Nagpunta kami kanina mama sa divisoria at namili kung anu-ano..Bili din ako ng mga bagong DvD xempre kelangan may panoorin akong bago...bumili ako ng dvd ni hilary duff "Material Girl", yung pinoy movie na "You are the onE" hehe...ganda kasi eh...tapos yung "Lake house" Grabe na-inlove nanaman ako sa story na etech...ganda grabe, parang napaka-complicated ng kanilang relationship kasi different times sila nagkakau-sap si guy noong 2004 pa tapos tong is girl noong 2006 na, pero dahil sa lake house na parehas nilang natirhan nagcommunicate sila...ang ganda talaga, may part na nakakalito pero magegets rin ng mga nononood...Grabe sana may ganyan din akong love story pero napaka-imposible no? hehe...talagang ganyan ako, madalas mangarap ako ng mga lovestory na imposible mangyari...wehehe...tapos na-iimagine ko then, wala na eto nanaman ako ng daday dreaming...
Stepping out from my imposible fantasies and going back to reality, well eto ako nagpapakabondat at nanonood ng lahat ng pwedeng panoorin, grabe meron nanaman akong na-accomplish, tulad ng project sa tle. Well actually yun pa lang ang na-aacomplish ko at medyo nagreview na ako sa long test sa social....at least di ba? hehe...niloloko ko nanaman sarili ko, actually madami pa akong gagawin at wala pa ako halfway ng mga task na dapat kong tapusin...
Ngayon, kung sino man makabasa nito, pwede ba tag kayo tapos suggest kayo ng mga cool love story na magandang panoorin.
Kasi pag nanonood ako ng movie, parang gumagaan talaga ang loob ko feeling ko nandon ako sa situation na yon, naku pag talagang kinareer ko yung panonood kahit mababaw, tapos nakakaiyak pa, naku yung mga kasama ko hindi umiiyak pero ako talagang feel na feel ko yung movie tapos maiiyak na lang ako...hehe...ganon ako kasenti.Hay! Kelan kaya ako maiinlove? wehehe...magtanong ba daw? wala lang parang hindi ko pa kasi nafee-feel eh, oo nagkacrush, pero inlove? parang wala pa eh...hay naku...sabi ko na nga ba eh, iba nagagawa ng mga love story movies sa takbo ng isipan ko eh...di bale bukas medyo balik normal na muli itong utak ko.
Yun lang, try niyo panoorin...at ma-iinlove din kayo.
No comments:
Post a Comment