Thursday, December 28, 2006

Start of Something New

Ang aga ng "Start of Something New" ko, magnew-new year na at panibagong taon nanaman ang tatahakin natin, kaya eto nanaman ako bagong skin, simplicity nanaman ang umiiral at mood ko kaya tada...sana magustuhan niyo. Tapos, well, tinatamad ako magtype, pupunta kasi ako piano lesson ngayon eh...ang sipag ko naman, ako lang ata ang magpipiano doon eh. Neweiyz, kagabi after panata pumunta kami sa patay, namatay yung lola ko, kapatid ng lolo ko, well, napakabilis nga ng pagkamatay niya eh...Condolence talaga at naaawa ako sa mga anak niyang naiwan kay ate lois, kuya jojo at mga kapatid niya, ang hirap mawalan ng ina no.

Sa ngayon, wala pang goal ang mind ko para sa 2007 na paparating, ewan ko parang nakakatamad pa mag-isip at nakakatamad pa mag-aral. Ang ikli ba? bitin? sa susunod na lang pag high na ang energy ko...Ciao!

Tuesday, December 26, 2006

Lake House

Nagpunta kami kanina mama sa divisoria at namili kung anu-ano..Bili din ako ng mga bagong DvD xempre kelangan may panoorin akong bago...bumili ako ng dvd ni hilary duff "Material Girl", yung pinoy movie na "You are the onE" hehe...ganda kasi eh...tapos yung "Lake house" Grabe na-inlove nanaman ako sa story na etech...ganda grabe, parang napaka-complicated ng kanilang relationship kasi different times sila nagkakau-sap si guy noong 2004 pa tapos tong is girl noong 2006 na, pero dahil sa lake house na parehas nilang natirhan nagcommunicate sila...ang ganda talaga, may part na nakakalito pero magegets rin ng mga nononood...Grabe sana may ganyan din akong love story pero napaka-imposible no? hehe...talagang ganyan ako, madalas mangarap ako ng mga lovestory na imposible mangyari...wehehe...tapos na-iimagine ko then, wala na eto nanaman ako ng daday dreaming...

Stepping out from my imposible fantasies and going back to reality, well eto ako nagpapakabondat at nanonood ng lahat ng pwedeng panoorin, grabe meron nanaman akong na-accomplish, tulad ng project sa tle. Well actually yun pa lang ang na-aacomplish ko at medyo nagreview na ako sa long test sa social....at least di ba? hehe...niloloko ko nanaman sarili ko, actually madami pa akong gagawin at wala pa ako halfway ng mga task na dapat kong tapusin...

Ngayon, kung sino man makabasa nito, pwede ba tag kayo tapos suggest kayo ng mga cool love story na magandang panoorin.

Kasi pag nanonood ako ng movie, parang gumagaan talaga ang loob ko feeling ko nandon ako sa situation na yon, naku pag talagang kinareer ko yung panonood kahit mababaw, tapos nakakaiyak pa, naku yung mga kasama ko hindi umiiyak pero ako talagang feel na feel ko yung movie tapos maiiyak na lang ako...hehe...ganon ako kasenti.Hay! Kelan kaya ako maiinlove? wehehe...magtanong ba daw? wala lang parang hindi ko pa kasi nafee-feel eh, oo nagkacrush, pero inlove? parang wala pa eh...hay naku...sabi ko na nga ba eh, iba nagagawa ng mga love story movies sa takbo ng isipan ko eh...di bale bukas medyo balik normal na muli itong utak ko.

Yun lang, try niyo panoorin...at ma-iinlove din kayo.

Monday, December 25, 2006

Grabe, buti na lang nakarecover na ako... Umatake nanamn kasi abg ulcer ko at this time eto na ata ang pinakamalala sa lahat, in the history of my ulcers. Kasi kaninag umaga 5:30 am nagising na ako, ang sakit na ng tiyan ko, pero hindi naman ako napoopoo nagweewee na lang ako tapos balik na ako para matulog, pero hindi ako makatulog, grabe parang tinutusok yung tiyan ko tapos ang sakit sakit talga, namimilipit na ako. Tapos tinawag ko na si Mama sinabi ko ngang nasakit tiyan ko, nilagyan ito ng oil grabe walang effect ang sakit sakit pa rin, tapos hindi ko na nakaya nasuka na ako, grabe feeling ko nga naubos ang tubig ko sa katawan dahil sa sobrang pag-vovomit at idagdag mo pa diyan ang lbm...madedehydrate na ata ako eh... tapos pumunta si mamy sa palengke para bumili ng gamot na nireseta sa akin pag may ulcer ako...kasi na-ospital na ako dahil siyan sa bwisit na ulcer na yan eh...tapos yon ininom ko, pero pinapakain muna ako, hindi ako makakaain kasi feeling ko isusuka ko lang at ganon nga ang nangyari, sinuka ko nanamna tapos pinainom na ako ng gamot, natulog ako, nawawala pero bumabalik at talagang parang tinutusok ako, tapos nawawala ulit tapos babalik, grabe sobrang sakit namimilipit na talaga ako. Tapos buti na lang 12:30pm ako nagising wala na, buti na lang talaga, ngayon status ko ay nanghihina, tinatamad gumalaw ang katawan ko at kailangan ko pa ng maraming tubig!

Friday, December 22, 2006

Ang dami kong ikukwento...

Hay naku...ngayon lang ako nagkatime na mag-update kasi busy ako this past few days... yes! busy ako, kahit malapit na ang pasko it seems to be na hindi ko maamoy na christmas sa hangin kasi nga bago pa kami magbakasyon ay sandamak mak na requirements ang dapat ipasa. Simulan natin noong tuesday, wala naman masyadong nangyari major highlights lang ay nung kami ay pumunta noong hapon sa robinsons para mamili ng damit nila for christmas party, dapat bibili rin ako pero nawalan na ng budget kasi masyadong mahal mga christmas gift ko sa kanila, naging fashion consultant nila ako! wahaha...pede pala akong maging fashion guru...wahaha...
Tapos noong wednesday, ang buong Darwin ay busy at nagcacramming para sa ipapasang scrapbook sa English, tapos eto pa, panira ng araw ng Physics, talagang bwisit na bwisit ko nung period na yon eh last pa naman...talagang ang sama na ng mga pinag-iisp ko. Ang bilis nga naman ng balik ng karma yan tuloy nawala yung mga burloloy na ginagamit namin sa pagdedesign sa scrapbuk...hate it! inis ka na nga, makikisama pa ang nature sa inis mo...kainis talaga, pero buti na lang sa christmas party na daw namin ipasa, sabi ni mam soriano.
Then, christmas party na, medyo late na kaming dumating ni Kath kasi tumupad kami, sympre tungkulin muna bago ang lahat tapos non, tinext ako ni Majo, wag daw muna akong pumasok sa school para ako ang makabili ng pizza namin. E di payag naman ako, tapos noon punta ako TImes Plaza para pumunta sa greenwhich, 8:30 am nandon na ako tapos 9:00 pa magbubukas, edi wala akong magagawa kundi maghintay...grabe namuti mata ko sa paghihintay buti na lang hindi ako nakatulog ang lamig pa naman, tapos yun na order order na...Ang tagal iserve parang buong Greenwhich na ang inorder ko tapos yun na...Kita ko yung crush ko...pagpasok sa school...katabi pa na room namin yung christmas party nila....wahahaa.... Tapos yun ang saya ng christmas party kasi pumunta si Maam Coco at nakiparty samin, naglaro kami ng mga wierd na laro hehe...pero pinakamasaya yung Marco Polo, na-taya nga ako eh...weheheh...
Tapos punta kami Rob, gala, inom ng jiuce bili ako sa quicky at yun ng coffe3 para buhay pa rin ang energy, upo kami sa may foodcourt at I'll tell you 3 cute na guy ang nakita ko...yung pinakacute yung huli kong nakita Fil-Am ata yon! grabe as in! Gwapo! Wala na akong masasabi, speechless pero my anak na ata, ewan namin kung anak o kapatid, pero cute yung anak or kapatid niya...tapos non binabyan namin yung anak or kapatid niya kasi pinicturan namin, mabait naman eh...nung binabayan namin, ngumiti si Cutie! at pamatay ang ngiti! Lalo syang gumawapo! Grabe! kilig na kilig kami lalo na ako, napasigaw ata ako ng moment na yon! As in, hanggang ngayon kasi na-iimagine ko pa yung kagwapuhan niya, grabe buo na araw ko as in buong-buong! gwapo! hehehe...
Tapos uwi na, gabi na nga ako nakauwi eh...napagsabihan tuloy ako ng kapatid kong panget na lakwatsera ako....
Tapos ngayon, pumunta sina lyka at joselle dito sa hauz, pero una punta muna kami sa palengke, tapos non, luto at kain na dito sa bahay, kasi may ginawa kaming exchange gifts..wahah.lagot kami kay Ka Jojo... ang saya nga eh...nagblow pa kami ng candle...wahaha...Tapos bigyan na ng mga gifts,si JOselle nabunot ko, at si Lyka ang nakabunot sa akin, pero binigyan ko sila perhas ng gift at ganon din sila sa akin... ang ganda nung mga binigay nila, from JOselle t-shirt na dinisegnan niya ng letter K, ang cute tapos kay lyks, yung pillow na taz...wahaha...Ang saya...

Yun lang namana ang mga nangyari sa buhay ko...Kahit may panget may maganda rin naman, wala kaming pasko pero masaya ako ngayon...
Sana sa darating na panibagong taon, maging makulay at maligaya ang buhay ng sambayanang pilipino!

Sunday, December 17, 2006

Relax muna...

Hinga...Hinga...at isa pang hinga, relax muna ako, ang dami ko pang tatapusin pero kelangan ko munang huminga, baka makalimutan kong huminga, nakaw degok ang aabutin ko...Mula kahapon, hindi pa nakakapagpahinga itong aking body...kahapon December 16, 2006, pasalamat sa aming lokal 3:00 am gising na ako, straight akong tumupad kaya wala nang oras para makatulog, pag natulog naman ako baka 11 am na ako magising...buti n lang...tapos non punta school sa shooting sa English, konti lang kami, hindi lahat nakaatend sa mga grupmates ko buti na lang nandon sina Kristin, Dana and Michael...wahaha...ang saya...Punta kami Intramuros, picture picture....Ang saya, tapos may kasal pa ata, pumunta kami pero hindi nakakain wahaha...Tapos birthday pala ni Ralph kahapon kaya nung pumunta siya sa practice my dala siyang merienda, kala niya kasi buong darwin pupunta...gulat nga kami eh! Pero hindi dapat magsayang ng biyaya mula kay God kaya inupakan namin yung pizza burger and sprite niya, actually hindi pa nagsisimula ang pictorial lamon na kami... ay! sa masci pala kami nagkita at family day pala ng 1st and 2nd year. nakita ko siya! wahaha! Pero na-turn off na ata ako eh... wahaha! Joke lang! Yun na nga wala lang, lakad kami sa intramuros, masaya din...wahaha...nakakabaliw pero pagdating sa bahay sobrang exhausted na ako...Mga pics from Intramuros...




Noh yung nasa taas?



Stolen Shot...From a wedding


Open up the dirty window


Reaching for Something in the Distance


Tapos ngayon ay ang aming exam sa piano ok lang naman, tapos bili-bili ng mga pang-exchange gifts, medyo naging magastos ako...wahaha....yun lang...busy bee ako no? Baliw na nga ako eh...pero sana magtagumpay lahat...See you next time na lang...Ciao!

Thursday, December 14, 2006

Isang pahabol na update, ganda pala nung book na "Veronika Decides to Die" by Paulo Coelho, feel na feel ko yung book kasi nakakarelate ako, grabe nagpakamatay si Veronika tapos hindi siya namatay cause pagkagising niya ay nasa mental siya pero ang mystery ay hindi alam kung bakit napunta siya sa mental...ang saya, medyo mangagalahati na ako, wait for the interesting ending....Yun lang, ang arte ko no? wahaha...nababaliw naman ako, ang dami kasing pag-aaralan, feeling ko periodic test nanaman bukas, at balita ko may intrams daw sa masci..OMG! Is this for real? ngayon lang magkaka-intrams sa masci ah!wahaha...cge bye...I'm leaving you with this illustration...

Not going to School

I didn't go to school today, and I'm a bit guilty because today is our unit test in Chemistry and Technical Writing. It's a bit not comfortable because, I'm not used in not going to school, even once. But it's ok para naman sa tungkulin eh. Buti pa si Kath nakaabot....buti na lang.

So ang tanong, ano ang ginawa ko ngayon? Medyo boring ang araw kasi puro libro at computer ang nakapalibot sa akin, tapos nakatulog ako...
1. Tupad ako... 3:30 am my mind and soul is already working.
2. After my tupad, medyo read book about Biotechnology then Technical writing, due to lack of sleep, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
3. Gising ng 1 pm tapos kain na ako, tapos aral ulit...
4. Practice for my exam in piano on Sunday...*nervous mode*, medyo kinabahan nga rin ako kasi akala ko hindi pwedeng hindi kabisado pero tinext ko si teacher ok lang daw..Whew! Piano piece ko Nocturne and Spanish Dance, as usual classical nanaman.
5. Punta ng sm, buying frame for our porject in Math.
6. Nandito ngayon nagboblog.

At ang mga susunod pang mga pangyayari ay itext ang mga kaklase ko kung ano ang latest mga assignments at test. Tapos aral ulit tapos yun na! ang saya di ba?

Sino nakakaalam sa 'The Legend of 1900'? Well napanood ko na siya nung bata pa ako at fortunately natatandaan ko ba itong palabas na ito, ngayon ko lang naapreciate ang kagandahan ng palabas na ito at meron akong mga clip na tiyak namang kawiwindangan, Hindi pang tao ang tinugtog niya, siguro kung ako ang gagawa nito, patay na ako bago ko pa matapos.



Noh say nio?
Eto siya noong bata pa siya...galing din...



So, hanggang dito muna...babayuh!

Wednesday, December 13, 2006

Happy Teacher's Day

Teacher's day ngayon sa Masci at masaya naman kung inyong masasaksihan, pero sad to say hindi ko masyadong na-enjoy kasi gumawa kami ng project namin sa math, kelangan na naming tapusin kasi late na kami pero masaya naman, kala ko nga hindi makakasayaw yung Darwin kasi kulang sa preparation pero at least nakapagperform sila. Wala naman, feeling ko nga ang dami kong ginawa ngayong araw na ito eh. kasi naman sa English eh, kelangan tapusin yung practice lesson na yon.

syangapala, hindi me papasok bukas kasi....tinatamad ako...wahaha...hindi joke lang...kasi kelangan ko tumupad, ayoko nang maulit yung pagkakataong sobrang maga ng mata ko kasi napasobra ang iyak ko noong mga nakaraang araw ng buhay ko, mababasa niyo ang pangyayaring yon sa mga past entries ko. Kaya i've learned a lesson, kaya lang 2 subject pa naman ang summative namin...hayaan mo na nga... excuse letter na lang...

Kain kami sa mcdo kanina, at naging masama akong bata kanina kasi may pinag-usapan kaming tao...ang sama ko talaga... magpapasalamat pa naman tapos gagawa ako ng kasalanan...sori Po! Tapos non... yun na...cge bye na...tupad pa ako bukas eh....Nytie...

Eto nga pala, isang nakakainspire na video clip...

Happy Teacher's Day

Teacher's day ngayon sa Masci at masaya naman kung inyong masasaksihan, pero sad to say hindi ko masyadong na-enjoy kasi gumawa kami ng project namin sa math, kelangan na naming tapusin kasi late na kami pero masaya naman, kala ko nga hindi makakasayaw yung Darwin kasi kulang sa preparation pero at least nakapagperform sila. Wala naman, feeling ko nga ang dami kong ginawa ngayong araw na ito eh. kasi naman sa English eh, kelangan tapusin yung practice lesson na yon.

syangapala, hindi me papasok bukas kasi....tinatamad ako...wahaha...hindi joke lang...kasi kelangan ko tumupad, ayoko nang maulit yung pagkakataong sobrang maga ng mata ko kasi napasobra ang iyak ko noong mga nakaraang araw ng buhay ko, mababasa niyo ang pangyayaring yon sa mga past entries ko. Kaya i've learned a lesson, kaya lang 2 subject pa naman ang summative namin...hayaan mo na nga... excuse letter na lang...

Kain kami sa mcdo kanina, at naging masama akong bata kanina kasi may pinag-usapan kaming tao...ang sama ko talaga... magpapasalamat pa naman tapos gagawa ako ng kasalanan...sori Po! Tapos non... yun na...cge bye na...tupad pa ako bukas eh....Nytie...

A new skin...

Muli nanaman akong nagpalit ng skin at ngayon iba na ang kulay....black na....wala lang...feel ko lang...sana final na itong aking skin...grabe 12 am na! Still working pa rin ang mga nerves at mga cells ko sa katawan... Natutuwa lang ako at nagpapasalamat sa Tito ko kasi he help me to work with my electric motor. Talagang career to the max yung electric motor ko, pero kainis kasi absent si sir kung kelan ako magpapasa, unfair diba? hehehe...ganyan talaga ang life...so unfair...ansaya bukas kasi walang klase...program lang para sa mga teachers...teacher's day kasi eh...

Wala namang masyadong major highlights sa buhay ko except sa bwisit na test sa Trigonometry, grabe ok lang naman yung test "kung" we have enough time to answer it...eh grabe di ba bale kung given na eh...problema tan alpha= -1/5 tapos kelangan mo pang ichange sa sin alpha and cosine alpha para masolve tapos mahahaba din yung proving pero at least may nasagutan ako...kainis talaga, sana naman may consideration... para masaya...iba na kasi teacher namin eh...mis ko na si sir rafols... tapos wala nang masyadong nangyari...general practice nga pala namin ! yehey! Gudnight!!!!

Saturday, December 09, 2006

In my life

Right at this moment, it seems that dad, has spread his disease...being a beatles fanatic! I am so into the song "in my life" cause it is so good....
In my life


The Beatles


There are places I'll remember
All my life though some have changed
Some forever not for better
Some have gone and some remain
All these places have their moments
With lovers and friends I still can recall
Some are dead and some are living
In my life I've loved them all

But of all these friends and lovers
There is no one compares with you
And these memories lose their meaning
When I think of love as something new
Though I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them
In my life I love you more

Though I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them
In my life I love you more
In my life I love you more

A Stressful Weekend

3 days ng pabalikbalik ang lagnat ko, at nung thursday, i was at the school's clinic kasi bigla akong nahilo and ang sakit talaga ng ulo ko, nung si ate nurse ay ginamitan na ako ng thermometer, medyo may sinat ako, at ngayon medyo ok nanaman ang pakiramdam ko, siguro dahil na rin sa sobra kong pagpupuyat at stress sa schoolworks... Ewan ko ba, palaging masama ang pakiramdam ko. ang tagal na ng last update ko, sorry cause I can't find time to update my blog due to hectic schedule, i wish na stress free na ako, pero I know that that will not happen especially if you wished to stay at a not stress-free school...hahaha.... from 1st year to 3rd year, stress na ako dian sa school na yan..

Yesterday was the charole fest, ok lang naman, medyo maganda na rin ang kinalabasan pero feeling ko hindi kami mananalo, actually mas gusto kong hindi na kami manalo, ok lang na nakapagpresent kami kasi feeling ko hindi nanamin kaya "Kung" manalo man kami ng isang linggong presentation, at baka maconfine na ako sa hospital pag ganon nga ang nangyari at I need to complete the panatas sa kapilya dapat tumupad na ako sa Thursday para hindi ulit mangyari ang nangyari sa sakin noon. God knows what is best not only for me but for the whole section.

Family day sa school ngayon pero hindi ako pumunta kasi wala naman akong pamilyang pupunta, busy silang lahat at nakakatamad din namang puntahan ang ganong mga events, papagurin ko lang sarili ko, matutulog na lang ako sa bahay kesa pumunta don. Hahaha...

Wala namang major highlights sa buhay ko ngayon...PEro kahapon nainis talaga ako sa guard ng Robinson's ayaw kaming papasukin feeling nila nagcutting kami pati nga yung 2 fourth year ayaw eh.. Pero at last pinapasok na kami nung napagplanuhan naming dala-dalawa lang ang dapat pumasok...

Ang boring no? Talagang ganyan, nastress at nahighblood lang naman ako ng week na to and at last babalik na sa normal na takbo ang buhay ko kasi hindi ko na tuturuan ang mga boys ng III-DArwin...Bakit kaya hindi sila nabiyayaan ng magandang boses?