Saturday, December 09, 2006

A Stressful Weekend

3 days ng pabalikbalik ang lagnat ko, at nung thursday, i was at the school's clinic kasi bigla akong nahilo and ang sakit talaga ng ulo ko, nung si ate nurse ay ginamitan na ako ng thermometer, medyo may sinat ako, at ngayon medyo ok nanaman ang pakiramdam ko, siguro dahil na rin sa sobra kong pagpupuyat at stress sa schoolworks... Ewan ko ba, palaging masama ang pakiramdam ko. ang tagal na ng last update ko, sorry cause I can't find time to update my blog due to hectic schedule, i wish na stress free na ako, pero I know that that will not happen especially if you wished to stay at a not stress-free school...hahaha.... from 1st year to 3rd year, stress na ako dian sa school na yan..

Yesterday was the charole fest, ok lang naman, medyo maganda na rin ang kinalabasan pero feeling ko hindi kami mananalo, actually mas gusto kong hindi na kami manalo, ok lang na nakapagpresent kami kasi feeling ko hindi nanamin kaya "Kung" manalo man kami ng isang linggong presentation, at baka maconfine na ako sa hospital pag ganon nga ang nangyari at I need to complete the panatas sa kapilya dapat tumupad na ako sa Thursday para hindi ulit mangyari ang nangyari sa sakin noon. God knows what is best not only for me but for the whole section.

Family day sa school ngayon pero hindi ako pumunta kasi wala naman akong pamilyang pupunta, busy silang lahat at nakakatamad din namang puntahan ang ganong mga events, papagurin ko lang sarili ko, matutulog na lang ako sa bahay kesa pumunta don. Hahaha...

Wala namang major highlights sa buhay ko ngayon...PEro kahapon nainis talaga ako sa guard ng Robinson's ayaw kaming papasukin feeling nila nagcutting kami pati nga yung 2 fourth year ayaw eh.. Pero at last pinapasok na kami nung napagplanuhan naming dala-dalawa lang ang dapat pumasok...

Ang boring no? Talagang ganyan, nastress at nahighblood lang naman ako ng week na to and at last babalik na sa normal na takbo ang buhay ko kasi hindi ko na tuturuan ang mga boys ng III-DArwin...Bakit kaya hindi sila nabiyayaan ng magandang boses?

No comments: