Bahala na si Batman
Recently nung nalaman ko na sa June 5 na ang pasukan namin, nawindang talaga ako. Napatunayan kong ang Masci ay hindi talaga lulubayan ang buhay ko pero nitong mga huling araw napatunayan kong ok na. Mag-aral ka na lang ng mabuti. Kinakabahan ako sa pasukan pero mas kinakabahan siguro ako sa recital na malapit ng dumating sa buhay ko sa June 4. Di ba sakto right after nung recital hindi pa natatapos ang nervous mode ko, pasukan naman. Wish ko nga lang sana nagawa ko na nitong bakasyon ang mga pinangarap kong gawin nung 2nd year ako.
1.Nakapagbakasyon na ako sa Palawan, na matagal ko ng pinapangarap at ngayon mga memories na lang ng mga picture na nakuha namin ang tangi kong chinecherish.
2. Nakakain na ako ng marami na halos tumaba ulit ako, meron akong gustong gawin eh. Lam mo yun' yung mag-exercise man lang pero masyadong masarap ang tulog ko kaya ok lang.
3.Masyado akong nakapagbabad sa t.v kaya sa tingin ko hindi ko mamimis yung tv sa pasukan, napanood ko na rin yung "my girl". Nakakatawa siya kaya hindi na ako manonood gabi gabi sa abs.
4.Nakapag-daydream o nightdream na ako.
5.Napiano ko na lahat ng gusto ko, nakapagdowload pa nga ako eh.
6. At higit sa lahat hindi na ako nakapagsalaysay dahil hindi na ako nakakapag-absent. Unfortunately, tatadtarin nanaman ako ng salaysay sa pasukang darating.
Iniisip ko ngayong pasukan sure na akong hindi ako makaksamba sa kapilya dito sa lokal namin, sasamba naman ako sa Maynila, ok lang naman sumamba sa Maynila eh, wala namang pinagbago sa iba pero ang ikinalulungkot ko ay baka masyado na akong mapagod at hindi ko na magawa ang mga assignments ko. Sana maging mas responsible ako.
"Dapat" na pagbutihin ko sa 3rd year. Sus! Yan din sinabi ko 1 year ago nung magsesecond year ako. Pero seriously talaga, kailangan ito sa UP kaya kahit gaano kahirap ang Chemistry, Trigonometry, Ad Bioloigy o kahit anong pang mahirap ay Aja! Fighting! Sana nga lang hindi ako tamarin pero kahit na tamarin ako. Kahit nakakaantok and kahit hindi na ako matulog,basta 'wag mawawalan ng pagkain.
Nag-aalala rin ako dahil nag-iisip ako kung magroroundtrip ako pagsakay ko sa bus o hindi na kasi, pag hindi na ako nagroundtrip sure akong nakatayo ako sa bus tapos pagod na ako pagdating sa bahay tapos matutulog na lang ako, pag nagroundtrip naman ako makakatulog ako pero masyadong matagal. Ewan ko? Ang weird ko pati mga walang kwentang bagay pinoproblema ko, obvious bang ayoko pang pumasok?
In short, kainis talaga pasukan na!!!!
Never mind na nga, basta Aja!!! Gudluck na lang
No comments:
Post a Comment