Monday, October 30, 2006

Ang pag-aaral

Ang pag-aaral...bow...well, medyo masaya ang aking kalooban ngayon dahil unang-una ay nakikisama na ang blogger sa akin ,hindi na siya pasaway pangalawa ay masaya ako dahil pumasok ako ngayong araw na ito, kahit na sobrang konti namin, kalahati lang ata ng mga kaklase ko ang pumasok well naging makabuluhan naman ang araw na ito dahil marami kaming plus grade na nakuha ang sipag daw kasi namin... Imagin out of 34, 19 lang ang pumasok ang sipag ng Darwin no? hehehe... Ewan ko nga ba baliktad talaga ang Masci kung kelan sembreak ng ibang school saka naman kami nagkapasok, feeling ko nga isususpend na yung klase kanina kasi malakas ang ulan, pero talagang matigas ang Masci...Gusto sigurong sabihin ng mga tao sa Masci na ang sipag naman mag-aral ng mga student diyan, babangon na ang mga patay sa mga libingan nag-aaral pa rin sila...hehehe... ewan ko ba dapat talaga wala na pa kaming pasok eh...kasi naman ay masyadong nagpapakamartir ang Masci.

Nung umaga nakakatamad pa mag-aral kasi hindi ko pa talaga feel mag-aral ng mga oras na iyon. Ewan ko ba... Tapos kinut yung klase ng 4 pm hahaha....Talagang nagpapatawa ang Masci 4pm? haler? e halos uwian na non eh...Tanong ko sa sarili ko ano ang purpose nung pagcucut ng klase para wala lang? hay naku, talaga nga naman ewan ko ba ang napasukan kong eskwela... ang wierd talaga pero at least na cut. Si majo medyo nagkaroon kami ng adventure kanina hehe...nawala kasi yung sim card niya tapos bumili kami...

At ngayon sa aking pagkakaupo ay hindi ko pa rin maisip kung saang lupalop ng mundo ko nailagay ang Student Time ko...Wahh! Kung kelan nagkaroon na ako ng chance na makapag-aral saka naman nagtatago ang magandang pagkakataon sa akin...Lord help me! Hay naku! Bahala na....kahit naman mag-aral ako sa Social, pagdating ng test eh parang feeling ko wala akong binasa... Social and me? Never been friends!

Sana tuloy-tuloy na ang blogger sa magandang pakikitungo sa akin...

Friday, October 27, 2006

Nonsense!

Isang walang kakwenta-kwentang entry alay para sa isang walang kakwenta-kwentang araw na nagdaan sa buhay ko, katulad ng nakaugaliang life cycle ko...gigising, kakain, bukas computer, surf the net, nood ng tv at the rest is history...Pero infernes, nakatapos ako ng 2 koreanovela, addict? hehe..di naman masyado... Natutuwa lang ako sa mga koreanovela dahil hook na hook talaga ako, na-aamaze lang ako sa mga class na story na ginagawa nila kasi kakaiba tapos kakaiba pa yung mga expression nila sa mukha at sa pananalita, kaaliw! Kaya niyo yon? 2 koreanovela? hehe... puro fast forward naman eh. Neweiyz... Nakita ko friendster ni Majo and I was so envy kasi nagreunion yung Thales tapos wala ako don tapos nagswimming sila... Kainis kung hindi dahil sa incident na nangyari sa akin eh di, I'm living my life outside! Hindi ako napigilan pumunta sa reunion, pero hindi rin naman sila ganong kakumpleto eh... Grabe talaga ka! Pasukan na, parang isang buhawing sobrang lakas na dumaan lang yung sembreak pero I consider lucky because I still have the chance to taste semestral break, while my brother is suffering from his school because no sembreak has been declared. wawa namn!

Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blank. Blanko ang isip ko, wala na akong maisip sige.

Tuesday, October 24, 2006

Puro na lang Gala!...Kapagod!

Well after the tragic event na nangyari sa akin siguro mas naging aware na ako sa paligid ko at natutunan kong ang mundo ay hindi isang heaven na puro mababait ang tao... Well message ko sa panget na babaeng yon...actually wala siyang style at walang itsura! Kung pagkatapos niyang nakawin ang cellphone na sobrang precious sa akin ay mahulog sa kung saan o kaya naman ay mahagip siya ng rumaragasang bus! I think she deserves that... why? Not because she stole my cellphone, it is because she used my religion's name "Iglesia ni Cristo" para gawan ako ng masama...Hay! Bahala na si God sa kanya...

Anyways after that diresto pa rin naman ang ikot ng buhay ko, nung Monday we went to Cosmetics Asia para gumawa ng lotion don sa papansing research namin, malayo kasi sa Bulacan pa pero bilis lang ng biyahe pagdating don ,wala pa yung boss na kakausap sa amin pero pinapasok kami sa office at sa katagalan ng paghihintay ay nakatulog kami... Nakakahiya nga sobra eh...Maaga kami kasi sumabay na kaming ihatid ang brother ko sa school niya ang aga grabe at antok na antok pa ako so yun na nga... Mabait naman at well entertained kami at successfully naming nagawa ang aming lotion ang saya. Kakatuwa...tapos yun na nga... libot libot sa Sm North Edsa kasi inintay namin kapatid ko.

Ngayon naman punta kami sa divisoria, grabe ang daming tao hindi mahulugang karayom. Bili kung anu-ano hehe...Gala din naman mama ko eh, kaya may pinagmanahan lang ako! hehe.. tapos bili kami dvd, at last nakabili din ako ng "the devil wears prada" ganda siya! nood din kayo... Kapagod nga lang ang paglalakwatsa pero para sa akin that's a way to relief my depression! Hay buhay.. napaka-unpredictable but still very exciting! Ciao!

Saturday, October 21, 2006

A Lesson in my Life that will Change my Attitude


Grabe sobrang panget at miserable ng araw ko kahapon, nanakawan ako ng cellphone!!!!!!!!!!!!! Wahh.... at ang proseso ay hindi ko na ikukwnto dahil napakapangit at sa ngayon ayoko talagang maalala pa ito... Masama siya, gusto ko siyang patayin! Ginamit niya pa ang pangalan ng Iglesia para manggamit!!!!!!!! Bwisit siya! Wala na nga akong cellphone kaya nagpasundo ako dahil buti at hindi nanakaw ang wallet ko! tumawag ako sa payphone... nung dumating na mama at dadi ko...grabe sermon sa kotse...iiyak ako at hindi na pala iyak as in hagulgol na... Don lang talaga nagalit si Daddy, don niya lang sinabi lahat ng mali at nakikita niyang mga mali kong ginagawa... Kasi si Daddy hindi masyadong masalita hindi katulad ni mama, kaya ngayon kong lang talaga narealize na sobrang mali na pala ng mga pinagagawa ko... Madalas kaming mag-away ni mama kasi sensitive ako at feeling ko mali si mama... Si daddy ang palagi kong tinatawag pag nag-aaway kami, pero this time talagang inispeak out niya na mali ang attitude ko dahil masyado akong sensitive, manipis at hindi marunong tumanggap ng payo... dahil daw siguro masyado akong nababy at gusto ko daw na palaging gusto ko ang masusunod. Grabe talaga ang lakas ng impact sa akin non...Umiiyak talaga ako.. Kung maaga daw ako umuwi at hindi nagpunta kung saan-saan sigurado daw hindi ako magkakaganon, pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na cellphone lang kinuha sa akin, buti na lang hindi ako kinidnap! Kainis talaga sobrang bad experience, pero alam kong parusa sa akin ito ni God dahil hindi na nga gumaganda ang ugali ko...

Message ko lang doon sa bwisit na sakim na taong yon! Makarma sana sya, besides anong gagawin niya sa cellphone na walang battery! Buti na lang at tinaggal ko coincentendally yung battery... Bwisit talaga siya... At nasikmura niyang gamitin ang pangalan ng Iglesia para gumawa ng masama!

Lesson: Napaka-basic ika nga sabi ng dadi ko, ng lesson na dapat matutunan ko... DON'T TALK WITH STRANGERS!

Sunday, October 15, 2006

Ang ika-43 Pagkakatatag ng Manila Science...


Masaya naman ang foundation day namin ngayon kesa nung mga past 2 years, at least umasenso ang foundation namin ngayon, my booth na...ehemm..speaking of booths..ang mga first year no idea ako kung anong booth ang ipinakilala nila sa amin sa second year yun ata yung my mga stuff toys...sa third year, medyo malaki ang kita dahil marami ang nagpamarriage booth...don ko din nasaksihan at don din nagkabukingan kung sino na talaga ang mag-couples...hehe...Kinasal n rin ang aking pamangkin na si Dawnavie sa kanyang Anthony...Ang saya ng kasal nila kasi binasa sila ng tubig! Tapos sa fourth year medyo marami, nandyan ang jail booth, ang alipin booth at ang paparazzi booth...Well sa jail booth ako naging suki, 3 beses akong kinulong yung isa tinakasan ko pa kaya dapat 4 na beses grabe lahat at ng kalabagan at katiwalian nagawa ko at di sinasadyang ginawa...Grabe wala na akong pera...ubos na at my utang pa ako sa kaklase ko dahil pinapyansahan nila ako...sa katunayan ayokong lumbas sa jail booth dahil nandon ang crush kong first year...Child abuse? hehe...crush lang naman eh..."Age doesn't matter" right? hehe...Baka mapabantay bata ako.. Well yon, cute kasi niya. Actually kung hindi ako najail booth ng maraming beses magiging boring ang buhay ko, kasi ineexpect ko na pupunta si Kuya Mark...(sana hindi niya makita itong blog ko!waha!) actually pumunta siya kaya lang wala akong salamin non, infernes dumaan pa siya sa room namin pero dahil nga impaired ang mga mata ko hindi ko tuloy nakita ang kagwapuhan niya...wahahaha! Yun kaya medyo hindi naging buo ang araw ko nung foundation day...Anyways yung sayaw naman namin ok naman except nung nahulog ang veil ni Mary Joy na siyang taong nasa harapan ko grabe to the highest level ang paglalagay ko...Pansin kaya ang ginawa ko? Neweiyz...after the foundation...pumunta kami rob...kain muna pero nagtipid ako kasi wala na akong pera at baka hindi na ako makauwi...Kain,kain, kain...Then headed to G-box well naglaro ako sa arcade! Gusto ko don yung para kang nagjejetski! Ang saya at infernes first time kong kumanta don sa maraming tao yung hindi tago. Pero ayoko ng ako lang ang kakanta kaya may ka-duet ako...Ewan ko kung nagtaka ang mga tao nung kinanta ko yung "first Love" by Utada Hikaru! hehehe...Grabe first ko talagang gawin yon. Then habang bumalik akong naglalaro sa arcade bigla akong sinigawan ng mga frendz ko na nandon yung crush ko first year! Grabe kinareer nila talaga na gusto kong first year na yon ah! Nagbabasketball siya..infernes galing niya! 3 points shooter! Ayokong banggitin ang pangalan niya dahil magiging masyadong obvious na...hindi ko na lang alam isang araw ipatawag ako sa guidance office dahil sa pagkakaroon ko ng kasong "child abuse".

Nakakapagod ang foundation pero masaya! At ngayon isang panibagong yugto sa buhay ni Kim ang darating 3rd grading na! Ano kayang subject nanaman ang ibabagsak ko? Physics? yoko na.. mag-aaral na "siguro" ako ng mabuti don! Gudluck sa ating lahat!

Wednesday, October 11, 2006

Interview with God...


I dreamed I had an interview with God.

"So you would like to interview me?" God asked.

"If you have the time" I said.

God smiled. "My time is eternity."
"What questions do you have in mind for me?"

"What surprises you most about humankind?"

God answered...
"That they get bored with childhood,
they rush to grow up, and then
long to be children again."

"That they lose their health to make money...
and then lose their money to restore their health."

"That by thinking anxiously about the future,
they forget the present,
such that they live in neither
the present nor the future."

"That they live as if they will never die,
and die as though they had never lived."

God's hand took mine
and we were silent for a while.

And then I asked...
"As a parent, what are some of life's lessons
you want your children to learn?"

"To learn they cannot make anyone
love them. All they can do
is let themselves be loved."

"To learn that it is not good
to compare themselves to others."

"To learn to forgive
by practicing forgiveness."

"To learn that it only takes a few seconds
to open profound wounds in those they love,
and it can take many years to heal them."

"To learn that a rich person
is not one who has the most,
but is one who needs the least."

"To learn that there are people
who love them dearly,
but simply have not yet learned
how to express or show their feelings."

"To learn that two people can
look at the same thing
and see it differently."

"To learn that it is not enough that they
forgive one another, but they must also forgive themselves."

"Thank you for your time," I said humbly.

"Is there anything else
you would like your children to know?"

God smiled and said,
"Just know that I am here... always."

Monday, October 09, 2006

A Special Article for Physics


Ako ay nasa kalagitnaan ng aking pagrereview para sa periodic namin, ngunit bigla akong nagkamood sa pag-uupdate ng blog na to...Ewan ko nga ba, pamatay ang mga test, puro math... Masyado nilang pinapahirapa ang buhay, actually simple lang ang life, ewan ko ba...Hindi ko na talaga maintindihan, kinakabahan actually ako sa Comp.Sci tomorrow kasi baka mahirap yung test and ang baba ko pa naman noong 1st grading don. Hindi lang naman yon ang inaalala ko pati yung Physics, trigo at research sa wednesday.

Gusto kong ifocus yung attention ko sa P6 pero sadyang hindi talaga kami magkasundo, kinamumuhian ko yang subject na yan! Ewan ko...talagang hindi talaga maabsorb ng utak ko kahit anong aral ang gawin ko, talaga never... Call it quits pero talaga naiinis talaga ako sa P6, madami nang araw na nabadtrip ako dahil lang diyan sa subject na yan, mantakin mo, yung mga problems ni sir ang hihirap pero pag sinolve niya na parang ang dali lang kasi simple addition and subtraction lang! Pero talagang wala akong magagawa kung talagang hindi kami pwede ng Physics. Ewan ko kung sa turo ni sir yon o talagang nashock lang ang mga nerves at ang utak ko sa mga pinag-aaralan namin. Pang-electrical engineer ata yun eh, pero buti na lang daddy ko alam lahat yon, pero hindi pa rin sapat... Ewan ko! nakakabaliw na! Ang hirap talaga, masyadong demanding ang mga pinag-aaralan namin, out of this world... Nawawala tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko na alam gagawin ko, depesperada na ako na matutunan yong subject na yon...Hay naku! Help me Lord...Kung pwede may gawin pa akong mga ritwal, gagawin ko para matutunan lang ang physics...Di ba obvious na, i need help? hehe...Buhay talaga!☺