Mabubu-ang na ako!!!
Tapos na ang recital ko, ngayon lang ako nakapag-update dahil medyo busy nitong nakaraan, grover and recital, nakakakaba at ewan ko kung natugtog ko ng ayos yung "flight of the bumblebee" parang nilaro ko lang kasi ang bilis talaga, pero the comments were good naman, kaya medyo nakahinga ng maluwang, ngunit nung araw na yon nung naisip kong pasukan nanaman ay gusto kong magwala sa kinalalagyan ko at tumalon na lang kung saan, para kasing ang bilis ng mga pangyayari at pasukan nanaman, magpupuyat nanaman ako at mahihirapan.
First of day of school June 5, ang daming tao sa Masci, parang may rally! Ok naman, I've had the chance to meet my newest section: DARWIN! Actually halos ng mga girls sa darwin know ko na, mabibilang lang sa daliri ang hindi ko pa kakilala, sa mga boys akong walang masyadong kakilala. Ok naman ang buhay, sailing smoothly pa naman ang mga nangyayari sa akin. Isa-isahin nga natin ang mga teacher.
Teachers:
Mrs. Vidal- siya ang aming adviser, no comment ako sa kanya, ok naman siyang magturo, maraming stratehiya pero balita ko sa una lang siya mabait, which gusto ko pang patunayan, pero lately nakita ko na! Lumalabas na ang true colors niya.
Mrs. Villanueva- teacher ko sa research at Ad. Bio, sabi ni Jean mahirap daw magturo kasi marami ring strateging nalalaman, actually mahirap nga siyang magturo pero mabait na siya at approachable.
Mr.Pagulayan- Si mr. sungit, walang nasusungitan ako sa kanya. One time hindi ako nakakinig sa discussion tapos nagpatest siya eh tiningnan niya yung test ko tapos sabi sa akin, "diyan ka palang?" means na ang bagal ko...hehe
Ms.Gallardo- Gusto niya malinis tingnan ang mga Mascian, ayaw niya ang mga lalaking ang buhok ay parang tayo tayo na parang pag nahulog ang butiki sa kisaem eh mamamtay ito.
Mrs. Soriano- KATAKOT! ALWAYS BE ATTENTIVE!!!! BEWARE!!!
Mrs. Calamiong-NO COMMENT
Mrs. Okafor-Fun!
Mr. Apejas- Hay salamat, may subject na rin akong magugustuhan!
Ms. Coco- SMile naman diyan, ewan ko kung may panahon pang ngumiti si Mam, kasi wala lang, sungit kasi eh, pero galing magturo chem.
Mr. Bautista- Bait, right? Actually substitute lang siya kay Sir Mendoza na nakaleave pa rin daw. GAling sa p6.
Ms. Lazaro- Kengkay!!! Ok! Fun! Vice versa ni....you know~
Hay naku, this week... First week pa lang stressful na, 6 kasi uwian namin, kulang na lang hindi kami umuwi, doon na lang kami matulog... Kainis... Pamatay...
Pero ang pinakatampok na nangyari sa akin ng week na to!!! Ay yesterday, friday, pagkatapos kong kumain kasama friends ko, uwi na ako, actually hilo na ako kasi wala pa akong tulog, pagdating ko sa my gate, patay!!!! Wala akong susi, kaya indi ako makakapasok eh dapat practice namin yon... Sakto pa dumating si Lyka, sabi niya akyatin ko na lang daw yung bakod, wala akong magagawa, mababaliw na nga ako eh, so take the consenquence inakyat ko na yung bakod kahit pagkamalan akong kabilang sa akyat bahay gang!
Hindi lang yon, after successfully climbing a wall, may isa pa akong problema, yung sa may loob ng bahay lock as in kadena, bwisit kasi eh, ang daming lock, kaya ayun.. Wala na talaga akong maisip, pinukpok ko na, wala pa rin, eh paglingon ko may nakita akong pang-welding... Then yun nah!!!! Winelding ko para masira. Bu-ang na ba ako?
Kung sa normal na status ng pag-iisip ng tao... oo! Pero para sa akin, medyo pa lang... pamatay talaga yung ginawa, ko una napagkamalan akong kasapi sa akyat bahay gang. 2. May experience na ako sa welding!!! Qualified na ba akong mag-akyat ng bahay? hehehe... Joke lang....
So yun lang, kaloka no?