Saturday, July 29, 2006

Starstruck


Kakadating ko lang from watching the play Oedipus Rex sa CCP complex, grabe ang gwapo ni AJ Dee na gumanap bilang Oedipus, sa totoo lang boring yung arte nila kung hindi lang gwapo si AJ, di ako manonood saka kung hindi lang project yon. Grabe best part don nung bigla niyang tinanggal yung damit niya at natira na lang yung alam mo na yung underwear niya. Grabe medyo nagising ako non! hehehe... at namangha.. tapos pagkatapos ng play my autogrpah signing, hindi ako nagpa-autograph pero my remebrance akong picture sa kanya at isa pang Oedipus na actor, bale 2 sila... ang gwapo nila promise parang hindi sila mga tao! Gwapo talaga, para nga kaming mga baliw kanina sobrang kilig! Kasi soooper doooper cute ngumiti and to the highest level ang kagwapuhan!

yun lang...Dapat magpaprktis kami Sabayan pero umulan eh...kainis, feeling ko ang dami naming practice pero wala naman kaming nagagawa. Sana maging ok na yung sabayan, saka ang dami nang upcoming projects, tapos mga long test, tapos periodic. Hell nanaman ang buhay ko!!!!!!! Idagdag pa ang Practical Tests sa iba't ibang subjects, mga ka-ek-ekan talaga.

Feeling ko nga pwede na akong maging commercial endorser ng stresstabs, ako yung babaeng sobrang stress na mukhang "haggard looking mammal na"! hehe...Kulang lang sa tulog.

Nxt tym ulit piles of work pa eh... Ciao!

Thursday, July 27, 2006

Celebrating 92 years of Triumph, with God's Guide and Unmeasurable Love! Happy Annivesary: Iglesia ni Cristo!


Tutal nagpuyat na ako at July 27 na, I just to shout to the world that today is the anniversary of Iglesia ni Cristo. Yep! My religion, and I'm proud of it! It's been 92 years since INC first established on July 27, 1914! It's progressing and still spreading around the corners of the world. Wala lang, masaya lang ako kasi tumagal ang aming religion in such time... Ang dami na palang nangyari, time flies really fast. Di ko man nasimulan ang pagbangon ng Iglesia ni Cristo, I want people to know that being an Iglesia ni Cristo is something that I can only be proud of. Hindi naman ako matalino, maganda? hehe...xempre maganda ako, indi naman ako sooper dooper yaman, hindi rin ako out of this world kung mag-isip, I'm just an ordinary girl, may mga pangarap din, pero I think the greatest gift that God has endowed me is being an Iglesia ni Cristo.

Being a servant of the Lord and following his orders makes me feel relief. From everyday stress and hardships in school, I think my only relaxation is serving God. Para kasing ang lungkot pag indi ka nakakapag-serve kay God. Naisip niyo na ba yun, what's the purpose of this life? Pag namatay ka ba madadala mo lahat ng mga napag-aralan mo sa Trigo at Chem sa heaven or hell? I think people should focus more on spiritual value, dahil yan ang ultimate entrance exam natin pag the end of the world comes. In order to enter the kingdom of the Lord, hindi ka tatanungin don ,kung ano ang distance formula, what is chemistry?, Perform an experiment at ang mga ka-eek-ekan na nalalaman ng mga tao sa mundong ito. We will be judge by our deeds. Simple lang naman kung gusto mong i-enjoy life without thinking kung tama o mali ang gingawa mo, medyo hindi ka papasa sa entrance test, pero kung if you are willing to sacrifice everything just to serve God and do His will, siguro you will get a PERFECT SCORE! in the entrance exam to heaven!. Exaggerated ba ako masyado... Ganyan lang naman ang opinion ko. Besides we are in a democratic country kaya ok lang yang mga ganyan, abnormal talaga ang pag-iisip ng tao lalo sa mga oras na ganito..

Anyways, Happy Anniversary sa Iglesia! I proud of being an INC! Kung gusto nio malaman ang history ng Iglesia or curious lang kayo, click this: Unofficial Site of Iglesia ni Cristo

Sunday, July 23, 2006

The Thing I regretted the Most...


Bakit kasi hindi ako tumupad noong thursday eh...kasalan ko eh...Naiinis talaga ako...Feeling ko nasayang lahat, pero at least nakatupad ako. Medyo nagdadamdam ng konti kasi nga nabigla ako sa mga pangyayari, hindi ko napigilang umiyak kasi emosyonal na tao ako, sabi ko nga sa sarili ko, huwag ako umiyak kasi mamamaga ang mata ko kinabukasan pero hindi ko talaga napigilan eh...

Kung my ability lang ako na pagsabayin ang pag-aaral at tupad, naku promise, gagawin ko... Akala kasi nung iba ayaw ko tumupad at puro aral na lang ang gusto kong gawin pero hindi nila alam na kung pwede na lang huwag na mag-aral at puro tupad na lang gagawin ko. Alam kong ako rin naman ang may kasalan kasi mahalagang event yon at hindi ako nakatugon sa mga dapat kong gawin. Kaya ok na ako. At least nga pinatupad pa rin ako eh...

Hay naku! Hindi ko na alam...Pambihira naman kasi schedule namin eh...!

Friday, July 21, 2006

What an Adventurous Day!


It's 1:05 am in the morning at malapit ng malow bat ang mga cells ko sa katawan ko, ang dami kasing assignment parang bang isang truck! Hehe....at nakakastress pa no, dahil hindi lang assignments ang pinoproblema namin kundi pati na rin yung Sabayang Pagbigkas...hay buhay!

Grabe kanina nung pauwi na ako tapos hinahabol ko pa oras para sa pagsamba, sobrang madali ako, naiirita na nga ako kasi ang tagal nung bus eh, nung sasakay na ako sa bus, buti na lang talaga indi ako medyo tumakbo kundi! Bang! masasagasaan ako, nung pinara ko kasi yung bus, my isa pang bus na kasunod eh ang bilis, yun nabangga yung side mirror nung bus na dapat sasakyan ko...Grabe na-shock rin ako eh, pero buti na lang talaga indi ako kaagad umakyat, kundi indi ko na muli matitikman ang mga pagkaing gusto ko pang namanamin! Bangag na ako! wahahaha...! Buti na lang may nagpaupo sa akin sa bus...! Pangalawang beses na! Dumadami na ang mga gentlemen...
Grabe na late ako sa pagsamba gusto ko sanang paliparin yung bus eh, ang trafic kasi kung pwede ko lang kontrolin yung oras hay naku! Lahat ng dapat gawin gagawin ko na!!!! Kainis talaga, nakakahiya pa kanina kasi sarado na kapilya buti pinapasok pa ako!!!! Gusto ko nang tumalon ng building!! Pero at least adventure! hehehe...

Kanina pala sa English period namin ganda nung topic namin, ganda kasi nung poem ni Sara Teasdale eh... "Barter"... tungkol sa wonders about life:
Life has loveliness to sell,

All beautiful and splendid things,

Blue waves whitened on a cliff,

Soaring fire that sways and sings,

And children's faces looking up

Holding wonder like a cup.


Life has loveliness to sell,

Music like a curve of gold,

Scent of pine trees in the rain,

Eyes that love you, arms that hold,

And for your spirit's still delight,

Holy thoughts that star the night.


Spend all you have for loveliness,

Buy it and never count the cost;

For one white singing hour of peace

Count many a year of strife well lost,

And for a breath of ecstasy

Give all you have been, or could be.


Meaning niyan, kahit gaano kapanget ang buhay mo, my good side pa rin naman, sabi ni Mam Soriano, naks naman my moral lessons na akong natutunan sa PINAKAMABAIT ko teacher! sabi ni mam soriano, pag lonely daw, just think of your favorite things... hehehe pang-sound of music! Topic kasi namin Figures of Speech eh.. pero ganda ng explanation ni mam, first time akong naantig sa teaching strategy nia, palagi kasi akong natatakot eh... hehehe...

Neweiyz, dapat indi na ako magsusulat, eh sayang naman kung mamimis ko ang day na to na indi nananarate sa buong world ang mga adventures sa life ko!!!! God Bless You All!

Friday, July 14, 2006

Ang aking Muling Pagtanda


Kahapon lamang ay muli nanamang nadadagdagan ang aking katandaan,15 taong gulang na ako! Tanda ko na... este yung age ko lang pala ang matanda pero still young looking! Hehehe... Walang aangal! Masaya naman ang aking nagdaang araw ng kapanganakan, maraming tao ang bumati sa akin, kahit na hindi ko aakalaing maaalala pa rin nila na bee day ko na! Isang magandang halimbawa si Ara na kamag-aral ko na noong kami'y nasa prep pa lang, mantaking niong nasa Singapore na siya, tinext pa rin nia ako para batiin ako... At ganon din si Angela, hindi ako makapaniwalang alam pa rin nila ang bee day ko... Medyo muntik na nga akong magtampo sa bestfriend ko si Arnie kahapon kasi kala ko makakalimutan niya yung bee day ko... Pero tumawag siya at binati ako, kala ko talaga nakalimutan na niya, syempre 8 years na kaming bestfriend, sana kami ang longest running bestfriend sa buong mundo! Hehehe...

Hindi ko inaasahan na may regalo sa akin ang kapatid ko pag-uwi niya mula sa dorm, helo? wAla kaya sa mukha nia ang nagreregalo sa ate niyang walang ginawa kundi awayin at banasin siya... Pero sweet naman ang kapatid ko.. Tinawagan niya pa nga ako sa cellphone para lang batiin ng happy bee-day....

Sabi nila tumatanda na ang mga tao sa tuwing sila'y nagdadaos ng kanilang kaarawan, ngunit sa aking pananaw, ang pagdagdag ng taon sa buhay mo ang siyang nagpapatunay na nalagpasan mo ang mga pagsubok sa iyo ni God sa buong buhay mo. Tulad ko 15 years akong namamalagi mundong ito, it means I have able to survive life's obstacles... Drama ba? Kaya be proud na nadadagdagan ang edad niyo. Baby face pa rin naman kayo ah? hehehe....

Maliban sa aking isingawang bee-day, muli nang nagpaalam at lumisan ang pinakamamahal naming punong guro? Tama ba yon? Pinakamamahal? Kanina ay may program, ngunit umuulan, ang panget nga eh, pero ok lang naman din, maraming nagpresentation, iba't ibang section. Ewan ko nga ba? Pag may kumakanta bigla na lang uulan... Senyales na yon na dpat tumigil na siya! hehehe... Anyway, medyo mamimis ko rin si Mam herson, kasi kahit hindi siya naging close sa mga 3rd year peepz, hindi siya masyadong naging mahigpit sa amin...

Sana mas ok yung pumalit, at hindi terror!

Hanggang dito na lang muna... Belated 15th Birthday to me!!!

Wednesday, July 12, 2006

Ang mga delubyong nangyari sa aking buhay....hay!


Akala ko paggising ko kaninang umaga, walang pasok kasi di pa ako ginigising ng nanay ko, and ang lakas ng ulan, ewan ko ba ang Pag-Asa, kung kelan hindi umuulan saka nag-aanounce na walang pasok. Nafifeel ko na walang pasok eh,... base on my instinct at tama si Kath, dahil nagkatotoo ang kanyang instinct na macucut ang klase. Ewan ko kung ginawa ni Mam herson yon dahil farewell na sa kanya o dahil sadyang napilitan lang siya... Anyways, nakakamis din si Mam herson, kahit hindi siya masyadong naging close sa batch 08... Sana mas ok yung pumalit...

So back to the topic, yun na nga, nacut yung klase tapos nag lakas ng ulan, samba kami ni kath sa habay, at pamatay ang ulan, feeling ko kami lang ang inulanan ng ulan dahil sa mga kasalanang nagawa ko... hehehe... Grabe habol namin yung panata tapos basng-basa kami ni kath, parang umihi kami sa skirts namin!!!! hehehe.... yun lang!

Thursday, July 06, 2006

My Epitaph


epitaph (literally: "on the gravestone" in ancient Greek) is text honoring the deceased, most commonly inscribed on a tombstone or plaque.
Yes you're right, epitaph as in a message for the dead, our teacher in English instruct to create an epitaph, of course for us, so when we died, our epitaph is already ready... hehehe...

Anyways here's my epitaph...
Here lies a lad in the coffin of love,
Smile and laughter she will now be apart,
Slumbering deeply, mournings from above,
Farewell to you! Farewell! God's work of art.


Panget no? wala lang, gusto ko lang ilagay...

Wednesday, July 05, 2006

Getting Worse


Right after school, I hurriedly went out of the school to go to church, I thought that the hours of pagsamba ni Pandacan was 7:45, luckily I called kath and asked what time is the pagsamba, when I already knew that it was 6:45, me and my dad, hurriedly rushed to the taxi cabs. One taxi driver drive us thru the church, then I never really expected that that taxi driver, didn't even know where he was going. Kainis talaga, parang hindi siya taga doon, I got irritated even more when he asked us, Nasaan na tayo? Hello, who knows, ewan ba namin eh hindi naman kami taga-Maynila and take note driver siya saka dapat alam nia, my dad is losing his temper already, and before argument start to rise, I asked my dad that we should get out of the taxi and look for another one, tapos yung taxi driver nakuhan pa dady ko ng 40 pesos. Tingnan mo ba naman ang kawalanghiyaan ng tao sa mundo, siya na ngang parang baliw, siya pa ang may ganang maningil eh muntik na nga kaming malate , well actually late na kami, muntik na nga kaming indi papasukin sa kapilya eh... Then, we really find taxis everywhere, then there was this taxi that actually alam niya kung saan yung kapilya, what went wrong was that when we are about to step out of the taxi, the driver of that stupid taxi didn't turn on his meter... Yung metro kung saan nakalagay kung magkano yung babayaran ng passenger, so my dad, a little bit loose his temper, pano ka nga ba naman makakapagtrabaho ng disente kung hindi mo alam kung magkano ang babayaran ng pasahero mo, that's illegal, ano yon manghuhula ka lang kung magkano ang babayaran namin, ididictate mo lang sa amin na 100 ang dapat ibayad sayo? Hello? Mahiya ka naman...!

I really hate what kind of people I have encountered today, gusto ko silang awayin lahat. Sana matapang lang talaga ako! People in the world is getting worse and even worst, bilang na lang sa daliri ang mga taong may magandang ugali, they will trick other people just to gain money, in a wrong way. Di ba nila alam na lalo silang walang makikita kung nandadaya sila ng kapwa nila? The devil has taken their hearts and mind, hindi na nila alam kung tama ba o mali ang mga pinaggagagawa nila. Tapos nainis rin pala ako dahil bago kami sumakay don sa taxing walang metro, may taxi na kaming nakita na alam kung saan yung church, inis din ako doon sa taxi driver kasi alam niya nga tapos pinakiusapan kong ihatid kami, ayaw niya pa? My gosh!!!!! Nag-taxi driver pa sila, eh nakatunganga lang sila doon eh, pano sila kikita ng pera? Wala na talaga!!!! Baligtad na ang tao ngayon, kung hindi sobrang manggantso, sobra naman ang pagkatamad. Lahat ng bagay Sobra! At masama ang sobra!!!! Nakakainis... Sana makarma silang lahat...

Uunlad pa ba ang Pilipinas kung ganyan ang mga taong makikita mo? Mga walang kwenta, na kapwa Pilipino nila ninanakawan nila... Kainis, eto namang si PGMA, wala lang, ano ba nagawa niya? Wala lang! Punta kung saan-saang panig ng mundo, tapos matit.v. tapos non, speech tapos non, project na hindi naman lahat nakikinabang... tapos noon wala lang... Nakakainis na talaga... Ano na ba ang nangyayari...? Kainis...

Monday, July 03, 2006

Lost Mind


Kainis...Kainis talaga, ang panget ng araw ko, pinapanget kasi ng Englsish subject. My teacher in English is too harsh, she is like a dog that will suddenly bite you if you are not his master. I starting to hate her. I know that we are the one who has to be blamed because of the report but saying harsh words to us, is not right. Don't the teachers know that if they pressured students rather than encouraging them, students will have a trauma, like not reciting to classes and will not be active anymore in class activities. She says some words that are not suitable for the students to hear especially at classrooms. I really hate it!!! I already miss Mrs. Abadilla, she is better than her. One thing I hate about her is that she is always comparing us to other section, I really hate teachers, comparing different sections. we are different from each other, with different abilities and state of mind so please stop comparing us with other sections. I she wants to teach other sections and not anymore to teach Darwin, then ok! Go on. It's better. It's not our lost.

Maybe tomorrow, this hatred will hopefully fade away. Hopefully... May God bless me! Hay! Naku! Teachers talaga mga pasaway!!!!

Saturday, July 01, 2006

Feeling ko Ganito ako


I saw this clip at another's blog... hehe... stealer!

Siguro nga ganito na ako? Baliw...

Lam nio, lumalaganap na ang mga baliw sa mundo, tulad ng batang ito, nahawaan na ng lumalaganap na epidemya ng pagkabaliw. Marhar!