


hehehe... Di ako makapaniwala na mamimis ko rin si kokoy. Ngayon kasi nasa dorm na siya ng pisay, kainis dorm-dorm pa kasi, eh kung nagmasci na lang kaya siya. hehehe... Awayin ba daw ang pisay! nakakamis talaga, karaniwang makikita ko ang kapatid ko dito sa harap ng computer at nagpapakaadik sa mga larong walang kakwenta kwenta, ngayon medyo nanibago ako kasi ang tahimik ng bahay.

Sabi ko kay Mama, huwag siya iiyak kasi siyempre, we're not complete. Pero alam kong iiyak rin yon. Nakakalungkot talaga dahil mag-isa lang ako. Ganito pala ang feeling ng only child, siguro mas ok na rin yung may kapatid ka. Kainis wala akong mabwisit, actually naging hobby ko na na bwisiin ko ang kapatid ko lalo na pag nasa mood ako, hindi siya makakaligtas sa kamandag ng pang-aasar ko.

Ano kaya feeling ng nasa dorm, kahapon kasi di ba independence? Pumunta kami sa dorm ng kapatid ko para ihatid ang mga dapat ihatid at itambak doon sa dorm. 4 pala sila doon, ang lalayo grover, my taga Bataan, Quezon province, and meron din namang taga Bacoor. Actually gusto kong ipagmalaki masyado ang Masci doon, wala lang hehehe...

Sana ok lang kapatid ko doon, pero lam ko namang ok lang siya doon, nakakain kaya yon ng isang kaban ng kanin, siguro ako half lang. hehehe...

Gusto ko lang malaman ng mga bumabasa ng blog ko ang pagmamahal ko sa kapatid ko! Etchos! hehehe... Hindi to joke, pati ako nacocornihan. Pero mas masaya talaga pag kumpleto at ngayon ko lang narealize na masaya pala talaga ang may kapatid. Miss you Koy!

Saturday, June 10, 2006

Mabubu-ang na ako!!!


Tapos na ang recital ko, ngayon lang ako nakapag-update dahil medyo busy nitong nakaraan, grover and recital, nakakakaba at ewan ko kung natugtog ko ng ayos yung "flight of the bumblebee" parang nilaro ko lang kasi ang bilis talaga, pero the comments were good naman, kaya medyo nakahinga ng maluwang, ngunit nung araw na yon nung naisip kong pasukan nanaman ay gusto kong magwala sa kinalalagyan ko at tumalon na lang kung saan, para kasing ang bilis ng mga pangyayari at pasukan nanaman, magpupuyat nanaman ako at mahihirapan.

First of day of school June 5, ang daming tao sa Masci, parang may rally! Ok naman, I've had the chance to meet my newest section: DARWIN! Actually halos ng mga girls sa darwin know ko na, mabibilang lang sa daliri ang hindi ko pa kakilala, sa mga boys akong walang masyadong kakilala. Ok naman ang buhay, sailing smoothly pa naman ang mga nangyayari sa akin. Isa-isahin nga natin ang mga teacher.

Teachers:
Mrs. Vidal- siya ang aming adviser, no comment ako sa kanya, ok naman siyang magturo, maraming stratehiya pero balita ko sa una lang siya mabait, which gusto ko pang patunayan, pero lately nakita ko na! Lumalabas na ang true colors niya.
Mrs. Villanueva- teacher ko sa research at Ad. Bio, sabi ni Jean mahirap daw magturo kasi marami ring strateging nalalaman, actually mahirap nga siyang magturo pero mabait na siya at approachable.
Mr.Pagulayan- Si mr. sungit, walang nasusungitan ako sa kanya. One time hindi ako nakakinig sa discussion tapos nagpatest siya eh tiningnan niya yung test ko tapos sabi sa akin, "diyan ka palang?" means na ang bagal ko...hehe
Ms.Gallardo- Gusto niya malinis tingnan ang mga Mascian, ayaw niya ang mga lalaking ang buhok ay parang tayo tayo na parang pag nahulog ang butiki sa kisaem eh mamamtay ito.
Mrs. Soriano- KATAKOT! ALWAYS BE ATTENTIVE!!!! BEWARE!!!
Mrs. Calamiong-NO COMMENT
Mrs. Okafor-Fun!
Mr. Apejas- Hay salamat, may subject na rin akong magugustuhan!
Ms. Coco- SMile naman diyan, ewan ko kung may panahon pang ngumiti si Mam, kasi wala lang, sungit kasi eh, pero galing magturo chem.
Mr. Bautista- Bait, right? Actually substitute lang siya kay Sir Mendoza na nakaleave pa rin daw. GAling sa p6.
Ms. Lazaro- Kengkay!!! Ok! Fun! Vice versa ni....you know~

Hay naku, this week... First week pa lang stressful na, 6 kasi uwian namin, kulang na lang hindi kami umuwi, doon na lang kami matulog... Kainis... Pamatay...

Pero ang pinakatampok na nangyari sa akin ng week na to!!! Ay yesterday, friday, pagkatapos kong kumain kasama friends ko, uwi na ako, actually hilo na ako kasi wala pa akong tulog, pagdating ko sa my gate, patay!!!! Wala akong susi, kaya indi ako makakapasok eh dapat practice namin yon... Sakto pa dumating si Lyka, sabi niya akyatin ko na lang daw yung bakod, wala akong magagawa, mababaliw na nga ako eh, so take the consenquence inakyat ko na yung bakod kahit pagkamalan akong kabilang sa akyat bahay gang!Hindi lang yon, after successfully climbing a wall, may isa pa akong problema, yung sa may loob ng bahay lock as in kadena, bwisit kasi eh, ang daming lock, kaya ayun.. Wala na talaga akong maisip, pinukpok ko na, wala pa rin, eh paglingon ko may nakita akong pang-welding... Then yun nah!!!! Winelding ko para masira. Bu-ang na ba ako?Kung sa normal na status ng pag-iisip ng tao... oo! Pero para sa akin, medyo pa lang... pamatay talaga yung ginawa, ko una napagkamalan akong kasapi sa akyat bahay gang. 2. May experience na ako sa welding!!! Qualified na ba akong mag-akyat ng bahay? hehehe... Joke lang....

So yun lang, kaloka no?

Saturday, June 03, 2006

Farewell to a Friend


Noong Wednesday lang namin naisip na magkaroon ng surprise farewell bash for Joselle, pero nung thursday wala pa kaming naisip, then nung friday si Lyka ginising ako at sinabi tuloy na ang party, nagtext daw siya nung thursday night, actually narinig ko yun pero antok na ko kaya di ko na tiningn tapos biglang nawalan ng battery yung cell ko, wala na talagang kwenta ang cellphone ko kapag bakasyon. Anyways, back to the topic, yun na sinama ako ni lyka sa market (medyo sosyal kasi pag palengke and bantot basahin at pakinggan- kung binabasa mo man ng malakas to) bili kami tinapay and balloon, tapos non yun na punta na sina Dana, Ruvi and Resby dito.
Pinapunta namin si Joselle dito nang nakablindfold, wala siyang idea kung ano ang nangyayari sa paligid, actually ang ginawa kong dahilan para pumunta siya sa house namin ay birthday nang pinsan ko, para mas kwela. Tapos nung tinggal na namin yung blindfold talagang nagulat siya, nakakatuwa dahil naiyak siya, at infernes gumawa pa kami ng banner.

Syempre kain then kwentuhan, then laro kami basketball, then kain ulit and uwi na.

Nakalulungkot isipin na ngayon lang kami naging close nina Joselle, ang bilis kasi ng panahon, itong bakasyon ang bilis din.

Hanga ako kay Joselle dahil sobrang friendly niya, mabait and maganda. Alam niya kung paano makitungo sa mga tao. Kahit sa mga taong ayaw ko, carry niya paring makipagfriends. Bilib din ako sa kanya dahil sa Up siya nag-aaral, matalino and talagang religious. Masipag, hindi na ata ito natutulog, and take note top 2 sa Summer Class nila, o diba?Horaay!!!
Nakakatuwa rin dito kay Joselle ang kanyang tawa, noong una na-windang ako kasi ang cute pero I get used to it na.
Mamimis ko sa kanya ay, actually lahat. Mamimis ko dahil hindi siya kabilang sa mga taong ika nga "Streotypes". Actually ang tawag niya sa dati niang puppy ay "muning" actually akala ko talaga pusa ang alaga niya pero dog pala yon. Agree ako sa kanya na napaka-streotype ng mga tao ngayon.
Mamimis ko rin na tuwing nagpapraktis ako nung organ everyday, nandyan din siya para "daldalin" ako everyday.
Naalala ko pa tuloy nung una palang kaming nagkakilala, actually buwanang pulong yon sa bahay pa nun nina ka jojo, bago pa lang sila non, then kasama ko si Lyka tapos nagkataong naging katabi namin si Joselle, kinausap kami and dinaldal, pero actually natatakot akong magsalita dahil baka makita kami ni "u know" katakot eh baka mapagalitan kami sa praktis, pero ok lang nagkwentuhan kami.
I didn't expect na magiging close kami non.
Wish ko lang sa kanya na keep up the faith, never lose hope and always put your trust to Him, aral mabuti, maging masipag sa tungkulin, Good health! and God Bless You!!! I will really miss u!!! Hope that we will still keep in touch with each other. Love You!
Here are some of the memorable pictures:


Joselle being blindfolded. Hihihi...



Naiyak siya. Tears of Joy!


WE will miss you Joselle!