Saturday, June 03, 2006

Farewell to a Friend


Noong Wednesday lang namin naisip na magkaroon ng surprise farewell bash for Joselle, pero nung thursday wala pa kaming naisip, then nung friday si Lyka ginising ako at sinabi tuloy na ang party, nagtext daw siya nung thursday night, actually narinig ko yun pero antok na ko kaya di ko na tiningn tapos biglang nawalan ng battery yung cell ko, wala na talagang kwenta ang cellphone ko kapag bakasyon. Anyways, back to the topic, yun na sinama ako ni lyka sa market (medyo sosyal kasi pag palengke and bantot basahin at pakinggan- kung binabasa mo man ng malakas to) bili kami tinapay and balloon, tapos non yun na punta na sina Dana, Ruvi and Resby dito.
Pinapunta namin si Joselle dito nang nakablindfold, wala siyang idea kung ano ang nangyayari sa paligid, actually ang ginawa kong dahilan para pumunta siya sa house namin ay birthday nang pinsan ko, para mas kwela. Tapos nung tinggal na namin yung blindfold talagang nagulat siya, nakakatuwa dahil naiyak siya, at infernes gumawa pa kami ng banner.

Syempre kain then kwentuhan, then laro kami basketball, then kain ulit and uwi na.

Nakalulungkot isipin na ngayon lang kami naging close nina Joselle, ang bilis kasi ng panahon, itong bakasyon ang bilis din.

Hanga ako kay Joselle dahil sobrang friendly niya, mabait and maganda. Alam niya kung paano makitungo sa mga tao. Kahit sa mga taong ayaw ko, carry niya paring makipagfriends. Bilib din ako sa kanya dahil sa Up siya nag-aaral, matalino and talagang religious. Masipag, hindi na ata ito natutulog, and take note top 2 sa Summer Class nila, o diba?Horaay!!!
Nakakatuwa rin dito kay Joselle ang kanyang tawa, noong una na-windang ako kasi ang cute pero I get used to it na.
Mamimis ko sa kanya ay, actually lahat. Mamimis ko dahil hindi siya kabilang sa mga taong ika nga "Streotypes". Actually ang tawag niya sa dati niang puppy ay "muning" actually akala ko talaga pusa ang alaga niya pero dog pala yon. Agree ako sa kanya na napaka-streotype ng mga tao ngayon.
Mamimis ko rin na tuwing nagpapraktis ako nung organ everyday, nandyan din siya para "daldalin" ako everyday.
Naalala ko pa tuloy nung una palang kaming nagkakilala, actually buwanang pulong yon sa bahay pa nun nina ka jojo, bago pa lang sila non, then kasama ko si Lyka tapos nagkataong naging katabi namin si Joselle, kinausap kami and dinaldal, pero actually natatakot akong magsalita dahil baka makita kami ni "u know" katakot eh baka mapagalitan kami sa praktis, pero ok lang nagkwentuhan kami.
I didn't expect na magiging close kami non.
Wish ko lang sa kanya na keep up the faith, never lose hope and always put your trust to Him, aral mabuti, maging masipag sa tungkulin, Good health! and God Bless You!!! I will really miss u!!! Hope that we will still keep in touch with each other. Love You!
Here are some of the memorable pictures:


Joselle being blindfolded. Hihihi...



Naiyak siya. Tears of Joy!


WE will miss you Joselle!

No comments: