Friday, July 14, 2006

Ang aking Muling Pagtanda


Kahapon lamang ay muli nanamang nadadagdagan ang aking katandaan,15 taong gulang na ako! Tanda ko na... este yung age ko lang pala ang matanda pero still young looking! Hehehe... Walang aangal! Masaya naman ang aking nagdaang araw ng kapanganakan, maraming tao ang bumati sa akin, kahit na hindi ko aakalaing maaalala pa rin nila na bee day ko na! Isang magandang halimbawa si Ara na kamag-aral ko na noong kami'y nasa prep pa lang, mantaking niong nasa Singapore na siya, tinext pa rin nia ako para batiin ako... At ganon din si Angela, hindi ako makapaniwalang alam pa rin nila ang bee day ko... Medyo muntik na nga akong magtampo sa bestfriend ko si Arnie kahapon kasi kala ko makakalimutan niya yung bee day ko... Pero tumawag siya at binati ako, kala ko talaga nakalimutan na niya, syempre 8 years na kaming bestfriend, sana kami ang longest running bestfriend sa buong mundo! Hehehe...

Hindi ko inaasahan na may regalo sa akin ang kapatid ko pag-uwi niya mula sa dorm, helo? wAla kaya sa mukha nia ang nagreregalo sa ate niyang walang ginawa kundi awayin at banasin siya... Pero sweet naman ang kapatid ko.. Tinawagan niya pa nga ako sa cellphone para lang batiin ng happy bee-day....

Sabi nila tumatanda na ang mga tao sa tuwing sila'y nagdadaos ng kanilang kaarawan, ngunit sa aking pananaw, ang pagdagdag ng taon sa buhay mo ang siyang nagpapatunay na nalagpasan mo ang mga pagsubok sa iyo ni God sa buong buhay mo. Tulad ko 15 years akong namamalagi mundong ito, it means I have able to survive life's obstacles... Drama ba? Kaya be proud na nadadagdagan ang edad niyo. Baby face pa rin naman kayo ah? hehehe....

Maliban sa aking isingawang bee-day, muli nang nagpaalam at lumisan ang pinakamamahal naming punong guro? Tama ba yon? Pinakamamahal? Kanina ay may program, ngunit umuulan, ang panget nga eh, pero ok lang naman din, maraming nagpresentation, iba't ibang section. Ewan ko nga ba? Pag may kumakanta bigla na lang uulan... Senyales na yon na dpat tumigil na siya! hehehe... Anyway, medyo mamimis ko rin si Mam herson, kasi kahit hindi siya naging close sa mga 3rd year peepz, hindi siya masyadong naging mahigpit sa amin...

Sana mas ok yung pumalit, at hindi terror!

Hanggang dito na lang muna... Belated 15th Birthday to me!!!

No comments: