Monday, October 22, 2007

Alone

Feeling uneasy and frustrated about things that happened around me... Ang sama talaga ng ganitong feeling. Gusto kong magtagalog para masabi ang lahat ng mga gusto ko ng hindi nagtatrying hard na mag-English. As you know, may mga bagay sa mundong ito na sadyang hindi natin maintindihan. May mga pagkakataong gusto na nating magpakamatay, umiyak at sumigaw ng napakalakas para maipakita natin ang ating kainisan, galit o anuman na nakapagpapabagabag sa ating kalooban. In life, people seems to be unfair, kahit naman ako minsan unfair din, pero ngayon ang pakiramdam ko mag-isa ako, hindi ako makatagpo ng isang kaibigan na talagang nandyan sa para sa akin, sa dinami daming pagkakataon, maraming tao na akong nakasalamuha pero yung taong magbibigay ng same amount of attention na binibigay ko, parang wala talaga akong makita, totoo hindi nawawala ang bestfriend ko at alam kong "Friendship knows no distance". Pero I'm looking for a friend, hindi bagong bestfriend, just a friend that I know I always can count on too. Nasaktan na ako, umasa, umiyak, thinking na bat sila ganon? They are so unfair, hindi din ba nila maisip ang nararamdaman ko hindi naman ganon ang ipinapakita kong feelings towards sa kanila, I try to show them that I smile even though sobrang lungkot ko. Talang fed up na ako, I am really feeling alone, lahat sila may bestfriend, lahat sila may napagkukwentuhan ng mga bagay na comfortable sa kanila, lahat sila may katext, lahat sila nagtatawanan, while there is me- me who longs for a friend, me who longs for my bestfriend, kung pwede ko lang ipaconvert ang bestfriend ko gagawin ko, kaya nalulungkot din ako. Kasi kahit sa salvation I will be alone. Masakit umasa, masakit ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong ayaw naman o kung hindi ayaw ay hindi nakikisama sa gusto mo. Mahirap na nakikibagay lang sila sayo...yun lang. I wish to find them or her. Masyado lang talagang fed up ang feelings ko ngayon.

Idagdag pa ang personal problems ko, being stupid, lazy, thinking things that are all stupidity. Ewan ko kung maliligtas ako, naging masama akong tao, may mga bagay na kelangan kong dapat matutunan pero pinagwawalang bahala ko, siguro narin sa mga iba't ibang problems. Ang hirap magpakatao. Most of the times kahit kasama ko ang mga friends ko I feel so alone, na parang hindi ko kayang malabas ang mga feelings na dapat ilabas ko, natatakot akong makasakit ng feelings ng iba, natatakot ako dahil baka hindi nila maintindihan. I'm just so afraid. Bakit ganon? Kahit walang pasok ay stressed out ang emotions ko. Please stop, I need some rest. Kelangan kong magpahinga, napapagod na akong masaktan, umasa, makibagay, magbigay ng magbigay pwede bang ako naman ang alagaan, intindihin, pakiusapan, pagbigyan. Pwede ba kahit isang pagkakataon, hindi ako yung makikinig, pwede bang kayo naman yung makinig? Ako naman yung maglalabas ng mga bagay na gusto kong ishare. May nangyayari rin naman sa buhay ko, may mga bagay na nagpapaiyak rin sa akin. Bakit sa tuwing kailangan ko ng tulong ay walang taong nagtatanong..."May problema ka ba?"..."Ok ka lang?"....Kahit yung mga ganong tanong lang ok na sa akin, makagagaaan na ng loob ko....pero ang masakit doon, wala, minsan ay sila pa itong magagalit sa akin dahil napaka-moody ko....bakit kayo hindi ba ganito? Minsan nga kahit ako na walang ginagawa ay pinagbubuntungan niyo ng inis eh. Kahit..."Ok ka lang ba?"...ok na sa akin.... kahit yun lang.....may pakiramdam din naman ako...Sawa na akong magparaya, sawa na akong magbigay, sawa na akong mag-isa, sawa na akong malungkot at sawa ng akong magbigay...Pwede ba? Pakiusap lang naman Po? Pwede po ba....kahit isang beses sa buhay ko bago ako mamatay o matapos ang mundo, may ISANG taong magbibigay importansya sa akin, magpaparaya, iiyak, masasaktan, magtatanong ng "ok ka lang ba?", "May sakit ka ba?", "Musta naman araw mo?" sa akin...Kahit sa huling pagkakataon po....kahit sandali lang po madama ko yun....Masaya na po ako....

Gusto kong umiyak na parang bata, umiyak ng malakas, magwala pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil ayoko kayong masaktan...

No comments: