Sino ba ako? Actually hindi ko rin kilala ang sarili ko...Feeling ko nga kulang na lang na maging doctor, magkaboyfriend, makapunta ng paris ay pwede na akong madegok sa rami ng naranasan ko. Pero I know that hindi pa ako nangagalahati sa journey of my life ko at marami pa ako bumps and bruises na mararanasan, pero as of now, na reminisce ko ang childhood days ko, hindi ko na-imagine na magiging ganito ako, what i am now...Sobrang daming blessings that God has given me, hindi man lahat napagkaloob Niya sa akin, I am still so thankful dahil hindi "kulang" at "sobra" pa ang lahat ng ibinigay niya. Parang kailan lang na sinabi sa akin ng dad ko na ipapasok niya ako sa Masci at eto ako nagcacramming at hindi alam kung papasa, e 3rd year na sa science highschool na pinangarap ng dady ko at eto ako di alam ko mapapasa ko ang pamatay na p6 at compsci...wahaha...pero still trying to study hard. Naalala ko rin nung bata ako, ayoko talagang magpiano...hate ko sobra, naisip ko bat ba nila ako pinipilit sa ayaw ko, everytime na pupunta ako sa teacher ko umiiyak ako kasi talagang hindi ko makuha pero ngayon, believe me or not, gusto ko talagang maging pianist...I've finally realized that everything that my parents have done and doing to me is for my own good, kaya nga lang minsan stubborn ako at medyo masungit sa kanila, hindi ako showy sa feelings ko towards them ,unlike my brother na sobrang sweet at puro I Love You ang bukang bibig, ako naman "i hate u" ang sinsabi ko pero opposite naman yon, love ko sila, sobra, maybe kung hindi dahil sa kanila hindi ko alam kung ano na ang takbo ng utak ko, kung ngayon kumplikado siguro baliw na ako! wahaha! luv u!
Minsan sa buhay hindi palaging tawa at ngiti, siguro nga palagi akong nakikita ng mga taong nasa paligid ko na nakangiti dahil ayoko na nawawala ang ngiti sa aking mukha, kailangan palaging maganda! hahaha... pero minsan naman isa akong taong nagkukulong sa kwarto at umiiyak, talagang nabebreak down ako pag sobrang pressure na ang aking nafifeel.... hahaha... Mahilig ako sa payapang bagay, payapang musika at kung ano-ano pang kapayapaan...
Ewan ko kung kelan ako mawawalan ng buhay pero I will try to live my life to fullest, searching for more knowledge, meeting new people... meeting nice guys...wahaha... 15 years old pa lang ako, bata pa ako at sobrang dami pa akong mararanasan, makikitang mga bagong mukha, marami pa akong iluluha pero mas matimbang ang itatawa at ihahalakhak... Siguro maraming beses rin ako magfifeeling na crush ako ni ganito o kung sino mang tao ang nakikita ko, pero natural lang sa akin yon...Sorry kung mukha ako stalker..wahaha....!
Sa pamamagitan ng blog na ito, nagpapasalamat ako dahil naisisigaw ko ang aking mga saloobin, marami mang beses na heartbroken life should go on... pero hindi ako nagsusulat ng update na ito dahil heartbroken ako...hay naku isang lalaki lang naman ang talaga sobrang naging crush ko eh...wahaha...pero ilang years na ang nakakaraan at lumipas na rin yon....drama to the max....hanggang ngayon siguro manaka-naka ko na lang siya nakikita kaya hindi na intense, pero salamat sa kanya dahil nagising ako sa katotohan at salamat din sa mga memories! sakin n lang yun!
Pero hindi natin maiiwasan na sadyang may mga bwisit na susulpot sa ating buhay, mga teachers na pasaway at mga taong epal... sila ay "twist" sa buhay upang mas maging colorful ang buhay, believe mafifeel niyo yan pag tapos na ang problema niyo, pero kung gusto niyo ng tumalon sa building don't hesitate to inform me at sasabayan ko kayo, pero ikaw ang mauna dahil hindi ko pa kaya magpakamatay kahil feel na feel ko na dahil, hindi ko pa nakikita ang lalaki sa buhay ko, hindi pa ako nagiging isang ganap na doktor at piyanista at kelangan ko pang pumunta sa Paris! Kaya kung talagang gusto mo nang mamatay, ieencourage lang kita pero hindi kita sasamahan...
Hindi ko alam kung ano ang pwede mangyari bukas basta I am always ready! to fight for what I believe and to fight for the people I love....
I love God, Mommy, Daddy, Kokoy, Arnie, my friends sa school at sa kapilya, mga crush ko! wahaha! mga pets ko! at lahat ng tao sa mundo... sana maintindihan niyo ang mga sinasabi ko at sana matuto kayo sa buhay na katulad ko, ang bait ko ngayon pero feeling babalik ako sa same old me bukas! haha...pero I will try to me a "better" girl, kasi mabait na ako kaya kelangan pa ng konting bait....
Sana na-inspire kayo, pero kung sa tingin niyo isang basura tong entry na 'to... pangit kayo! dahil ang hirap itype nito at nag-effort akong magsenti para rito....
No comments:
Post a Comment