Thursday, November 30, 2006

helo again!

Walang pasok ngayon at ang saya dahil tulog at basa ng libro lang ang inatupad ko...Well ang tagal ko nang hindi masyadong nakapag-update due to schoolwork reasons... Para sa mga fans ko, sisihin niyo ang walang kamatayang mga assignments, test na sandamakmak na feeling ng III-Darwin eh periodic test araw-araw (daig pa nga actually) at ang paparating na "charol fest"...DI ba? hectic sched ko, eh medyo ako pa yung nagtuturo sa section ko....kaya lagi akong high blood at natutuyuan na nga ako ng dugo sa sobrang kunsomisyon.

My ikukuwento ako, grabe kahapon sa school ay mass ako at si elaine ay nagdecide na hindi umatend kasi gagawa sana kami ng mga assignment, tutal naman parehas kaming hindi Catholic, tapos non nagstay kami don sa mga hindi Catholic, ang hindi namin alam may worship services na ginagawa din don kaya hindi rin ako masyadong nakapag-aral...wahaha....pero ok lang naman maganda at encouraging naman yung topic, at eto ang talagang nakaktuwa, nakita ko don si ****** hehehe....bata pa yan! child abuse nga eh! Topic kasi namin na yung generation daw ng mga kabataan ngayon eh generation of losers, tayo yung madalas mastress, dahil yung may mga emotional distress... tapos yung nagtuturo bigla akong tinanong kung anong oras ako gumising pag school days, eh di sinabi ko mga 5:20-5:30 which is true naman tapos tinanong niya ako kung san pa ako nakatira, di sinabi ko sa Cavite! E di shock siya, tinanong niya naman itong isang Mascian, 4:00am daw siya nagigisng tapos taga-Maynila LANG siya, e di nagtaka itong nagtuturo pano ko daw namamake yung 7:45 na eto, grabe tinanong niya pa ang pangalan ko at wonderwoman daw ako, ngayon ko lang nalaman na late na pala ako magising sa lagay na yon at take note taga-Cavite pa ako! wahaha....ang nakakahiya don, tinawanan nila ako at sobrang nahihiya ako sa mga oras na yon at nandon pa si ******....grabe naiiyak na nga ako ng mga oras na yon eh...pero masaya may picture taking pa, siyempre nakijoin kami ni Elaine! Tapos non medyo badtrip sa p6 kasi...ay don't mention na lang, then sabay kami uwi ni Dawn, grabe sa may bintana my tumapat na bus na San Agustin, tinuro ko sa kanya yung isang Mascian na nakita ko, kasi 3rd year din, sabi ko kay Dawn, wag masyadong tingnan kasi baka sabihin ng mga guys na nandon na medyo may itsura naman eh sila ang tinitingnan namin eh ang kulit ni Dawn, yan tuloy napagtripan kami ng isang kasama ng mga guys na yon at feeling ko siya lang ang pinakapanget kasi walang siya modo at SOBRANG HINDI GENTLEMAN!!!! grabe sobrang kung anu-ano yung ginagawa niya sa may bintana, talagang ang lakas mang-asar! do the highest level, at siyempre my kaunting dugong dumadaloy si Gabriela Silang sa akin kaya dinilain ko siya! sobrang inis ko talaga non, feeling niya gwapo siya, "pero yung mga kasama niya gwapo" siya lang ang panget! Nakakainis, gusto ko tuloy bumababa nang bus ng mga oras na yon at umakyat ng San agustin at suntukin yung lalaki pero sayang yung bayad kaya nagtimpi na lang ako! Hay naku walang-wala siya sa kalingkingan ni Mr.Darcy ang aking ideal guy! At sakto pa binabasa ko ang Darcy's Story, thanks to Carlota....Grabe inlove na inlove na ako sa "gentleman" na ito....

Yun lang, may darating daw na malakas na bagyo, at malakas pa kay MILENYO!!!! Sana hindi naman, para masya ang buhay, ingat na lang ang sambayanang PILIPINO!!! at gudluck sa amin sa Charol feST!!!!!

No comments: