Ang ika-43 Pagkakatatag ng Manila Science...
Masaya naman ang foundation day namin ngayon kesa nung mga past 2 years, at least umasenso ang foundation namin ngayon, my booth na...ehemm..speaking of booths..ang mga first year no idea ako kung anong booth ang ipinakilala nila sa amin sa second year yun ata yung my mga stuff toys...sa third year, medyo malaki ang kita dahil marami ang nagpamarriage booth...don ko din nasaksihan at don din nagkabukingan kung sino na talaga ang mag-couples...hehe...Kinasal n rin ang aking pamangkin na si Dawnavie sa kanyang Anthony...Ang saya ng kasal nila kasi binasa sila ng tubig! Tapos sa fourth year medyo marami, nandyan ang jail booth, ang alipin booth at ang paparazzi booth...Well sa jail booth ako naging suki, 3 beses akong kinulong yung isa tinakasan ko pa kaya dapat 4 na beses grabe lahat at ng kalabagan at katiwalian nagawa ko at di sinasadyang ginawa...Grabe wala na akong pera...ubos na at my utang pa ako sa kaklase ko dahil pinapyansahan nila ako...sa katunayan ayokong lumbas sa jail booth dahil nandon ang crush kong first year...Child abuse? hehe...crush lang naman eh..."Age doesn't matter" right? hehe...Baka mapabantay bata ako.. Well yon, cute kasi niya. Actually kung hindi ako najail booth ng maraming beses magiging boring ang buhay ko, kasi ineexpect ko na pupunta si Kuya Mark...(sana hindi niya makita itong blog ko!waha!) actually pumunta siya kaya lang wala akong salamin non, infernes dumaan pa siya sa room namin pero dahil nga impaired ang mga mata ko hindi ko tuloy nakita ang kagwapuhan niya...wahahaha! Yun kaya medyo hindi naging buo ang araw ko nung foundation day...Anyways yung sayaw naman namin ok naman except nung nahulog ang veil ni Mary Joy na siyang taong nasa harapan ko grabe to the highest level ang paglalagay ko...Pansin kaya ang ginawa ko? Neweiyz...after the foundation...pumunta kami rob...kain muna pero nagtipid ako kasi wala na akong pera at baka hindi na ako makauwi...Kain,kain, kain...Then headed to G-box well naglaro ako sa arcade! Gusto ko don yung para kang nagjejetski! Ang saya at infernes first time kong kumanta don sa maraming tao yung hindi tago. Pero ayoko ng ako lang ang kakanta kaya may ka-duet ako...Ewan ko kung nagtaka ang mga tao nung kinanta ko yung "first Love" by Utada Hikaru! hehehe...Grabe first ko talagang gawin yon. Then habang bumalik akong naglalaro sa arcade bigla akong sinigawan ng mga frendz ko na nandon yung crush ko first year! Grabe kinareer nila talaga na gusto kong first year na yon ah! Nagbabasketball siya..infernes galing niya! 3 points shooter! Ayokong banggitin ang pangalan niya dahil magiging masyadong obvious na...hindi ko na lang alam isang araw ipatawag ako sa guidance office dahil sa pagkakaroon ko ng kasong "child abuse".
Nakakapagod ang foundation pero masaya! At ngayon isang panibagong yugto sa buhay ni Kim ang darating 3rd grading na! Ano kayang subject nanaman ang ibabagsak ko? Physics? yoko na.. mag-aaral na "siguro" ako ng mabuti don! Gudluck sa ating lahat!
No comments:
Post a Comment