Monday, October 30, 2006

Ang pag-aaral

Ang pag-aaral...bow...well, medyo masaya ang aking kalooban ngayon dahil unang-una ay nakikisama na ang blogger sa akin ,hindi na siya pasaway pangalawa ay masaya ako dahil pumasok ako ngayong araw na ito, kahit na sobrang konti namin, kalahati lang ata ng mga kaklase ko ang pumasok well naging makabuluhan naman ang araw na ito dahil marami kaming plus grade na nakuha ang sipag daw kasi namin... Imagin out of 34, 19 lang ang pumasok ang sipag ng Darwin no? hehehe... Ewan ko nga ba baliktad talaga ang Masci kung kelan sembreak ng ibang school saka naman kami nagkapasok, feeling ko nga isususpend na yung klase kanina kasi malakas ang ulan, pero talagang matigas ang Masci...Gusto sigurong sabihin ng mga tao sa Masci na ang sipag naman mag-aral ng mga student diyan, babangon na ang mga patay sa mga libingan nag-aaral pa rin sila...hehehe... ewan ko ba dapat talaga wala na pa kaming pasok eh...kasi naman ay masyadong nagpapakamartir ang Masci.

Nung umaga nakakatamad pa mag-aral kasi hindi ko pa talaga feel mag-aral ng mga oras na iyon. Ewan ko ba... Tapos kinut yung klase ng 4 pm hahaha....Talagang nagpapatawa ang Masci 4pm? haler? e halos uwian na non eh...Tanong ko sa sarili ko ano ang purpose nung pagcucut ng klase para wala lang? hay naku, talaga nga naman ewan ko ba ang napasukan kong eskwela... ang wierd talaga pero at least na cut. Si majo medyo nagkaroon kami ng adventure kanina hehe...nawala kasi yung sim card niya tapos bumili kami...

At ngayon sa aking pagkakaupo ay hindi ko pa rin maisip kung saang lupalop ng mundo ko nailagay ang Student Time ko...Wahh! Kung kelan nagkaroon na ako ng chance na makapag-aral saka naman nagtatago ang magandang pagkakataon sa akin...Lord help me! Hay naku! Bahala na....kahit naman mag-aral ako sa Social, pagdating ng test eh parang feeling ko wala akong binasa... Social and me? Never been friends!

Sana tuloy-tuloy na ang blogger sa magandang pakikitungo sa akin...

No comments: