Currently Reading: Simple Genius by David Baldacci
Sa mahigit-kumulang 12 taon ng pag-indak ng aking mga kamay, masasabi kong hindi pa ako lubos na nasisiyahan. Maraming-marami pa ako as in marami pa akong nais matugtog. Minsan nga ay naiingit ako sa mga batang ika nga- "gifted" kasi parang sobrang dali lang sa kanila na basahin ang mga nota at iexecute ito sa mga tiklado ng piano. Ika nga sabi ni Mr. National Geographic, "playing piano is not an easy thing to do." At tama si Mr. NatGeo doon, mahirap bigyan ng buhay ang bawat nota na iyong tutugtugin. Sige, simulan muna natin sa pagbasa ng mga nota. Mahirap ang trabahong ito, pero sa akin hindi ko ito itinuturing na isang trabaho dahil ito'y gusto ko. Sa pagbasa ng Do-Re-Mi-Fa-So-La-Ti-Do maraming pwedeng kaeek-ekan ang mangyari dian pwedeng maging sharp at pwede ring maging flat, pwede ring maging double flat or double sharp, pwede rin syang maging natural. After you learn reading notes, eto na ang beat or yung tempo mo kung pano mo tutugtugin ang mga nota. Then, natututugtog mo na, ano pa ang kulang? Walang kabuluhan lahat ng mga ginawa mo kung hindi mo ito lalagyan ng feelings. Feelings ang nagpapaganda ng isang tugtugin. Hindi ito pinaghirapang i-compose ng isang composer kung i-eexecute lang ito ng walang puso't damdamin. Kaya naman talagang constant practice, focus at lost of patience ang kailangan sa pagpapraktis ng piano. Well, minsan siguro dahil hindi ko rin maachieve ang gusto ko dahil I have no patience. I want to do things in a snap. Well, narealize kong mali yon and I will really try to change that.
LIEBESTRAUM by Franz Liszt. Well, eto sa ngayon ang inaabot kong matugtog. Grabe, pag ito talaga natugtog kong BUO!!!! naku, ewan ko nalang ang magagawa ko. Sana naging isang gifted child or kahit child prodigy na lang ako. Yun tipong tumutugtog sa CCP or mas ambosyosa sa Carnegie??? (eto ata spelling non) sa London. O di ba? Ibang klase ako mangarap...haha. WEll, it's far from being true. Feeling ko hindi ko naman magagawa yon.
Pero at least, I am so greatful that God give me these hands, because these hands give me a chance to serve Him more. I got to use my talent to sing praise to Him, kaya naman sobrang grateful ako. Hay... Ok na yung hindi ako makatugtog sa CCP or maging world-renowed pianist, at least di ba? I am playing for the the Almighty! Saan pa kayo? Talo ko si Cecil Licad, Maksim, Marc Yu at Lang Lang sa pagtugtog ng piano! haha..... Well, enough of this pag-iinarte.
Share ko lang mga thoughts sa mind ko. Next time ulit.
No comments:
Post a Comment